14

31.8K 664 27
                                    















Unedited...











"Kyaaaah!" tili ni Elisa nang pumasok sa office kaya napatingin ang teammates niya sa kanya. "Guys! Guess what?"

"Sabihin mo na po, TL," sabi ni Kendra na napatutop sa bibig. "Oh my gosh! Buntis na si Marilou?"

"Gago ka ba?" bulyaw ni Marilou na sipain sana ang katabi pero agad na nakaiwas. "Ikaw konti na lang at mabigwasan ka sa akin na bakla ka ha!"

Napangiti si Anika sa sagutan ng dalawa. Minsan tong dalawa talaga ang nagbibigay ng sigla sa grupo nila.

"Good news, guys!" ani Elisa.

"Woah! Top tayo?" bulalas ni Jen. Iyon lang naman ang good news para sa kanilang lahat.

"Yes!" pasigaw na sagot ni Elisa.

"Ayos!" hiyaw ni Marilou.

"Woah! After million years! Oh my gosh!" hindi makapaniwalang sabi ni Kendra. "Sa wakas makapag under the knife na si Aketch!" Mukhang babae naman siya dahil sa pills na tini-take pero maliit pa rin ang boobs niya.

"Yuck! Sa 'yo na lang 'tong akin, gusto mo?" tanong ni Marilou.

"Tse! Pero pwede rin," ani Kendra. Lalaking-lalaki talaga kumilos si Marilou pero isa sa mga insecurities niya ay ang malaking boobs.

"Mukhang swerte ata si Anika sa atin ah," nakangiting sabi ni Jason.

"True," pagsang-ayon ni Jen na inayos ang salamin.

"Hmm? Hindi a. Effort ninyo 'yon kaya deserve ho ninyo," nahihiyang sabi ni Anika.

"So guys," ani Lily. "May pakain ho ba? Libre nyo naman kami ni Anika," wika niya.

"Sure! Ako na ang manlibre sa inyo," sabi ni Elisa na proud sa members niya. Ganito pala ang pakiramdam ng mga teamleader na nagta-top. Ngayon lang niya ito na-experience at nagpapasalamat siya sa buong team niya.

"So? Lunch na tayo?" tanong ni Kendra dahil mag alas dose na.

"Sure!" pagpayag ni Elisa.

"Libre mo rin kami ng potato corner after ng lunch," biro ni Kendra.

"Kuripot ka talaga," sabat ni Marilou. "Libre na kita. Patay-gutom ka talagang bakla ka."

"Sayang din sa ipon ko no! Pamasahe ko pa pa-Thailand," ani Kendra at inirapan ang katrabaho.

"Tama na. Let's go," sabi ni Jason kaya sabay-sabay silang lumabas ng opisina.

"Oh, kamusta ang first timer na nag-top sale?" tanong ni Jenelyn nang makasalubong sila.

"Masaya," sagot ni Jason. "Kayo ba masaya rin?"

"Ilan lang ang lamang ninyo sa amin at madalas naman kaming mag-top so masaya pa rin kami. Kaysa naman ngayon lang nag-top," sagot ni Jenelyn.

"Nagsalita ang tatlong beses lang mag-top," sabat ni Olivia.

"At least sa present hindi kami ang lowest," taas noong sabi ni Jen dahil sina Olivia ang nangulilat ngayon. "Bilog ang mundo."

"Let's go, guys!" sabi ni Elisa para umiwas na sa dalawang grupo.

Nang makarating sa restaurant, masayang nagkwentuhan sila habang kumakain.

"Sarap sa feeling na top earner tayo," sabi ni Elisa na hindi pa rin maka-get over. "Palagi na lang kasi tayo kulelat.

"Nag-top lang naman sila dahil ginagamit si Sir Ralf," ani Jason pero agad na siniko ni Elisa. "What? Iyon naman ang sabi nila."

1. Sold to CEO (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon