Unedited..........
"Busy ka ba?" tanong ni Chris kaya napatingin siya rito. "Alas diyes na, hindi ka pa ba matutulog?"
"Gusto kong matapos ito," sagot ng dalaga na nahihilo na sa kakaisip kung ano ang gagawin niya sa drafting.
"Wag kang ma-pressure sa task mo. Ang isipin mo ay ini-enjoy mo ang ginagawa mo."
"Gusto kong isipin 'yan pero pressured talaga ako sa mga kalaban ko. Imagine, mga designer na sila ng beauty candidates samantalang ako, ni isa wala man lang nagawan."
"Tingin mo sa akin?"
"Oo nga pala. Nakagawa na ako," nakangiting sabi niya at napatingin sa asawang umiinom ng tubig. Maganda ang review sa gawa niya. Kahit sya, satisfied din sa hitsura ni Chris.
"Pero ikaw 'yon," nakalabing sabi niya. "Kahit naman basahan ang isuot mo, babagay pa rin sa 'yo kasi magaling kang magdala."
"Are you saying na pogi ako?"
"Magaling magdala is iba sa pogi."
"Tapusin mo na 'yan at matulog ka na. Remember, bawal ka nang ma-late dahil mapipilitan na akong parusahan ka."
"Hindi na basta hindi mo papatayin ang alarm ko," sabi niya at napasulyap sa katawan ng asawa.
"Wag mo 'kong tingnan ng ganyan, Anika. Baka hindi mo na naman matapos ang ginagawa mo," pagbabanta ni Chris. "Mauna na ako."
"Good night, sunod ako," ani Anika na sinundan ng tingin si Chris hanggang sa makapasok ito sa kwarto.
"Hmm? Pwede," sabi niya na kumuha ulit ng bond paper para iguhit ang nasa isip. Kung ang target nila ay board directors, malamang dapat maganda ang kalidad. Tatlong sizes ang gagawin nila sa iisang design at iisang kulay dahil hindi nila alam kung sino ang makakapili sa damit nila.
Magdamag niyang tinapos ang itatahi dahil kapag tumigil siya, baka mawala sa isipan niya ang imahinasyon tapos biglang magbago na naman.
Sa sala na siya natulog. Nang tumunog ang alarm clock, dumiretso siya sa banyo upang maligo. Hindi na siya naghahanda ng breakfast dahil nasa opisina naman kumakain na si Chris.
"Good morning!" masiglang bati niya at inilapag ang bag. "Ako na ang kukuha ng coffee natin."
"Mukhang maganda ang mood natin today ah," puna ni Jason.
"Kailangan para maayos ang trabaho," nakangiting sabi niya.
"Wag kang ngumiti ng ganyan, gurl, baka maging lalaki ako," saway ni Kendra na pinandilatan siya.
"Hmm? Mas maganda ka nga sa akin eh," ani Anika.
"Naku, wag. Walang makakatalo sa ganda mo," ani Kendra at sinuklay ng kamay ang mahabang buhok ni Anika. "Sana all barbie."
"Heh! Tigilan mo nga ako. Mas barbie ka, no!" saway ni Anika at lumabas para kumuha ng libreng kape sa team niya.
"Morning," bati niya sa board of director nila.
"Morning, Anika," nakangiting bati ni Ralf. "Coffee?"
"Yes po. Kukuha ako para sa team ko," sagot niya na bitbit ang mug ng mga kasama.
"Kamusta naman ang trabaho? Okay ka ba? Baka binu-bully ka na ng senior mo ha. Sabihin mo sa akin at ako ang bahala sa 'yo," sabi ni Ralf.
"Okay naman po. Contented naman po ako sa team ko," sagot niya na nagpasalamat na hindi siya napadpad kina Olivia.
BINABASA MO ANG
1. Sold to CEO (R-18)
RomanceIt was a rainy night nang may nag-alok sa kanyang virginity para sa isang gabing kaligayahan. Bago pa man nagising ang lalaki, nilisan na ni Anika ang hotel para ibigay ang pera sa matapobre niyang madrasta at step-sister. Nasampahan ng kaso ang ama...