Unedited....
"Kyaaaah! Tayo na naman ang top sale!" tili ni Kendra. "At alam n'yo guys, top sale ang hooded jacket ni Anika."
"Woah! Sabi ko na nga ba at ikaw talaga ang swerte sa team eh. Buti at nakinig kaming palitan ang color combination ng team gown natin," nakangiting sabi ni Elisa.
"Heh! Nagkataon lang. Isa pa, tayo ang nagtulungan kaya ang ganda ng resulta," nakangiting sabi ni Anika. Blessing in disguise rin siguro ang dating video niya kaya may iilang naghahanap ng mga gawa niya sa CA lalo na sa online shop nila.
"For sure sa team nina Olivia at Jenelyn ang mapapalayas," sabi ni Jason.
"Anong mapapalayas?" tanong ni Jen.
"Balita ko may hindi makakapasok magbabawas ng designer kaya malamang, sa kabilang team iyon. Lumakas ang team natin nang pumasok kayo ni Lily kaya maganda ang team performance natin," sagot ni Jason.
"Pero haka-haka lang naman na magtanggal. May one week pa tayo para sa paggawa ng necklace," sabat ni Elisa. "Anika, pwede bang pakibigay ito kay Jenelyn? Humiram kasi siya ng blank USB eh mayroon pa naman tayong extra."
"Sige po," sagot ni Anika saka kinuha ang USB at pumunta sa office nina Jenelyn. Kagaya nila, busy rin ang lahat. Binati niya ang mga kasama ni Jenelyn saka dumiretso siya sa table Jenelyn.
"Oh, may kailangan ka?" tanong ni Jenelyn sabay tiklop ng drawing book para itago ang ginagawa.
"Ito na ang USB na hinihiram mo," sagot ni Anika saka inilapag sa table at lumabas na.
-------------
Ito na ang araw ng submission nila para sa bracelet. Excited na kinakabahan si Anika kaya maaga pa siyang nagising at naghanda. Napasulyap siya sa gawa. Lahat ay nasa ayos na pati ang kulay. Pure gold ang pundasyon nito sa gilid at emerald ang magsilbing scale nito tapos maliit na black pearl ang mata.
"Are you ready?" tanong ni Chris nang magising.
"Yes. Sana maging okay lang 'yung gawa ko at kahit mapasama man lang sa top 10," sagot niya. Sampu ang mapipili para sa first ever auction nila pero ang top 3 ang makakuha ng 50% bonus mula sa original price kapag mabenta ang item.
"Want help?" seryosong tanong ni Chris.
"No!" agad na sagot ni Anika. "Please don't."
"Okay," sagot ni Chris saka bumangon at lumapit sa asawa at hinalikan sa mga labi. "Good luck." Alam niyang makukuha ang asawa sa top 10 kahit na wala ang tulong niya.
"Bye. Hindi na ako naghanda ng breakfast mo ha. Sabi mo sa office ka na mag-breakfast e."
"Yes. Thanks. Ingat sa byahe at 'wag makipagsiksikan sa malalaking truck ha."
"I will. Bye," paalam ni Anika saka pumunta na sa opisina.
"Kape! Kape! Kape!" masiglang wika ni Jason na may dalang kape para sa lahat. "Good luck coffee para sa lahat."
"Grabe ang kaba ko," sabi ni Jen na hindi mapakali.
"Relax, guys! As long na ini-enjoy natin ang ginagawa natin, wag tayong matakot na hindi makapasok," pagpakalma ni Elisa.
"Kahit na wala ako, okay na sa akin." sabi ni Jen.
"Lahat tayo ay papasok," sabi ni Elisa na may positibong pananaw.
"Guys, nandiyan na ang judges. Ubusin na ang kape at aarangkada na tayo," sabi ni Kendra saka inubos ang kape sa tasa.
"Ready ka na ba?" tanong ni Anika kay Lily.
BINABASA MO ANG
1. Sold to CEO (R-18)
RomanceIt was a rainy night nang may nag-alok sa kanyang virginity para sa isang gabing kaligayahan. Bago pa man nagising ang lalaki, nilisan na ni Anika ang hotel para ibigay ang pera sa matapobre niyang madrasta at step-sister. Nasampahan ng kaso ang ama...