17

30.6K 658 34
                                    











Unedited....









"Puro ka na lang trabaho, wala ka nang time sa akin," biro ni Chris nang lapitan ang asawa.

"Hmm? Malapit na akong matapos. Kulay na lang at okay na itong snake bracelet ko," sabi ni Anika sabay tingala asawa. "May kailangan ka, Mister Arguela?"

"Ikaw, Misis Arguela."

"Ano po ang maililingkod ko?"

"Tara, gala tayo. Bili tayo ng damit mo," yaya ni Chris.

"Saan?"

"Nakapunta ka na ba sa isa sa boutique outlet natin?" tanong ni Chris.

"May time ba ako? Syempre hindi."

"Tara, punta tayo."

"Baka may makakita sa atin," nag-aalalang tanong ni Anika.

"Wala 'yan. Mag-suot ako ng jacket, shades at sombrero bilang disguise."

"Makililala ka pa rin," ani Anika. "Parang sa movie tayo a."

"Kung sa movie man, at least tayo ang bida," sabi ni Chris at hinila patayo ang asawa. "Sige na, bihisan kita."

"Hey, ako na. Kaya ko nang magbihis. Wait lang."

Pumasok sila sa kwarto at sabay na nagpalit.

"Okay na ba 'to? Makikilala pa ba ako rito?" tanong ni Chris na balot na balot ang katawan.

"Medyo pero kapag hindi naman nila isipin na ikaw 'yan, malamang hindi." Ang laki ng jacket na suot nito at nagsuot din ng mask kaya halos natakpan na ang mukha nito.

"Tara na. Gusto ko rin mamili ng damit eh," yaya ni Chris. Kahit na madalas siyang pinapadalhan ng mga damit, gusto pa rin niyang nakikita muna niya bago isuot.

Sa MOA sila pumunta.

"Ang dami talagang tao rito sa MOA," sabi ni Chris. Kaya ayaw niyang pumunta rito dahil napapagod siya lalo na kapag may mamukhaan siya ng dati niyang fans. Kahit na matagal na siyang wala sa showbiz, may mga solid supporter pa rin siya na lumalapit at magpa-picture.

"Second floor ang boutique, no?" tanong ni Anika.

"Yes," sagot ni Chris kaya sumakay sila sa escalator. "Are you okay?"

"Yes," sagot ni Chris.

"I'm happy kasi nakakasama kitang lumabas. Gawin kaya natin 'to lagi," sabi ni Chris saka hinawakan ang kanang kamay ng asawa. Hihilain sana ni Anika pero hinigpitan niya ang paghawak. "Gusto mong bumili ng bag?"

Umiling si Anika. "Ang dami ko pa sa bahay, hindi ko pa nga nagagamit ang iba."

"Dalawang bag lang ang gamit mo at ang iba ay display sa lagayan."

Natawa si Anika. "Hmm? Syempre kasi alam mo na, ang mamahal ng iba kaya baka magtaka sila kung bakit ganoon ang gamit ko." Napasulyap siya sa mga sapatos. Ang daming magagandang display pero ang hirap mag window shopping kapag kasama ang asawa.

"Darating ang araw na malaya ka nang gawin at suotin ang gusto mo," bulong ni Chris. "Wait lang." Wala siyang choice kundi bitiwan ang kamay ng asawa nang may tumawag. "Yes, hello?"

Napatingala si Anika sa asawa para hintayin ito. Mukhang hindi maganda ang hitsura nito dahil kahit nakasalamin at mask ay halatang ngalit ito. "What the fuck, dad! Okay, okay. I'll come. Bye!" Tinapos niya ang tawag at humarap kay Anika. "I'm sorry. Kailangan kong umuwi sa bahay. Emergency lang."

1. Sold to CEO (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon