Chapter 34

2 0 0
                                    

Chapter 34

" Okay ka lang ba Yumi?" nakatingin lang ako sa labas ng bintana, tinitingnan yung dinadaanan naming iniisip kung sasagutin ba ang tanong ni Yuri. In the end sinagot ko rin, " Okay lang."

" Baka nasasapian ka na ah."

Tiningnan ko ng masama si Yuri, at ngumiti ng nakakatakot.. Lumapit ako sakanya at binulungan gamit ang nakakapahindig balahibong boses, " Patay na ang kapatid mo.. Gusto mo bang sumunod?"

Naramdaman kong napaupo sya ng tuwid sa takot, " Yumi.."

Kinapa ko yung bulsa ko at nakapa yung ballpen at kinuha.. Pfft—okay na to. Itinutok ko ito sa tagaliran nya habang nakatingin lang sya sa harap hindi gumagalaw pero halatang takot sa nangyayari,

" Paalam." bulong ko sa tenga nya at lalo kong naramdaman ang takot nya.

Pero nagulat ako nung bigla nyang inapakan ang breaks kaya napatilapon ako sa harap ng kotse, " Aray naman!"

" Tarantado ka, Yumi! Papatayin mo ba ako sa takot?!"

Tumawa ako at bumalik sa upuan ko sa likod ng driver's seat, " Ang daldal mo kasi.. Okay nga lang ako."

" Fine." Sabi nya habang tinitingnan ako sa rearview mirror, " Pero dadaan muna tayo sa Margo Cara."

" Saan yun?"

" Dala mo naman siguro yung lisensya mo no?" tumango ako, " May regalo sayong Mustang si Lola."

" Okay-tangina, ANO?!"

Tumawa naman si Yuri, " Anong gusto mo? Puti o blue? Dalawa yung nakapark dun, isa sakin."

" Seryoso?!"

" Oo.. Kaya nga naibaksak ko yung plato kagabi eh."

" Woah."

\\\

" Crap, she's serious." napangisi naman si Yuri sa reaksyon ko. Tinignan ko sya, " Anong kabutihan ang ginawa natin at pinagpalaan tayo nito?"

" I don't know to you. Basta ako, I'm just the Awesome Yuri."

" Gago." Inirapan ko sya at tiningnan yung mga kotse, " This is a hard decision. Can I take both of them?"

Binatukan ako ni Yuri at, " Tag-isa tayo dito! Hwag kang dupang!" Natawa naman ako sakanya at pinili yung—," White."

" I knew you would." At inihagis sakin ni Yuri yung susi ng kotse at dumeresto sa kotse nya—which is yung blue. Dark blue to be exact.

Pumasok at sa kotse at bumukas yung bubong.. Yes, this is the 2015 Ford Mustang Convertible, san ko nalaman? Sa aking kapatid na nayayakap ang stirring wheel at nagbubusina sa sobrang tuwa, " I LOVE YOU GRANNY!"

Natawa ako at sinigawan sya," Pakasalan mo na!"

Hindi nya ako pinansin at dumeresto ang tingin ko sa kotse na ito, it's a bit different from my brother's van pero keri lang siguro. I know the basics naman. Instant akong napatingin sa lalaki sa kabilang kotse na ganun din ang ginawa.. Kambal nga kami.

Nagkangitian kami at nagsimulang magdrive papalabas sa Car park ng building na to. Ang sabi ni Yuri pagmamayari raw ito ng isang sikat na modelo sa America.

Magkapareho ang mga kotse namin ni Yuri except sa kulay at nakasunod ako sa kotse nya ng lumabas kami sa main road. Hindi ko mapagkakailang may ibang napapatingin at napapatigil dahil hindi mo araw-araw makikitang may nagdadrive ng mustang sa kahit saang kalsada. May ibang nagpipicture rin, buti nalang nakaglasses ako. Bukas pa naman ang bubong ko.

" How is it, sis?" Sigaw ni Yuri muli sa sasakyan nya. Hindi sya nagyayabang—unti lang—ang totoo nyan concern sya kasi first time driver ako, " It's fine!"

Sino bang hindi magiging okay kapag binigyan ng kotse?

\\\

Oo walang pagsisidlan ang saya ko pero parang biglang nadrain itong lahat ng makarating ako sa loob ng dorm ko. Bumalik yung feeling kong may kulang. May nawawala. Hindi lang isang bagay na madaling nakawin, pero alam mong mahalaga at masasabing 'most precious treasure'. Nakakaiyak.

Natutuliro nanaman ako sa nararamdaman ko. I feel incomplete. Alam mo yung feeling na alam mo pag dating mo sa bahay may sasalubong sayo? Pero ngayon, wala na. Yung feeling na dati excited akong umuwi at araw-araw akong maaga umuwi, nakangiti at masaya.

Pero bakit hindi ko na ulit yung maramdaman? Bakit nga ba ako masayang-masaya noon? Hindi ko na tanda pero tanda ko yung contentment at saya sa puso ko... noon. Ang sakit. Ang malala, Hindi ko alam bakit. I miss to be undeniably happy. I wanted this right? I wanted to be alone kaya ako umalis dun.

Bakit ko ba kasi naisip na gusto kong umuwi? Hindi naman boring dun. Baka may iba pang dahilan king bakit gusto kong bumalik. Baka akala ko lumayo ako para mapagisa pero pang totoo dahil ito gusto kong may makasama.

Pero sino?

Napailing ako. Ito nanaman ako.. Nagtatanong nanaman tapos wala din namang mahahanap na sagot. Napatingin ako sa pinto, makalabas nalang ulit.

Pagbukas ko nang pinto ay hindi sinasadyang nahagip ng mata ko yung bike sa ilalim ng puno. Hindi ko pa nagagamit yan ever since. Bago ba pa may maramdamang akong iba-which is nagsisimula na-ay nilihis ko na agad ang tingin ko doon.

I can't—actually I won't use my car dahil malapit lang naman ang pupuntahan ko. Baka pupunta nalang ulit ako dun sa coffee shop or sa bookstore. O baka dun nalang sa benches-naalala ko kasi si Seren. I know that he want me to finish my not-yet-started manuscript.

Naglakad lang ako paglabas sa Dormitory village at as usual ay binati ako ng guards kaya't nginitian ko nalamang yun. Yung kotse nga pala malayo sa street namin kasi malayo yung parking.. Pero malapit yung sa main gate, dahil normally hindi nagamit ng kotse ang mga studyante dito. May train din kasi kami. Pero hindi yung katulad nung nasa LRT at MRT ha. Ayun yung more like sa amusement parks para sa mga bata. Yung matagal lang tapos naikot sa buong City.

Umupo ako sa isa sa mga upuan sa ilalim ng umbrella dahil 10 o'clock na ay nagsisimula nang umiinit. Okay, let's start this.

Write all the pain away. Put your emotions to your words. Write pain, write love, write happiness. Make a world, for people to live in and to experience. Just write everything away.

Fictional (making some slight changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon