27

29.6K 712 37
                                    





Unedited...







"Hi," bati ni Chris nang pumasok sa bahay. Dumiretso siya kay Anika saka ibinigay ang dalang white roses. "For you."

Ilang segundong tinitigan ni Anika ang hawak na bulaklak ni Chris bago niya abutin. "Thanks."

Wala siya sa mood makipag-usap kaya tinalikuran niya si Chris at ipinagpatuloy ang pagluto.

"Bihis lang ako," paalam ni Chris na ramdam ang malamig na pakikitungo ni Anika sa kanya.

Naligo muma siya at nang matuyo ang buhok ay nahiga siya sa kama. Galit din ang ina sa kanya dahil sa ginawa niya kagabi pero gumaan naman ang kanyang pakiramdam. Ayaw niyang maging sunod-sunuran sa mga ito. Buhay siya 'to kaya siya ang magdesisyon.

Nang lumabas siya, nakahanda na ang pagkain kaya sinabayan niya ang asawa.

"Bukas na ng umaga ang deadline ng necklace tapos sa gabi ang announcement," panimula ni Chris. "Tapos mo na ba ang sa 'yo?"

Tumango lang si Anika kaya naikuyom ni Chris ang kamao sa gigil.

"Ako na ang magligpit ng plato!" sabi ni Chris nang matapos na sila. Ni hindi man lang sumagot si Anika tapos bigla siya nitong iniwan. Nang matapos sa kusina, pumasok si Chris sa kwarto at tumabi sa asawa. Niyakap niya ito at hinalikan sa leeg. "Ano ba ang problema mo, Anika? Speak!"

"Wala lang akong gana," sagot ni Anika.

"Gana saan?"

"Gusto ko lang matulog na dahil pagod ako," sagot ni Anika. Inalis niya ang kamay ng asawa na nakayakap sa bewang niya.

Inis na tumayo si Chris. "Kung ayaw mo akong katabi, sa labas na ako matulog!" Mas lalong nainis si Chris nang hindi man lang siya pinigilan ni Anika.

Kinabukasan, maaga pang nagising si Anika. Napatingin siya kay Chris na nakahiga sa couch. Kinuha niya ang bag at umalis na.

"Morning," masiglang bati niya sa mga kasama.

"Morning," bati ni Lily at nginitian siya. "Ready ka na ba?"

"Oo. Ikaw ba?" tanong ni Anika.

"Oo. Sana mapalad akong mapili," puno ng pag-asang sabi ni Lily. Kailangan niya ng pera para sa panggamot ng ama niya.

"Oo naman. Maganda ang nagawa mo," sabi ni Anika. Ini-send ito kagabi ni Lily sa kanya.

Uminom ng kape si Anika.

"Lumilipad ata ang utak mo," sabi ni Jason dahil ang tagal niyang sinawsaw ang tinapay sa kape.

"Kinakabahan lang ako," sagot ni Anika pero si Veronica ang iniisip.

"Sus, ikaw pa. Kaya mo 'yan," sabi ni Jason. "Ikaw kaya ang magaling sa atin."

"Hmm? Hindi ah. Mas magaling ka," tanggi ni Anika.

"Pahiram ako ng pencil," paalam ni Jason kaya binigay ni Anika ang extra nyang lapis dito.

Lately, ang dami niyang problema. Ang pangongopya sa gawa niya, ang muntik nang paggahasa sa kanya ni Ralf, sina Jenelyn at ngayon ay mukhang dagdagan pa ni Veronica.

Nang ipatawag na silang lahat para magpasa ng gawa, binitbit na ni Anika ang gawa niya.

"Mananatiling unknown ang may-ari ng gawa ninyo hanggang sa makapili ng top ten para sa presentation mamayang gabi," sabi ni Veronica. "Makakaharap ng top ten ang judges mamayang gabi so be ready para ipaliwanag ang gawa ninyo."

Isa-isa nilang nilagay ang mga gawa sa malaking box.

"Chris!" masiglang bati ni Veronica kaya napatingin sila kay Chris na pumasok.

1. Sold to CEO (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon