Chapter 30

9 0 0
                                    

Chapter 30

" Yumi.." Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko, " Five more minutes.."

" Gising na, bilis.." sinuklay nya ang mahaba kong buhok at pinipilit kong hwag ngumiti dahil hindi nya alam lalo akong inaantok pagsinusuklay ang buhok. Pero dahil gaga yung ngiti ko ay tinatraydor nya ko. Kaya binaon ko ang muka ko sa unan at dumapa.

" Yumi, gising na. Seriously." Sabi nya habang patuloy na sinusuklay ang buhok ko pataas habang nakabaon parin ang ulo ko sa unan at nakadapa.. Ansarap ng ginagawa nya. Simula sa batok pataas, tapos ganun ulit. Inaantok na ko ulit ng bigla nyang hinigit yung buhok ko, " Gising na nga, kah!"

" Aray! Punyenta naman!"

\\\

Naghikab ako habang paglalakad paglabas ng kwarto. Nabunggo pa nga ako eh. Tanga-tanga kasi, nakapikit pa, " Yumi!"

" Ano?!" lokong sigaw ko rin sa kapatid ko,

" Ilagay mo nga yung playlist mo sa speaker, bilis."

" Makautos ah."

" Gawin mo nalang!" sinamaan ko sya ng tingin habang naglalakad papalapit sa bagong biling speakers ni Yuri. Sinet-up ko ito at pinindot ang playlist ko na favorite nya, " Ayan na kamahalan."

Umupo ako habang nagsisimula na syang kumain at nagsimula na yung kanta. At dahil saulong-saulo ko na yung kanta kakapaulit-ulit ni Yuri noon ay sumabay ako sa kanta, " Do you remember feeling invincible? When there was trouble it was us against the world~ We kept running, running through the night~ Chasing the sun 'til anything felt right, Can you save me now? I get lost up in the clouds~ Can you save me now? You were my gravity~"

Nagkatinginan kami ni Yuri at sabay pasigaw na kumanta, " Can you save me now? When the ground drops out I get lost in the clouds~ Save me now, you were my gravity~ Now my world is shattering," kanta lang ako nang kanta," Ooooh, you were my gravity~ Ooooh, you were my gravity.."

" You left me out there with no one but myself, in an open field for the lightning to strike me down~ I was the moon, you were the sun~ I can't seem to shine now that you're gone, now I'm out of orbit cause you left without warning~

Are you somewhere better now?" hinayaan ko si Yuri na ang kumanta sa part na yan dahil ang bigat ng dibdib ko bigla. Parang may kulang, parang may meaning yung kanta na gustong iparating sakin.. Weird. Hindi ko nalang ito pinansin at kinanta ulit yung lyrics. Hindi pwede si Yuri. Nababasag yung kanta,

" When you went away, thought I'd never be the same~ Would the nightmare ever end? If I could do it again I wouldn't change a thing 'cause it's made me who I am~ And now I'm shattering," kakantahin ko na ulit sana ulit yung chorus pero tinakpan ni Yuri ang bibig ko at sya ang kumanta habang may pagkain ang bunganga,

" Can you save me now? When the ground drops out I get lost up in the clouds~ Save me now, you were my gravity~ Can you save me now? When the ground drops out I get lost up in the clouds~ Save me now, you were my gravity, now my world is shattering~!" tawa ako nung tawa habang iniiwasan yung nagliliparang egg and hotdog with rice galing sa bunganga nya,

" Tangina, Yuri! Kadiri ka! HAHAHAHAHA~" tawa ng tawa rin si Yuri kaya kahit pigil-pigil nya ay nabilaukan sya at naibuga yung pagkain sa bunganga nya, " TANGINA! YAK! HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA~" sigaw ko at napatayo mula sa upuan dahil sa wide range ng pagbuga nya,

" AYOKO NA KUMAIN! KADIRI KA!"

" Yabang mo! Eto sayo!" at ibinuga ni Yuri yung natitira sa bunganga nya sakin kaya tatatakbo ako sa kwarto at nagkulong, " NILINISIN MO YAN! Lagot ka kay God!"

" OO NA!"

Natawa nalang ako at dumiresto sa closet ko at binuksan ito. Medyo magabok-teka, bakit magabok to? Hindi ko yun pinansin at kinuha yung jacket na puti na nakahanger, ito susuotin ko ngayon. Binili ko to sa Men's wear kungsaan eh. Ang mahal nito pero ewan ko ba anong pumasok sakin at binili ko to.

Pagkatapos ko kumuha ng damit ay dumeresto na ko sa bathroom.. Tiningnan ko pa yung buong CR bago maligo. Paranoid attack, I guess.

\\\

" Parang ang haba agad ang buhok mo.." tiningnan ko yung buhok ko, " Okay lang naman ah?"

" Wala. Okay na yan."

Humikab ako, " Saan ba kasi tayo pupunta? Antok pa ko.."

" Kay Granny."

Na wala bigla ang antok ko at, " Ano?!"

" Umuwi sila galing America kaninang madaling araw.." Sabi nya habang sinusulyapan ako sa rearview mirror,

" Sila?!"

" Kasama yung mga pinsan natin.."

" Ha?!"

" ANG BINGI MO NAMAN!"

" Nagugulat ako, sira!" Natawa lang sya nang unti at nagfocus ulit sa pagdadrive, " Nasaan sila ngayon?"

" Nasa Treehouse."

" Bakit dun?"

" Dun nila gusto eh." Umirap ako, " Brats."

" Bakit ba ayaw mo? Nasa sala lang yung mga yun, don't worry. Diba nga may lock ang pinto mo at nasayo lang yung susi? Ako nga ang dapat magalala eh—yung kwarto kooo~" Natawa ako saglit at tumingin sa bintana malapit sakin, Boring.

Tiningnan ko yung phone ko at nagkalkal ng files ko dun.. Napatingin ako sa isang folder na nakaencrypt. Inubos ko yung oras ko sa pagtatry na mabuksan ito..

Grabe. Ano to? At sino naglagay nito sa phone ko? Yung folder naman date lang ang nakalagay, " Yuri, nasaan tayo nung mid-August?"

" Ewan. Normal na araw lang naman yun diba? Alam ko July birthday natin. Anong meron sa August?"

Tiningnan ko yung phone ko, " Wala.. Akala ko kasi may pinuntahan tayo.."

" Wala akong natatandaan eh.."

Ngumisi ako, " Baka ulyanin ka na kasi.."

" Tarantado to ah! Ginaganyan mo na ako!" tinawanan ko lang sya at tiningnan yung hint sa phone ko: Admit it. Weird.

Fictional (making some slight changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon