Mas maganda yung vine version kaso wala sa youtube eh..
--x--xx--x--
Chapter 12Nacancel nanaman ang meeting ng XSNY kahapon. Ngayon nalang daw. At least this time wala na kong klase, nawala ako sa iniisip ko ng dumating yung jeep na hinihintay ko. Pagsakay ko, napansin kong dalawa lang kaming pasahero. Tulala pa yung isa.
Naglabas ako ng pamasahe at mukang naalarma naman yung lalaking kasabay ko. Since mas malapit sya kay mamang driver at yung pamasahe nya ata ay nasa kamay nya na ay nagbayad na sya,
" Isa lang ba to?"
" Dalawa po sana kaso, kakabreak lang namin." This sounds familiar, ito yung nasa Filipino vines ah.
" Bigti, fre." muntikan akong matawa sa sarcastic na sagot ni manong. Napanood yata yung video at ayaw manglibre sa jeep nya.
Nang matanaw ko na yung mall na pinagusapan namin ay umisod na ko sa likod ng driver at nagbayad, " Isa lang din to no? Binreak ka din?"
Natawa ako at umiling, nang tumigil si manong sa may papabaan ay bumaba na ko. Agad ko naman namataan ang isang babae na nakasuot ng white na t-shirt na may black bold print na XSNY demanding. Hindi rin naman nilang pinagkakalat na demanding sila?
" Para ho!" napatingin ulit ako sa jeep nung sumigaw yung lalaki na kasama ko sa jeep kanina. Turns out na aalis na dapat yung jeep.
Nanakbo yung lalaki pababa at nanakbo kung saan. Maya-maya naman ay may sumakay ng jeep, isang babae at lalaki. Yung babae cool lang, tapos yung lalaki sinusundan talaga yung babae.
Pero parang di naman napapansin ng babae yung boy eh, then suddenly, Emeaich popped out in my head. Nakasakay na kaya sya sa jeep? Meron kayang jeep sa mundo nila?
I shook my head trying to stop thinking about him, matatanong ko din yan sakanya. Mahahanap ko sya. I started walking papasok ng mall at sumakay ng escalator papuntang second floor. Sa food court ang usapan eh.
When I got there, I saw a couple of girls in a certain part ng food court na nakasuot ng t-shirt na katulad ng t-shirt nung babae na makita ko kanina.
Kaya naman naglakad ako papalapit sa grupong yon. Kahit readers ko sila, kinakabahan parin ako sa mga to. Buti nalang may makikita akong familiar faces..
" Uy si ate Yumi!" napatingin naman silang lahat sakin na naglalakad papalapit. Dun ko napansin na lahat pala sila kilala ko, hindi ko lang napansin dahil nakatalikod or nagbago ng hairstyle.
" Ate kilala mo pa ako?" I smiled at her, " Hana?"
" Wow, kilala pa ko ni ate!"
" Eh ako ate?" nagsunod-sunod ang mga tanong at unti-unting umiinit ang tenga ko kaya, " GUYS, WALA AKONG ELATIC MEMORY! Syempre hindi ko kayo kilala lahat."
Sumunod naman ang mga defeated remarks, " Okay, magsimula tayo. May bago ba?"
" Meron po." Then a girl pointed some teenage girl na ngumiti naman sakin. So I smiled back. Nakaupo sya sa pinakadulo, at nakasuot ng t-shirt nung XSNY.
" Teka, since 10th book na 'to ate Yumi, anong aasahan namin dito?"
" Si Mico."
" At?"
" Ewan ko. Wala pa kong naisip." They all pouted. THEY SERIOUSLY ALL POUTED. Hindi naman usling-usli pero pout talaga.
" What if ikaw nalang yung girl?" Sabi ng isa, then they all cheered up and bugged me to be that lead girl. Love story ko naman daw ang ilahad.
Then my idea of the fantasy fitted with the story na ako ang gaganap or ako ang portrayer. Then a question pulled me out of my thoughts, " Anong genre?"

BINABASA MO ANG
Fictional (making some slight changes)
FantasyMakukuha, mawawala, makukuha, tapos mawawala ulit. It felt like an endless cycle. Pero pagmahal mo talaga uulit at uulit ka talaga 'no? So for the God knows how many times, the chase will start again. Characters were chosen, plot was ironed perfectl...