Unedited..
Ipinasyal sila nina Larry sa buong hacienda. Gusto sanang sumakay ni Anika sa kabayo kaso ayaw siyang payagan ng asawa dahil baka mapano raw siya.
"Bata pa lang magaling nang mangabayo si Alas ah," puri ni Anika.
"Yan ang ginagawa nila ng daddy niya kapag may free time," sabi ni Amy.
"Ang swerte niya dahil sinalo nyo siya," sabi ni Kristina.
"Kaya nga e. Sabi rin ng mga tao. Wala kasi kaming anak kaya kung sakaling mawala man kami, at least may sasalo sa yaman namin," pagsang-ayon ni Amy. Habang tumatagal, nagiging magkamukha na sila ni Alas dahil magkadugo naman sila kaya walang mag-iisip na hindi nila tunay na anak ang bata.
"At least naaaliw ka na dahil may bata na ang hacienda ninyo."
Napabuntonghininga si Amy. Mas maganda pa sana kapag buhay ang sariling anak nila. Nakiusap siya noon kay Larry na kung pwede ay mag-anak ito sa ibang babae through IVF kaso ayaw ng asawa.
"Ingat ka sa pagbaba," wika ni Amy nang tumalon pababa si Alas saka tumakbo kaya hinabol ng mga lalaking bantay nito.
"Ganyan talaga mga bata, makukulit. Si Chris noon sarap patayin dahil sa kalikutan," sabi ni Kristina.
Bumalik sila sa mansion. Si Anika ay nagpaiwan sa pavilion para lumanghap ng sariwang hangin at magmuni-muni.
"Hija, gusto mo ng hinog na papaya?" tanong ni Larry nang lapitan siya saka binigyan ng hiniwang kakapitas lang na papaya ang dalaga. "Matamis 'yan."
"Thank you po, Tito," pasalamat niya at ngumiti saka kumain ng papaya.
"Tito, masarap po kapag manibalang yung papaya tapos isawsaw sa suka," sabi ni Anika.
"Ganoon ka ba kumain?"
"Yes po. Noong bata pa kami may tanim si Mama na papaya sa gilid ng bahay kaya palaging papaya ang merienda namin," sagot ni Anika na inaalala ang masayang alaala nila ng ina sa maiksing panahon.
"Sige, pakuhaan kita mamaya sa katulong ng manibalang na papaya." Pasimpleng tinitigan niya si Anika. Hindi man ito kasing mukha ng ina, kopyang-kopya naman nito ang kilos at pananalita. Simple lang ang ganda pero hindi nakakasawang tingnan.
"Salamat po, Tito Larry. Ang bait mo po sa akin."
"Asawa ka na ni Chris kaya dapat lang na maging mabait ako," sagot ni Larry at natawa.
"Tito, paano po kapag hindi? Aapihin mo po ako?" biro niya saka sinundan ng tawa.
"Hindi naman. Mabait kang bata at talented pa kaya malabong apihin kita," sabi ni Larry. "Hindi kita pwedeng apihin dahil anak ka niya," gusto sanang idagdag ni Larry pero isinarili na lang niya. Hinihintay niya si Kristina na magsabi ng totoo kay Anika at ayaw niyang pangunahan ito.
"Sus, bolero ka po. Pero Tito, may issue po ako ngayon. Nangopya raw ho ako," problemadong sabi ni Anika. Alam niyang kaya siya dinala rito ni Chris dahil gusto nilang iiwas siya sa gulo pero hanggang kailan niya sila matakasan?
"Naniniwala ako na honest kang bata," sabi ni Larry. "Kaya wag kang mag-alala, Anika. Oras na apihin o saktan ka ng asawa mo, umuwi ka lang sa akin ha." Kaya pala ang gaan na ng loob niya kay Anika noong una pa lang niya itong nakita.
"Don't worry, Tito, makakaasa ka pong uuwian talaga kita kapag awayin ako ng mga Arguela."
"Hija, paano pala nagkakilala yung mama at papa mo?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
1. Sold to CEO (R-18)
RomanceIt was a rainy night nang may nag-alok sa kanyang virginity para sa isang gabing kaligayahan. Bago pa man nagising ang lalaki, nilisan na ni Anika ang hotel para ibigay ang pera sa matapobre niyang madrasta at step-sister. Nasampahan ng kaso ang ama...