Unedited...
"Kamusta ang first day?"
"Okay lang. Mababait naman sila," sagot niya at inilapag ang adobong pusit.
"Kapag may nang-bully sa 'yo, sabihin mo sa akin ha."
"Bakit?"
"Syempre para aware ako."
"Akala ko ba hindi ka makikialam?"
"Boss mo pa rin ako at karapatan kong malaman ang nangyayari sa nasasakupan ko."
"Okay."
"Anong oras ka umuwi?"
"Mga five," sagot ni Anika at nilagyan ng kanin ang plato ni Chris. "Maaga pa ako pinauwi ni Ma'am Elisa."
"Hindi ako kumakain ng kanin sa gabi."
Napatigil si Anika sa paglagay ng pusit sa plato ng binata.
"Pero kumakain ka naman ah."
"Dahil iyon ang inihanda mo. Gusto mo ba akong tumaba? Kanin sa umaga, tanghali at gabi?"
"Hindi mo naman sinabi."
"Ngayon alam mo na."
"Pwede ka namang mag-kanin sa gabi dahil minsan ka lang nagkakanin sa breakfast."
"Kumain ka na nga," ani Chris.
"Pwede namang huwag kang kumain e," sabi ni Anika pero nagsimula nang kumain ang asawa.
Hindi na niya ito kinausap hanggang sa matapos silang kumain. Iniligpit niya ang pinagkainan at si Chris naman ay pumasok sa kwarto. Nang matapos maglinis ng bahay, nanood muna siya ng balita sa sala.
"Aalis ka?" tanong niya kay Chris na nakabihis.
"May lakad lang. Huwag kang magpapasok ng bahay kapag may mag-doorbell," bilin ni Chris.
"Okay," sagot ni Anika at napasulyap sa wall clock. Alas diyes na ng gabi pero ayaw na niyang mag-usisa pa dahil baka magalit si Chris.
"Huwag ka nang maghanda ng pagkain bukas ng umaga, sa opisina na ako mag-breakfast."
"Okay, ingat."
Lumabas si Chris at nagmaneho patungo sa mansion nila. Ayaw naman niyang istorbohin pa si Rino kaya sya na muna ang nagmameho.
Pagdating sa mansion, agad na sinalubong siya ng ina at nakipagbeso-beso.
"Hi, Mom," bati niya saka inabot ang dalang bulaklak. "Happy birthday."
"Thank you," masayang wika ng ginang.
Iginala niya ang paningin, hindi maikaila na sa kanya ang mga mata ng bisita lalo na ng kababaihan.
"Mom, for you," aniya sabay dukot ng maliit na box sa bulsa.
"Nag-abala ka pa."
"Of course," ani Chris. "You're special."
"Sweetheart!" nakangiting bati ni Yvone na bigla na lang sumulpot sa harapan niya. Lumiyad ito para halikan siya sa mga labi pero nakaiwas ang binata kaya sa pisngi niya dumapo ang halik nito.
"Maiwan ko na muna kayo," paalam ni Kristina at iniwan ang dalawa.
"You're late," ani Yvone.
"May inasikaso ako."
"Birthday ng mom mo."
"I'm here, Yvone," pikong sabi niya at kinuha ang isang wine glass sa dumaang waiter saka naupo.
BINABASA MO ANG
1. Sold to CEO (R-18)
RomantikIt was a rainy night nang may nag-alok sa kanyang virginity para sa isang gabing kaligayahan. Bago pa man nagising ang lalaki, nilisan na ni Anika ang hotel para ibigay ang pera sa matapobre niyang madrasta at step-sister. Nasampahan ng kaso ang ama...