Chapter 27

9 0 0
                                    

Chapter 27

I felt half awake, ramdam kong buhat-buhat ako ni Mico.. Hindi ko alam kung nasaan kami pero nang marinig ko yung pagclick ng pinto at maamoy ang pamilyar na perfume na ginagamit ko, ay alam ko na agad na nasa dorm kami.. Pinilit kong buksan ang antok kong mga mata kahit unti lang, I looked at him,

Naiilawan lang ng ilaw galing sa buwan mula sa bintana ang kalahati ng muka nya, Ang gwapo. Napangiti ako at napapikit na ako ulit ng makarating kami sa kwarto ko,

Binaba nya ko sa kama ko at pinipigilan kong hwag makatulog ng tuluyan, inayos nya ako sa higaan at kinumutan. Inayos nya rin yung buhok ko, sinuklay nya ito palayo sa muka ko gamit ang kamay at hinalikan ang noo ko..

Dun ko lang hinayaang ang sarili kong mahulog..

\\\

Unti-unti na kong nagigising, naririnig ko na kasi yung boses ni Mico. Pero parang may kasama sya dun, sino kaya yun?

" Mico gisingin mo na si Yumi."

Si Yuri. Dali-dali akong tumayo sa kama at gumapang patago sa cabinet, " Aw." At nauntog pa ko sa loob dahil medyo masikip yun. Sinilip ko sya mula sa awang ng pinto ng closet.. Sa kasamaang palad ay nagulat ako at naiuntog ang ulo ko sa likod ng cabinet..

EH KASI NAMAN NASA HARAP NA AGAD SYA NG CABINET!

" Hahahaha, ikaw kasi eh.." Sabi nya habang binubukasan yung closet at hinihimas yung nauntog na parte ng ulo ko,

" What a way to start the morning..."

Natawa lang sya at tiningnan ko sya, " Tumawa ka pa ah!"

" HAHAHAHAHAHAHAHA~"

Inirapan ko lang sya at gumapang palabas ng closet at tumayo.. Nakangiti lang sya sakin kaya't tiningnan ko rin sya ng maigi,

" Ano? Nagagwapuhan ka ba sakin? Hahaha, gwapo ko na talaga.." Tiningnan nya ko at naglip-bite at wink. Napakunot ang noo ko,

" Bumalik ka na sa dati?"

Nawala ang ngiti nya at tumango, " Hindi na ulit kita mahahawakan?" tumingin sya sakin, " Yumi.."

" Okay lang.." lumabas ako ng kwarto at sinalubong ng kakambal kong nagluluto ng eggs and hotdog, " Nasusunog na ang itlog mo."

Tumingin sya sa baba nya, " Intact pa naman ah."

" Yung nakasalang, baliw." inirapan ko sya kaya't natawa sya, pero dahil kapatid ko sya at napansin nya ang pagkabwisit ko, " Anong problema?"

Bago pa ko makapagsalita ay, " Yumi.." agad tumayo si Yuri at hinarap si Mico, " Anong ginawa mo sa kapatid ko?"

" W-wala.." Tiningnan ko si Yuri na masama ang tingin kay Mico at halatang hindi naniniwala na wala ngang kasalanan yung isa, " Yuri, wala syang ginawa."

Tumingin sakin ang kakambal ko, " Sure?"

" Yea."

" Then why the heck are you upset? Umagang-umaga oh!"

Tiningnan ko sya ng masama hindi alam kung sasabihin ang totoo, ayaw ko sana pero wala akong maisip na alibi—nang biglang may naamoy akong—, " Kasi umagang-umaga gusto mong nang sunugin tong dorm ko.."

" Aw, shoot!" nananakbo sya sa kusina at tinry isave ang sunog na sunog nyang itlog pero huli na ang lahat, sunog na yung limang pisong itlog na binili ko pa sa palengke.. Hay, nagsasayang sya ng supplies ko.

" Yumi.." Napairap ako sa loob-looban ko, tinatry kong ibrighten up yung mood ko tapos—ugh. The depressing thing is, I don't even understand why the heck I'm so annoyed!

Fictional (making some slight changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon