23

30.1K 663 29
                                    







Unedited...






"Hey," ani Chris nang pumasok sa banyo. Wala ang asawa sa sala at kwarto kaya naisipan niyang baka nandito ito. "Ginagawa mo riyan?"

"Hindi na gumagana ang washing machine kaya kusotin ko na lang," sagot ni Anika at nilagay ang Ariel powder sa palanggana.

"Sana nagpalaba ka sa labas o di kaya'y bili na lang tayo."

"Gabi na. Isa pa, matagal ko pang makuha e kailangan ko na bukas," sagot ni Anika dahil walang maisuot ang asawa kapag hindi niya ito malabhan.

"Haist. Marami pa namang damit diyan."

"Eh naumpisahan ko na eh," sagot ni Anika at ipinagpatuloy ang paglalaba. "Huwag kang mag-alala, sanay akong maglaba na kamay ang gamit."

"Akin na," sabi ni Chris.

"Ha?"

"Ako na ang maglalaba."

"Huwag na. Magpahinga ka na roon."

Pero sa halip na umalis, pumuwesto si Chris sa kabilang side at tinulungan siyang magkusot.

"Kaunti lang 'to kaya doon ka na," pagtataboy ni Anika.

"Sabing tulungan na kita," giit ni Chris na walang balak na umalis at ipinagpatuloy ang pagtulong sa asawa. Never pa niya ito ginawa kaya kusot lang siya nang kusot kahit wala namang direction ang pagkusot niya. Tutal wala namang mantsa ang damit nila. "Bakit ba ang dami nito? Dapat ang mahalagang damit lang."

"Hmm? Okay lang, nasa mood akong maglaba," sagot ni Anika. Kapag pinapalaba siya noon, madalas na nag-i-imagine siya habang kumukusot ng damit. Lumalakbay ang diwa niya para sa isang pantasya sa buhay hanggang sa hindi niya namalayang patapos na siya sa paglalaba.

"Oh ghad," daing ni Chris na sumakit ang likod sa kakayuko kahit na tatlong piraso lang ang nakusot.

"Ako na ang magbabanlaw," sabi ni Anika pero tinulungan pa rin siya ng asawa hanggang sa matapos sila.

"We're done," sabi ni Chris. "Kain na tayo. May dala akong pagkain."

"Salamat sa tulong," pasalamat ni Anika saka ininit ang pagkain at inihanda sa hapag-kainan.

"Ready ka na ba sa kwintas na inihanda mo?" tanong ni Chris. "Sina Mommy ang judge."

"Ready na ang kwintas ko for nextweek pero hindi pa ang loob ko," pag-amin ng dalaga.

"What do you mean?" natatawang tanong ni Chris.

"Kinakabahan akong makaharap ang mommy at fiancée mo," pag-amin niya saka nilagyan ng pagkain ang plato ng asawa.

"Hindi ko siya fiancée," ani Chris.

"Ikakasal pa rin kayo."

"Paano kami ikakasal eh asawa mo ako?" nakataas ang kanang kilay na tanong ni Chris.

"Pwede namang mag-annual tayo."

"Ayaw ko nang pag-usapan. Change topic," salubong ang kilay na wika ni Chris saka nagsimula nang kumain kaya hindi na nagsalita pa si Anika hanggang sa natapos silang kumain. Pinakiramdaman niya si Chris, mukhang galit ito kaya hindi niya ito sinundan sa kwarto. Naghugas siya ng plato at inayos ang sala.

Nang wala na siyang marinig na kaluskos sa kwarto, pumasok na siya at nagpunas saka nagpalit ng damit.

Pinatay niya ang ilaw at maingat na nahiga siya sa kama para hindi magising ang asawa. Tumalikod siya rito saka ipinikit ang mga mata.

1. Sold to CEO (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon