.............Unedited..........
"Chris, gusto kong pumunta sa ibang bansa," sabi ni Anika habang nakaunan sa braso ng asawa. Hindi pumasok si Chris ngayon kaya hindi pa sila bumabangon at nag-usap muna. "May passport naman na ako e."
"Bakit? Doon ka ba manganganak?"
"G—Gusto kong puntahan si Yvone," malungkot na sabi ni Anika. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya nakakausap ang kapatid. "Kapatid ko pa rin siya at ayaw kong may masamang manyari sa kanya."
"Nakausap mo na ba ang daddy mo?"
Umiling si Anika. Hindi siya nagre-reply sa chat ng ama dahil nahihiya siya at baka isumpa siya nito kapag may mangyaring masama kay Yvone.
"Di ba nakausap mo siya bago siya umalis?" tanong ni Chris dahil nakita ito ni Jessie na kausap si Yvone bago pumasok sa conference room kahapon. "Ano ang sabi niya sa 'yo?"
"W—Wala," ani Anika at iniwas ang mga mata.
"Did she bully you?"
"Ayaw ko nang pag-usapan," sagot ni Anika na mas piniling ilihim na lang ang usapan nila ng kapatid dahil nasa critical ang kalagayan nito.
"Asawa na kita, Anika. Ayaw kong maglihim ka sa akin."
"Usapang kapatid," sagot niya.
"Okay, hindi kita pipilitin," sabi ni Chris na napatingin sa Twitter.
"Ano ang pinapanood mo?"
"Nagbabasa ako ng modern Cinderella story."
"Kailan ka pa nahilig sa ganyan?"
Ngumiti si Chris at ipinakita sa asawa ang litrato nila.
"Tayo kasi ang portrayer ng article na 'to," sabi ni Chris kaya napangiti si Anika. "Pero hindi pa nila alam na isa ka ring Balenciaga."
"Nagsinungaling si Mama," malungkot na sabi ni Anika. "Pero siguro nagawa niya iyon dahil ayaw niyang makasira ng pamilya at para din kay Daddy."
"Ganoon talaga. Kapag dalawa ang pinagpilian mo, may isa ka talagang itatapon," sabi ni Chris. Ngayon niya naunawaan ang ina kung bakit hindi nito makalimutan ang mama ni Anika. Matindi rin ang napagdaanan nilang hirap sa kamay ng mga Balenciaga lalo na pagdating sa pera.
Matanda na ang lolo ni Anika at namatay na rin ang lola nitong masama ang ugali noong isang taon. Pwedeng baguhin ng pera ang kapalaran ng tao pero at tbe end of the day, walang pera ang makakaligtas sa 'yo kapag singilin ka na ni Kamatayan.
"Kapag ba ibigay kita kay Yvone, papayag ka?"
"Pinagsasabi mo?" tanong ni Chris. "Kahit na takutin ka pa nila na patayin ako at ang pamilya ko, wag na wag kang papayag na ibigay ako sa iba dahil ako mismo ang kikitil sa buhay ko," seryosong sabi ni Chris saka niyakap ang asawa.
"Naisip ko lang na baka hilingin nila na iwan kita para gumaling siya."
"Saan mo naman napulot 'yang ideyang 'yan?" tanong ni Chris. "Kakapanood mo 'yan ng kung ano-ano."
"Ganyan naman laki sa pelikula or nobela eh," nakalabing sabi ni Anika. "Isa pa, may sakit si Yvone at patay na patay sa 'yo kaya hindi malabong iyon nga ang gagawin niya. O di kaya'y gamitin niya si Daddy. Yung kunwari may sakit si Daddy at iyon na ang huling kahilingan niya na magparaya ako."
"Nag-o-overthink na naman ang asawa ko," sabi ni Chris at hinaplos ang mukha ni Anika. "Wag mong isipin 'yon dahil wala tayo sa pelikula. Promise, hanggang nabubuhay ako, hinding-hindi kita ipagpalit kahit kanino hanggat tapat ka lang sa akin."
BINABASA MO ANG
1. Sold to CEO (R-18)
RomansIt was a rainy night nang may nag-alok sa kanyang virginity para sa isang gabing kaligayahan. Bago pa man nagising ang lalaki, nilisan na ni Anika ang hotel para ibigay ang pera sa matapobre niyang madrasta at step-sister. Nasampahan ng kaso ang ama...