After Ending: Chapter 13

3 0 0
                                    

After Ending: Chapter 13

Weeks na rin ang nakaraan at less than a week nalang Christmas na. I'm... well, talking to Mico. We are a bit-just a bit fine now. Medyo nakakamove on na rin naman ako mula sa mga masasalimuot na pangyayari-Thank God. Though, there's something more... inside of me.

Parang may kulang.

I miss... Mico. Naglalakad lang ako sa lupain, medyo malayo narin kaya tiningnan ko kung nasaan yung mansyon for direction purposes... Malayo na ako pero kita pa naman yung bahay... Tumingin na ulit ako sa harap at agad akong may napansin na tali na nakalaylay sa puno na sumasayaw sa hangin...

Binilisan ko ang lakad ko at dumeresto dun sa ilalim ng sangga na may asul na laso. Tumalon ako para abutin yung tali pero sa height kong 'to, hindi ko abot. Sino ba kasing higante ang naglagay nyan dyan?

Nagikot ako ng tingin sa lugar at mula sa malayo ay may natanaw ako sa left-front side ko, isang signage na nakaturnilyo sa trunk ng puno-parang French style inspired signage... Nung nilapitan ko yun ay may faded na ukit, L, A, K nalang ang visible letters tapos inaamag na yung isang letra pero syempre understood na lake ang ibig sabihin nun. Pagkatingin ko sa harap ay nahanap ko sa malaya yung lake na sinasabi nung sign kaya tinakbo ko ito at napangiti sa ganda ng lugar na yon.

Ang ganda...

Dumeresto ako wood deck at umupo sa dulo nito, tapos isinuwing pa ang binti. Napatingin ako sa view sa harap ko, gubat pa ata ang palibot ng lake na to tapos tanaw mo rin sa di kalayuan ang paa ng bundok na kita rin mula dito. No wonder ang tahimik dito at sobrang peaceful. Tiningnan ko ang likod ko hinahanap nasaan yung mansion-masyadong malaki kasi yun para tawaging bahay.

After ilang minutes na pagtingin ay nakita ko yung bubong nung mansyon. So hindi kita ito mula dun? Napatingin ulit ako sa tubig sa ilalim ng paa ko, ang peaceful at parang ibon lang ang maririg mo dito. I can say na worth it naman ang pagbili sa lupain na ito ni tita...

Umihip ang malakas na hangin at agad akong inantok. Chineck ko muna yung hihigaan ko bago ako humiga nung nakita kong wala naman putik or makakastain kahit anon makakastain sa damit ko.. Umihip uli ang hangin at ang sunod na namalayan ko ay nakatulog ko tapos pag gising ko ay gabi na.

When I opened my eyes I thought I was dreaming for a moment because of the beauty of the stars in the darkness of the night... Punong-puno ng bituin ang langit na parang glitters sila na ikinalat sa isang black paper... Nakatulong narin ang fact na parang probinsya ito at malayo sa artipisyal na ilaw mg siyudad...

Change is a constant thing and sometimes an actual good thing, pero minsan dahil sa mga makabago nakakalimutan na ang luma at kadalasan ay isinasangtabi na ito. Everything changed a lot overtime and it's sometimes too overwhelming for people to forget about the great things before the big change...

Pero mas malaki ang problema ko kaya kasya makipagdebatihan ako sa sarili ko dito, I should probably go and find my way back home. Mamaya nagalit si tita. Nakakatakot pa naman magalit ang mga taong napakabait at understanding dahil pag nagalit sila, alam mong mali na talaga ang ginawa mo. Kaya tumayo na ako as much as I want to stay and stare at the beautiful scenery here, I would probably just stare at it in my window. I need to go home...

Nagpagpag ako at naglakad papapunta sa direksyon nung matandang signage, buti nalang puno ng stars ang langit at full moon kaya medyo maliwanag ang daan. Nang makatayo na ako dun sa gilid ng puno na may signage ay nakita ko yung ribbon sa may puno at mabilis na pumunta dun. And from there I saw the little lights from the trees decorated with Christmas lights-of course put there by tita.

Malapit na ako sa mansyon at surrounded na ko ng mga puno na puno ng puting(or yellow) Christmas lights ng biglang may humigit or more like pumingot sa tenga ko mula sa likod at narinig ko ang boses na nagsabi ng, " Walangya kang bata ka, san ka galing at ngayon ka lang umuwi? Pinagaalala mo ko!" at hinigit pa ng bongga ang tenga ko sa huling sentence,

" Sorry na, tita!"

" Isusumbong kita sa anak ko! Isusumbong talaga kita sa asawa mo! Isusubong talaga kita kay Mico!" At piningot pa ng pinong-pino ang tenga ko.

\\\

Humihikab pa akong bumababa sa hagdan-blurred pa ang paningin. Inaantok na pa ko kaso ang usapan ay maaga dapat gumising pagfive days to Christmas na. Isa pa rinig na rinig na ang music mula sa baba. I'm not familiar with the song but it's good.

I'll find my way back home and light up every tree~ We will hang our stockings for you and one for me~ Cause Santa called to make sure I'm prepared~ He said, "Pack your bags and tell them you'll be there."~ I'll be home with my love this Christmas~ I promise, I promise I'll be home with my love this Christmas~ I promise, I promise I'll be home~ Home~ I'll be home~

" Good morning tita..." saad ko pagkarating sa kitchen habang kinukusot pa ang mata, " Tita?" tanong ko ulit dahil walang sumagot sakin ng Good morning pabalik. Pagbukas ng mata ko ay may taong nakaupo sa stool at nakatalikod sakin-di ko kilala kung sino dahil blurred pa ang paningin ko-tapos nakatingin lang sakin si tita na nakatayo sa likod ng bar table.

" Bakit tita?" tapos kinusot ko ulit ang mata ko para luminaw na ang paningin ko at agad nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kaninong likod yung nakaupo sa stool. Parang biglang nagsink in sakin yung kanta,

I'll be home with my love this Christmas~ I promise, I promise I'll be home with my love this Christmas~ I promise, I promise I'll be home~ I'll be home, I'll be home~ I'll be home with my love this Christmas I promise~ I promise I'll be home...



Fictional (making some slight changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon