Unedited...
"Ehem! Busy ka ata," sabi ni Elisa.
"TL," nahihiyang wika ni Anika na hindi makatingin nang diretso dito.
"Kamusta ang meeting kay Sir nang lumabas ako?"
"Psh, marinig ka ng iba," bulong niya.
"Alam na 'yan nila pero tahimik lang," sagot ni Elisa. "Kailan pa? Ha?"
"Ang alin?"
"Pag ayaw mong umamin, okay lang. Bahala ka."
"Guys, punta raw tayong lahat sa conference room," sabi ni Jen matapos ibaba ang telepono.
"Bakit daw?" tanong ni Jason.
"Hindi rin sinabi. Emergency meeting daw e," sagot ni Jen.
"Sino ang tumawag?" tanong ni Elisa.
"Si Jessie," sagot ni Jen.
Napaisip si Anika. Wala namang sinabi si Chris kanina pero bakit may emergency? Si Mr.Tan lang naman ang pumasok doon.
"Now na ba?"
"Sabi naman niya. Kailangan after fifteen minutes nandoon na lahat," sagot ni Jen.
"Tara," yaya ni Elisa. "Iwan nyo na muna 'yang ginagawa ninyo."
Paglabas nila, palabas na rin ang ibang team.
"Ano kayang mayroon?" tanong ni Olivia.
"Nandoon daw si Mister Tan," sabi ni Rina.
"Oh, baka may kinalaman sa necklace project," sabi ni Olivia. "Baka mapaaga ang launching."
Nang makapasok sa conference room, nandoon din sina Chris at Mr.Tan.
"Rino, pakisara ng pinto," utos ni Chris at hinarap ang mga empleyado. "As you know. Nakapili na kami ng top ten na necklace at kasalukuyang ginagawa na ito," panimula niya. "But Mister Tan has a complain."
Napatingin sila kay Mr.Tan at hinintay na magsalita.
"Matagal na akong nag-i-invest ng alahas kaya nagsimula rin ang mining business ko," sabi ni Mr.Tan. "Lahat kayo rito ay designer, baguhan man o beterano sa larangang ito pero hindi ko maisip kung bakit may nangongopya ng gawa ng iba."
Nagkatinginan sina Lily at Anika nang binuksan nila ang VDR at ipinakita ang gawang necklace ni Jenelyn.
"Kaninong gawa nga ulit ito?" tanong ni Mister Tan. Lahat sila ay napatingin kay Jenelyn.
"Gawa mo ba talaga ito, hija?" tanong ni Mr.Tan.
"Yes po," sagot ni Jenelyn.
"How come na walang pinagkaiba sa gawa ng isang nanalong pa-contest seventeen years ago?" tanong ni Mr.Tan at ipinakita ang lumang larawan ng ginuhit niya na necklace.
"H-Hindi ko po alam, baka nagkataon lang," sabi ni Jenelyn na hindi alam ang gagawin.
"Impossible," sagot ni Mr.Tan. "Kaya pala familiar sa akin ang necklace."
"Gawa ko ho 'yan. Ako ang gumuhit niyan kaya impossible na may kagaya," sabi ni Jenelyn.
"Who can testify na gawa mo 'yan? Can you show us some proofs?" tanong ni Mr.Tan. "I valued jewelries pero kung galing lang ito sa pagnakaw, para mo na rin akong bumili ng peke."
"Noong una pinalagpas kita, Jenelyn," sabi ni Chris.
"Sir, si Anika ang nangopya sa akin!" pagtuturo ni Jenelyn.
BINABASA MO ANG
1. Sold to CEO (R-18)
RomanceIt was a rainy night nang may nag-alok sa kanyang virginity para sa isang gabing kaligayahan. Bago pa man nagising ang lalaki, nilisan na ni Anika ang hotel para ibigay ang pera sa matapobre niyang madrasta at step-sister. Nasampahan ng kaso ang ama...