4

37.4K 634 21
                                    











Unedited....










"Aalis ako, hindi ako matutulog dito mamaya," ani Chris. Kanina lang natapos ang kasal nila pero aalis na ito agad.

"Sige, ingat ka," sagot ni Anika. As if na may masabi pa siya. Feeling niya kahit na ano ang gawin ni Chris, ito rin naman ang masusunod kahit na tumutol pa siya.

"May laman pa naman ang ref natin. Kapag wala na at may gusto kang kainin, mag-order ka online. Nasa sa 'yo naman ang isang credit card ko o 'di kaya'y tawagan mo si Rino para magpabili ka."

"Sapat pa naman ang pagkain sa ref," aniya.

"Okay, good. Wag kang magpapasok kahit nakailang bell na ha. Remember, ako lang ang nakatira dito. I have a key kaya hindi ako mag-doorbell."

Tumango ang dalaga. Lumapit si Chris at hinalikan siya sa mga labi.

"Bye." ani Chris at lumabas na ng unit.

"Saan ba tayo, sir?" tanong ni Rino.

"Surigao," sagot ni Chris kaya dumiretso sila sa airport. "Nakapag-book ka na ba?"

"Ha? Magbo-book ba?"

"Damn!" ani Chris na nakalimutang magpa-book.

"Tingnan mo kung alin ang may available flight pa Surigao."

"Wait, tawagan ko lang ho si Jessie," ani Rino na ang tinutukoy ay ang girlfriend niyang overall secretary ng company. Marami silang connection kaya bago pa sila makarating sa airport, naka-book na sila ng business class ticket.

Paglapag sa Surigao, dumiretso sila sa hotel.

"Mamayang gabi pa ang meeting kaya magpahinga ka muna sa room mo," sabi ni Chris.

"Sige, boss." Ipinasok ni Rino ang gamit ni Chris saka pumunta sa sariling kwarto.

Nahiga muna si Chris at pinanood ang CCTV ng condo unit niya. Ini-zoom niya ang ginagawa ni Anika sa sala. Kagaya ng nakagawian, gumuguhit na naman ito.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Rino.

"Bumili ka ng maliit na sewing machine."

"Boss, marami pa naman tayong sewing machine at kakabili lang natin last month."

"Isa lang ang kailangan ko na pambahay."

"Oh, sure," ani Rino kaya tinapos na ni Chris ang usapan nila at sinubukang makaidlip muna.

Nang tumunog ang alarm clock, agad na bumangon si Chris at nagpalit ng damit at tumungo sa business meeting nila ni Mr.Tan.

Naging maayos ang usapan at pagkatapos ng dinner, tunungo sila sa company building nito para makita ang sample ng ginto mula sa pinagminahan nila.

"We have different stones din," ani Mr.Tan sabay pakita ng sample stones nila. Sila ang may hawak ng mining industry dito sa Surigao.

Satisfied naman si Chris sa nakita.

"Okay, Mr.Tan. I'm gonna sign our contract pero gusto ko munang makita bukas ang mining site ninyo," aniya. Ito na ang maging main supplier nila.

"I'm happy to hear that," sabi ni Mr.Tan. "Bukas ito-tour kita."







-------------------------




Wala na siyang magawa kaya niligpit niya ang kalat sa mesa at nanood ng Netflix. Tatlong araw nang hindi umuwi si Chris pero ni tawag ay hindi naman nito ginawa.

1. Sold to CEO (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon