Unedited....
"Ano ba ang problema ng babaeng 'yon?" gigil na tanong ni Chris nang pumasok sa opisina. Kagabi pagdating, never siya nitong kinausap. Nauna na nga itong kumain nang dumating siya galing sa mga kaibigan kaya sa labas na naman siya natulog.
"Sir, magpapirma raw ho sina—"
"Di ba sinabi ko nang hindi ako tumatanggap ng empleyado?"
"Pero sir, tambak na ho ang pipirmahan nyo at ngayon na ang deadline ng submission nila para sa new designs. Kapag walang approval galing sa 'yo, ma delayed ho ang—"
"Wala akong pakialam!"
Napabuntonghininga si Rino. Ngayon lang pinabayaan ni Chris ang opisina. Mula noon, never nitong ibinalewala ang lahat.
"Chris! Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" Napatingin sila kay Veronica na walang paalam na pumasok.
"Di ba sabi ko i-lock mo ang pinto?" tanong ni Chris kay Rino.
"Nakalimutan ko ho sa dami ng kumakatok."
"Chris! Ano ba?" wika ni Veronica.
"Please, ayaw kong tumanggap ng empleyado kaya labas bago ko pa makalimutang kaibigan kita," pagtataboy ni Chris.
"Ah, gusto mo mag-resign ako?" pananakot ni Veronica.
"Miss Anatan, hindi kita pipigilan kung iyon ang gusto mo. Anytime ay malaya kang umalis sa kompanya ko," tugon ni Chris kaya sumimangot si Veronica at padabog na lumabas.
Binuksan ni Chris ang laptop at tiningnan ang mga proposal ng investors sa kanya pero hanggang ngayon ay nanatili ang panindigan nyang wag tumanggap ng investors dahil financially stable siya. Binuo niya ang kompanya na mag-isa kaya sosolohin niya ito ngayon.
"Sir, nasa labas ho si Madam," sabi ni Rino. "Papasukin ko ho ba?"
"Bahala ka," sagot ni Chris kaya pinapasok ni Rino dahil baka sakaling ito ang makapagpabago ng mood ng boss nila.
"Kailangan mo?" tanong ni Chris nang makita sa peripheral vision ang asawa dahil nasa laptop nakatutok ang mga mata niya.
"Kailangan kong magpapirma ng project namin," sagot ni Anika.
"Ano ba kita?"
"Pinagsasabi mo?" nakakunot ang noong tanong ni Anika. "Pirmahan mo na kasi kailangan na namin."
"Pinakaayaw ko ay ang utusan ako, Anika!"
"Hindi naman kita inuutusan," depensa ni Anika.
"Pumunta ka ba rito bilang empleyado o asawa ko?" seryosong tanong ni Chris.
"Bilang empleyado mo!" pikong sagot ni Anika.
"Lumabas ka na, hindi ako nag-i-entertain ng empleyado!" pagtataboy ni Chris.
"Fine!" gigil na wika ni Anika at lumabas. Wala rin siya sa mood na makipag-usap kay Chris dahil lalo lang kumukulo ang dugo niya.
"Ayaw pa rin niya?" tanong ni Elisa nang pumasok si Anika. "Ano ba ang problema niya?"
Gigil na chinat ni Anika si Chris pero seen zone lang siya.
"Delayed na ang approval kapag hindi pa rin niya pipirmahan ang mga kailangan natin," nag-aalalang sabi ni Jen.
"Busy ba talaga siya?" tanong ni Jason. "Pipirma lang e. Wala naman siyang ginagawa."
"Hindi ko rin maintindihan. Baka affected din siya sa pag backout niya sa engagement nila," sabat ni Marilou. "Or baka busy na makipag-reconcile kay Ma'am Yvone kaya ayaw pa istorbo."
BINABASA MO ANG
1. Sold to CEO (R-18)
RomanceIt was a rainy night nang may nag-alok sa kanyang virginity para sa isang gabing kaligayahan. Bago pa man nagising ang lalaki, nilisan na ni Anika ang hotel para ibigay ang pera sa matapobre niyang madrasta at step-sister. Nasampahan ng kaso ang ama...