Unedited..
"Kapag may mam-bully sa 'yo, lumaban ka o di kaya'y sabihin mo sa akin," sabi ni Chris habang nagbibihis sila ni Anika.
"Wala naman."
"Anika naman. Paano kita maprotektahan kung hindi ka nagsasabi ng totoo?"
"Okay na nga. Misunderstanding lang ang nangyari kahapon at naunawaan ko si Ma'am Veronica dahil concern lang siya sa company at sa 'yo," hindi na niya ipinaalam na sinampal siya nito. Magkaibigan sila ni Chris kaya ayaw niyang magkaroon ang lamat nila nang dahil sa kanya. Isa pa, mukhang malapit si Veronica sa mommy ng asawa.
"Ayaw kong malaman sa iba na may nambully sa 'yo ha," sabi ni Chris. "Wala tayo sa romance movie na binu-bully na ang babae tapos hindi alam ng asawa!"
"Okay nga lang po ako."
"By the way, baka matagalan pa ang launching ng necklace dahil pumipili pa kami ng venue at medyo matagal pang gawin ang mga kwentas. Thanks kay Mister Tan dahil mayroon tayong materyales."
"Balita ko mas makapangyarihan ang mga Segovia. Paano kapag manghimasok sila?"
"Wag mong maliitin ang mga Tan," sabi ni Chris habang nagsusuot ng tshirt. "At hindi ganoon si Tito Miguel."
"Hmm? Sure ka?"
"Nasaktan ko man si Yvone pero hindi nila kayang sirain ang samahan ng pamilya. Hindi rin nila kayang kalabanin si Mister Tan."
"W—Wala na ba talagang chance na magkaayos kayo ni Yvone?"
"Coming from my wife?" hindi makapaniwalang tanong ni Chris saka hinapit sa bewang ang asawa. "Pagod ka na bang gamitin ang katawan ko kaya pinamigay mo na ako?"
"H—Hindi ah," tanggi ni Anika saka napahawak sa dibdib ng asawa.
"Wag ka nang mahiya, I'm all yours," bulong ni Chris at iginiya ang kamay ng asawa papasok sa tshirt niya. "Wag na lang kaya tayong pumasok?"
"Tigilan mo nga ako!" ani Anika sabay tulak sa asawa. "Late mo na akong pinatulog ha."
"Psh! Pasalamat ka pa nga at pinatulog pa kita," pilyong sabi ni Chris.
"Magbibihis na po ako dahil late na talaga ako," paalam ni Anika dahil mukhang ma-late na naman siya.
"Maunahan pa kita," sabi ni Chris na tapos nang magbihis at hinintay ang asawa para sabay silang lumabas.
"See you sa office," paalam niya kay Chris nang nasa parking lot na sila.
"See you," sabi ni Chris at hinalikan siya sa mga labi saka sumakay sa sariling sasakyan.
Pagdating sa opisina, late pa rin si Anika ng limang minuto.
"Wow! Masyado ka naman yatang abuso," sabi ni Veronica nang makasalubong niya.
"Morning po," bati niya saka tumungo sa elevator pero inunahan siya ni Veronica.
"Puno na, maghintay ka sa susunod!" mataray na sabi ni Veronica kaya napaatras si Anika. Tutal late na rin naman siya.
"Sir!" wika ng mga ito sa elevator.
"It's okay. Mauna na kayo," sabi ni Chris na sumenyas sa mga empleyado na wag nang lumabas.
"Sumakay ka na, Anika," sabi ni Veronica.
"Puno na," sabat ni Chris at napatingin kay Anika. "Sa akin na siya sasabay."
"Mauna ka nang sumakay," sabi ni Anika nang sumara na ang pinto.
"Mabait naman ako ngayon kaya pwede kang makisabay," sabi ni Chris.
BINABASA MO ANG
1. Sold to CEO (R-18)
RomanceIt was a rainy night nang may nag-alok sa kanyang virginity para sa isang gabing kaligayahan. Bago pa man nagising ang lalaki, nilisan na ni Anika ang hotel para ibigay ang pera sa matapobre niyang madrasta at step-sister. Nasampahan ng kaso ang ama...