Chapter 3
Kanina pa ko tulala, I don't know who is he! Tapos hindi pa sya nakikita nila kuya at ni ate Claud. Feeling ko tuloy multo sya, pero hindi naman sya mukang nakakatakot eh! Tsaka hindi ako kinakalibutan sakanya. What's strange is I feel safe with him. Yung parang hindi ako naalis sa comfort zone ko? Is that normal? Feeling strangely comfortable with someone who just popped out of nowhere?
Tiningnan ko ang katabi ko na hindi nakikita ng normal na tao, Nababasa mo ba ang nasa utak ko?
'Uy!' Pagtawag ko sakanya gamit ang utak.. Okay, so hindi nya nababasa ang thoughts ko? May nabasa akong nababasa nung supernatural na guy yung utak nung bida eh. And no, it's not twilight.
Teka, pano kami magcocommunicate nito?! Aakalain nilang may sayad ako! Argh. Bwisit. Tiningnan ko ang view sa bintana at tiningnan ulit sya sa tabi ko.
He don't look like a bad person—I mean creature of some sort. Nakafaded blue jacket sya with hood, pero hindi nya ginagamit. Tapos grey jeans ata to, at shoes—wow, Vans.
He totally look normal except for the fact that no one sees him but me. Pero ang tanong bakit ako ang nakakakita sakanya? May third eye ba ko? May something ba ko na special?
Medyo na gulat ako ng tumingin sya sakin at, " Hi.."
" Hi?" Sabi ko pabalik,
" Yumi, who are you talking to?" napatingin ako sa harap kung nasaan ang kapatid ko,
" Sarili ko. Kailangan ko to para sa 10th book." Mabilisan at walang isip-isip na sabi ko, " So nagiging semi abnormal ka tuwing nagsusulat ng libro?"
" Abnormal ka pag pagsusulat ng libro?" tanong ni Mr. Hindi-ko-alam-sino,
" Baliw. Hindi! Sadyang nahihirapan lang ako sa 10th book. Mataas kasi yung expectations nila at ng XSNY.."
" Ohhh." Sabay na sabi ni Yuri at nitong katabi ko.
Honestly? It's kinda weird. I'm starting to think na multo sya. I wanna ask him a lot of things pero pano ako makikipagcommunicate? Just look, isang 'Hi' lang pabalik napagkamalan pa kong semi-abnormal, ang saya. Kainis.
" Uy." Napatingin ako sa katabi ko, " Bakit di mo ko kinakausap?"
I gave him a dagger look, and mukang nagets naman nya dahil nag-ahh sya tapos tumango-tango, " It's kinda lonely with no one talking to me.." Sabi nya, " Like I'm invisible." Duh, invisible ka talaga. " Hindi ako sanay ng tahimik. My mom used to talk endless while driving so it's unusual to me na walang nagsasalita."
Yeah, yeah, just talk.
" Huy, para namang wala akong kausap eh." Nakatingin kasi ako sa labas kaya siguro akala nya hindi ako nakikinig.
Nagbuntong-hininga sya kaya tiningnan ko na yung side nya at nagulat ako nang makitang wala sya dun. Nasaan yun?
" SUPERMAAAAAAAAAAN!" napatingin ako sa labas at nakita syang nalipad. Sa labas ng van, kalevel ng bintana. Seryosong nalipad sya. Kung anong itsura ni superman pag nalipad sya ganun din ang ginagawa nya..
" I'm not just a pretty man beside a plane, it's not easy, to be me~!" medyo natatawa ako sa katangahan nya, he look silly doing that. Palibhasa ako lang nakakakita sakanya kaya ang lakas ng loob nyang magpamukang tanga..
" Imma do a shuffle en~" nagsasasayaw sya ng shuffle sa tapat ng window ko kaya pigil-pigil kong hwag tumawa. Nang biglang nabunggo sya ng jeep.
Hinabol ko ng tingin yung jeep, is he dead?
" Aray~" napatingin ako sa katabing umupuan ko kung saan sya nakaupo kanina, " wala ka manlang feedback? Buwis-buhay yon! Nabundol pa ko. Sakit." Sabi nya habang minamasamasahe yung balikat nya.
Pano ako magfefeedback, aber?
Mukang nahalata nya naman na hindi ako makapagsalita at tumingin sa buong van at nag landing ang mga mata nya sa phone ko, " Ah, use your phone. Itype mo nalang." Bakit di ko naisip yon?
Bilang masunurin na tao, kinuha ko ang phone ko at nagtype sa notes, ' you looked stupid back there.'
Binasa nya yung tinaype ko at sumimangot agad sya, " Salamat sa pagaappreciate ah!"
Matawa-tawa naman ako, ' Joke lang. LOL'
" Lol ka din." Bwisit na sabi nya,
I felt bad kaya nagtype ulit ako, ' Thank you for doing it anyway.'
Binasa naman nya at, " Thank you dahil may matatawanan ka? Asar ha." Natawa naman ako sa remark nya, ' You made me smile. Yun yon.'
" Ay sus! You're welcome. Osya, gawin mo nga din!"
' Hwag na, Ayokong mabangga ng jeep habang nagsasayaw. Pfft, epic.'
Natawa naman sya, " Harsh ha."
\\\
Nakaupo ako sa isang sanga sa taas ng puno, habang tinitingnan ang mga munting ilaw sa baba ng bundok. We stopped at the feet of Mt. Makiling kanina. May bahay kasi kami dito sa taas ng bundok. Medyo malaki rin ang lupain namin dito.
Naramdaman ko syang tumabi sakin, " Bakit ako?"
" Ha?"
" Bakit ako lang ang nakakakita sayo?" tanong ko habang tinitingnan parin yung baba, " Multo ka ba?"
" Hinde,"
" Angel?"
" Hindi. Pero sana."
" Engkanto?"
" Hindi pointed and tenga ko."
" Demonyo?"
" Muka ba kong may sungay?"
" Demons and angels don't need wings nor horns to prove they are angels.."
" Wow, deep." Napatingin ako nasakanya, " Sabi mo tutulungan mo kong isulat ang libro ko." Tumango sya, " Paano?"
" Ewan ko. Maybe by giving you some ideas?"
" How could you make me believe that you're capable of giving functional ideas?"
" Are you insulting me?"
" I'm testing you." Sagot ko naman, " Hmm, I can't think of anything that would make you believe in me.. and my ideas." patuloy ko lang syang tinitingnan, " Magtanong ka nalang."
" How could you fly?"
" Ah, it's because I'm not a human."
" I knew it." Sabi ko, " Are you a glitch?"
Umiling sya, " No, I'm not a human but I'm also not an alien. I call myself not human kasi hindi ko naman mundo to." Kumunot ang noo ko, " I don't live in this world. I'm not your kind."
" Okay.. So pano ka nakakalipad?"
" Diba ang tao pag nasa moon magaan? Ganun din ako. Since I'm not in my own world me and my body have limitations.."
" Like?"
" Like my body's weight is like a paper. My body mass is so low. Ang pinakamabigat kong weight ay kasing bigat ng 500-page book na hard cover. At ikaw lang ang nakakakita sakin.."
" So ano ka?"
Nagkibit-balikat sya, " Ewan ko. Maybe you can call me the real one."
" The real one? So ano ako? Fake?" He smiled at me, " Sira ka din talaga."
" Teka, Bakit ka ba nandito?"
" Because I need to heal."
" Heal?" tanong ko,
" Yes."
" From what?"
Nginitian nya lang ako at bigla nalang syang nawala. Marami pa kong tanong, marami pang sagot ang kailangan ko pero nadagdagan lang ang tanong sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Fictional (making some slight changes)
FantasyMakukuha, mawawala, makukuha, tapos mawawala ulit. It felt like an endless cycle. Pero pagmahal mo talaga uulit at uulit ka talaga 'no? So for the God knows how many times, the chase will start again. Characters were chosen, plot was ironed perfectl...