40

31K 703 40
                                    

Chapter 40 na pala. Nawili ako sa pagsulat. Lagpas na naman.












Unedited...








"Si Larry?" tanong ni Kristina nang si Amy ang nakasagot.

"Bakit? Nasa opisina pa."

"Please tell him na kailangan ko siyang makausap."

"Saan?" tanong ni Amy.

"Sa anak ni Anita," sagot ni Kristina at tinapos ang tawag.

"Mom?" tawag ni Chris nang pumasok. "Si Anika?"

"Nasa kwarto, nagpapahinga. Bakit?"

"Alam mo na ba ang balita?"

"Tungkol saan?"

Naikuyom ni Chris ang kamao. Ibig sabihin hindi pa ipinaalam ng ama niya ang tungkol sa kaso ng mga Balenciaga.

"May problema ka ba? Anong balita?" nagtatakang tanong ni Kristina.

"Si Yvone, nagsampa ng kaso sa kompanya dahil sa pangongopya."

"What? Bakit? Sino nangopya?"

"Pareho ang design ng necklace na ini-release nila sa atin."

"Ha? What? Anong necklace?" sabat ni Anika na pababa ng hagdan.

"A—Anika," usal ni Chris at nilapitan ang asawa. "I will solve this, don't worry."

"Anong necklace, Chris? Bakit may kasuhan?" tanong ni Kristina.

"Yung destiny necklace ni Anika, same ng ini-release nila."

"Ha? Paano napunta sa kanila ang design?" tanong ni Kristina.

"Hindi ko rin alam, Mom."

Natahimik si Anika. Impossibleng mapunta sa mga ito ang design niya dahil wala naman siyang ibang pinagbigyan nito.

"Teka. Sila ang nangopya at hindi tayo!" sabi ni Kristina na biglang sumikip ang dibdib sa mga nangyayari.

"Ako ang nag-design nun, Chris," sabi ni Anika. "I swear, hindi talaga ako nangopya. Walang ibang tumulong sa akin kundi ako lang."

"I know," sabi ni Chris at muling niyakap ang asawa. "I know, Anika. Don't worry, aayusin ko 'to."

"Ano na ngayon?" tanong ni Kristina at kinuha ang cellphone para tawagan si Miguel.

"Hinihintay nila ang press release natin. Ang dami ring kumukontak para magbigay ako ng statement pero may mga nag-comment na ng tungkol sa issue nina Jenelyn at sir Ralf."

"A—Anong—" natikom ulit ni Anika ang bibig. "Pero hindi talaga ako nangopya."

"I know, Anika. Relax, ha. Wag kang ma-stress. Hahanap ako ng paraan para malaman ang totoo."

Ang ibang lumalabas na balita ay kaya pinaalis si Ralf dahil nalamang inaakit ito ni Anika. Sina Jenelyn at Bia ang saksi. Tapos pati design din na kinopya ni Jenelyn ay si Anika raw ang nangopya.

"Nagkamali sila ng makakalaban!" sabi ni Chris. "Kahit magkaisa pa silang lahat, walang makakatalo sa katotohanan."

Naupo si Anika dahil nakaramdam ng pagkahilo. Akala niya okay na ang lahat pero bakit biglang may ganitong balita?

"Bago tayo mag-release ng design, alam na sa kompanya iyon dahil sa competition kaya hindi na nakapagtataka kung may magkalat," sabi ni Kristina na medyo kalmado na kaya nakapag-isip ng tama. "Sa dami ng empleyado sa CA, hindi natin makontrol ang pag-leak ng design lalo na't ang tagal din nito bago ma-release."

1. Sold to CEO (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon