Chapter 20

9 1 0
                                    

Chapter 20

After the best breakfast I had with him—so far—ay nagbike ako papunta sa campus at nanakbo papasok sa first class ko. I expected to come early dahil nagbike nga ako at mas mabilis ang bike kaysa sa paglakad.. But I expected wrong. I was late by 23 seconds. Tanginers yan, kaya ko nga binili yang bike eh para pag natututo ako, magbabike nalang ako para mas mabilis. Pero kung kailan nagkabike, nalate. Bwisit talaga oh. Di ko pa naman vibes yung professor namin this morning..

Kaaga-aga tuloy may test, at ang sama ng tingin sakin ng mga blockmates ko.. Sakto namang dumating si Mico at nang gulo..

" Shh." Bulong ko sa dumadaldal na si Mico, pero dahil may malaking tenga ang prof namin ay narinig nya yun, " Ms. Skye, who are you talking to?"

Napatingin naman ako sa harap at sinabing wala, " Bakit ang init ng dugo nun sayo?"

Dahil bawal akong magsalita ay kinuha ko yung notebook ko at sumulat ng sagot sakanya, ' Ewan.'

" Gusto mong alamin ko?"

' Hwag na.' nagsimula syang dumaldal kaya naman sumulat ako sa notebook ko, ' MANAHIMIK KA NA, ANG INGAY MO! ITATAPON KITA SA-'

Napatigil ang pagsusulat ko nang may humalbot sa notebook ko, " So Ms. Skye, this is what you are writing in your notes? At sinong manahimik? Ako? Saan mo ko itatapon ha?"

" Hindi naman po.."

" Anong hindi?"

" Wala po.."

" Umayos ka Yuima, isicinco kita eh. Isa pa." warning ng professor namin at bumalik sa harap para magturo, " Sorry.." hindi ko na sinagot o tumango manlang dun, baka mahuli nanaman. Patay na ko.

\\\

" Sorry na.."

" Oo na nga.."

" Sorry na.. galit ka pa eh!"

" Mico, I'm not galit. Your guilt is just overpowering inside you, that's why you think that I'm mad."

" Really?"

" Yea, I can feel it.."

" Oh yeah, we're connected. I remember." Then he smiled, " Sorry.."

" Oo na.."

" Naiirita ka na ba?"

" Unti."

" Okay I'll shut up.." Napatawa naman ako, " Pano ako makakabawi sayo?"

" Saan?"

" Doon sa pagdaldal ko.."

" Okay lang ano ba.."

" I'll think of something later.. Tuloy-tuloy naman ang klase mo diba? Hintayin mo walang ako sa bubong mamayang 6.."

Tumango ako, " Sige.."

\\\

Tinotoo nga ni Mico yung sinabi nya.. Nakauwi na ko at lahat ay wala parin sya, 4 palang pero kinakabahan ako baka kung anong nangyayari dun.. To wash of the worry in my heart, I unlocked my bike and started biking around the village dorms.. Ito yung pinakagusto ko sa school na to.

American style yung paligid, puro puno; yung lawns—grass. The grasses are trimmed like every other day pag nasa school ang mga studyante. There are 250 dorms, tapos may street names. There are five streets, kada street kasi: sa left 25 houses at right 25. It's the same with the 4 other streets.

The houses are identical. Loob lang kasi ang pwedeng baguhin.. So balik tayo sa street names, yung first street—which is kung saan yung bahay ko, ay Carpitelle. The second street is called Paw. The third one is Maine. The fourth street is named Sleeves. And the fifth is called Tolliet.

Nasa center ang campus at nakapalibot yung opening ng streets sa buildings na ang tawag namin ay 'city'. Pauso lang ng mga studyante. Even the street names, studyante lang rin ang gumawa.

So, the city in the center, the streets, and the third layer is the man-made lakes.. Kadastreet may lake na nagrerepresent. Pero ang totoo nyan, and silbi ng lakes ay para walang umakyat sa bakod na studyante. Mataas yung bakod after ng lakes pero pinagapangan yun ng Bougainvillea.

The University's facilities are great. Ito nga ang isa sa pinakamagandang university sa Pilipinas ngayon kahit bagong gawa lang nya. Maganda rin yung aral dito. May tinatawag na After Class. Yung mga studyante pupunta dun pag may hindi sila maintindihan sa lesson..

Dahil sa paglutang ng utak ko ay hindi ko napansin na medyo madilim na.. Kaya mabilisan akong nagbike pupunta sa dorm. Nagpalit ako ng pambahay at umakyat sa bubong.. Pero yung dorm sa harap nasa front lawn sila(kapit-bahay ko) kaya hindi ako pwede maghintay sa bubong.

Kaya naghintay nalang ako sa may puno katabi yung nakalock na mga bikes.. After 10 minutes of waiting, naisipan ko nang itext si Mico dahil nga hindi pa nauwi.. Pero sakto naman syang sumulpot sa harap ko.

" Hey."

" Ang tagal mo.. Naaalala tuloy ako.." ngumiti sya at tumabi sakin sa ilalim ng puno.

" Sorry, ang layo eh."

" San ka ba pumunta?"

" Paris."

Nanlaki ang mga mata ko, " Ginagago mo ba ako?"

" Hindi ah! May atraso na nga ako dadagdagan ko pa? Syempre hindi. Totoo yun, galing akong Paris. Pero napagod ako, pahiga muna ah."

Paglapat ng ulo nya sa hita ko ay nakakita ako ng fragments—looking at the Eiffel tower, " Did you see that?"

" Yup. The fragments? Yes."

" So pupunta ka talaga dun?"

" Oo."

" Pano?"

" Teleport."

" Nakakagago talaga."

" Sorry naman, pero totoo yun." Tumingin sya sakin, " Aren't you gonna ask how's my trip?"

" Ayoko, feeling ko delikado yung dinaanan mo.."

" It's dangerous kaya lang wala namang ibang paraan. Kaya go ako."

" What do you mean?"

" Pag nagkamali kasi ako sa process, pwedeng pag nagsara yung portal maputulan ako ng kamay, or paa, o kahit ano.. Pwedeng din mahati ang katawan ko sa kalahati.. Opps, sorry.. "

" Are you nuts? Why did you go that far? Ang delikado!"

" I do things for you, Yumi.. And I love it when you care about my safety.."

" Argh!"

" Uy, shh!" natatawang sabi ni Mico, " Oh, eto na nga pala, isusuot ko sayo.."

Umayos ako ng upo pero bilang napatingin ako ng tumaas yung kamay ko ng hindi ko kinokontrol, tapos binuksan ni Mico yung kamay nya na naglalaman ng isang singsing. Lumutang yung singing na nasa kamay nya at unti-unting sumuot sa daliri ko..

" Belated Happy Birthday.."

Napatingin ako sakanya para magthank you pero pagtingin ko sakanya ay nahilo agad ako kaya nataranta agad sya. Boses nya ang huling narinig ko bago nagdilim ang paningin ko.. Hindi ko na alam akong nangyari pagtapos.

Fictional (making some slight changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon