Unedited...
"Hindi ka ba talaga pupunta sa family dinner, boss?" tanong ng assistant/driver niya. Trained bodyguard si Rino. Kilala na niya ito mula pa nang bata sila dahil anak din ng bodyguard ng kanyang ama kaya kinuha na niya at pinagkatiwalaan sa lahat ng bagay. Maayos siyang magpasahod at parang nakakabatang kapatid na ang turing niya rito dahil dalawang taon lang ang tanda niya.
"Please, wag mong i-remind."
Tumango si Rino at nag-concentrate sa pagmaneho. Sa kanya lang ata hindi nawala ang ngiti ni Chris. Ang laki ng pinagbago nito mula nang maghiwalay sila ng kasintahan.
"We're here na, boss."
"Salamat. Huwag mo na akong sunduin bukas, ako na ang magmaneho," sabi niya. "Mag-dayoff ka muna."
"Salamat ho," nakangiting pasalamat niya. Ito rin ang maganda sa kanya, anytime ay nakapagpaalam siya sa boss na hindi papasok at buo pa rin ang sahod. Nakakasama rin sya sa halos lahat ng gala nito mapaloob o labas man ng bansa.
Bumaba si Chris at pumasok sa condo building. Pagpasok niya ng unit, sumalubong ang malamlam na ilaw mula sa lampshade sa sala. Hinubad niya ang sapatos at coat.
Lumapit siya kay Anika na nakahiga sa couch at mahimbing na natutulog. Mataman na pinagmasdan niya ang dalaga. Kapagkuway maingat na binuhat niya ito at dinala sa kwarto saka maingat na inilapag sa kama saka nagpalit ng damit.
Lumabas muna siya at tumungo sa kusina. May nakahanda ng pagkain sa mesa kaya ininit na lang niya ito. At least mapakinabangan din ang dalaga sa loob ng bahay dahil marunong sa gawaing bahay.
Nagtimpla siya ng kape at nanood muna ng TV sa sala. Nakailang tawag na ang ina pero hindi niya sinasagot.
Nang magsawang manood, pinatay niya ang TV saka lumapit sa lampshade pero napansin niya ang bondpaper sa center table kaya nilapitan niya ito at tiningnan. Napakunot ang noo niya nang makita ang ilang sketches ng damit at jewelries.
"Nandito ka na pala."
Napatingin siya sa pintuan ng kwarto nang lumabas si Anika.
Namulagat siya nang makitang hawak ni Chris ang ginawa niya kanina."Sorry sa kalat," paumanhin niya sabay kuha sa kamay ni Chris ng bondpaper at niligpit ang gamit. "Na-bored ako kanina kaya naisipan kong gumuhit."
"Okay lang," ani Chris. "Nakakaguhit ka pala."
"Libangan lang kapag wala akong magawa at kapag stressed ako," sagot niya.
"I see," ani Chris. "Mag-shower lang ako."
"Sige. Kumain ka na ba?"
"Tapos na. Salamat sa niluto mo."
"Baka maalat sabihin mo lang ha."
"Sakto lang ang timpla," ani Chris. "Marunong ka rin mag-bake?"
Tumango ang dalaga. "Konti lang. Palagi kasing nagpapa-bake ang mga tao sa bahay kaya natuto ako."
"Hindi ba sila marunong?"
"Hindi. Isa pa, baka masira lang ang nailpolish ng mga yun."
"Sige. Halika na."
"Ha?" naguguluhang wika ng dalaga. "Maghuhugas pa ako ng pinagkainan mo."
"Nilagay ko na sa dishwasher so samahan mo na ako."
"S—Samahan saan? May lakad ba tayo?"
"Shower," may bahid ng pagkapikong sagot ni Chris.
"Mauna ka na ho," ani Anika.
BINABASA MO ANG
1. Sold to CEO (R-18)
RomanceIt was a rainy night nang may nag-alok sa kanyang virginity para sa isang gabing kaligayahan. Bago pa man nagising ang lalaki, nilisan na ni Anika ang hotel para ibigay ang pera sa matapobre niyang madrasta at step-sister. Nasampahan ng kaso ang ama...