22

31.2K 703 62
                                    








Unedited....



"Ano ka ba, mukha kang matanda," natatawang sabi ni Anika habang nagmamaneho ang asawa. Kupang na pantalon at maluwag na hoodie ang suot ni Chris. Naka-mask din ito kaya hindi ito makikilala ng sino man maliban sa kung lapitan ito at suriin ang hitsura.

"Bakit? Nandidiri ka sa akin?"

"Hindi a. Nakakatawa lang yang pang-disguise mo."

"Palit kaya tayo? Ikaw ang mag-disguise tapos ako ang magnormal?" suhestiyon ni Chris. Gusto lang naman niyang lumabas kasama ang asawa pero ang hirap gawin dahil paniguradong may makakilala sa kanya at kontrobersyal pa kapag makita siyang may kasamang iba.

"Sino ba ang nagtatago sa publiko?" tanong ni Anika at sinulyapan ang asawang nagmamaneho.

"Tsk! Kaya nga 'wag mo na akong pagtawanan. Halikan kita riyan e," sabi ni Chris. "Ano ba 'tong sasakyan mo? Ang bagal. Sira na ata to e."

"Hindi a. Matibay pa kaya yan at hindi ganoon kagastos sa gasolina,"depensa ni Anika.

"Sabing bilhan na lang kita ng bago e."

"Hmp! Wag na. Okay na ako rito at ang ganda naman kahit na second hand e."

"May bonus ka naman kaya afford mo ang magandang sasakyan. Sabihin mo na sa bonus mo galing ang pang-down at nagbabayad ka pa monthly," suhestiyon ni Chris.

"Okay na nga po ako riyan."

"Tigas din ng ulo mo e. Kung ano ang gusto mo, kailangan masunod!" ani Chris at napasulyap sa asawa. Si Anika ang babaeng kahit na walang makeup, litaw na litaw ang ganda at ang kinis pa ng balat nito.

"Mag-concentrate ka, baka mabunggo tayo," ani Anika nang mapansing napasulyap ang asawa sa kanya.

"Naka-red light pa," sabi ni Chris at nang lumiko ay dumiretso sila sa MOA.

Ini-silent niya ang cellphone saka bumaba.

"Walang mang-istorbo sa atin ngayon," ani Chris at inakbayan si Anika. "Hindi tayo natuloy ngayon pero ngayon ayaw ko nang maabala pa."

Niyaya siya ni Chris sa store nila at pinapili ng masusuot. Syempre ang gawa ng mga kasama ang kinuha niya.

"Are you hungry?" tanong ni Chris nang iabot sa kanila ang paperbag.

"Yep. I'm so hungry," sagot ni Anika. "Ako na ang magdadala niyan."

"Wala ba akong mga kamay?" tanong ni Chris na hindi binigay ang dala ni Anika.

Sa mamahaling restaurant malapit sa MOA sila dumiretso at dahil kaibigan ni Chris ang may-ari ng restaurant, nagkaroon sila ng discount.

"Ang sarap naman," nakangiting sabi ni Anika. Ito ang restaurant dito malapit sa  MOA na puro mayaman lang ang nakakapasok dahil ang pinakamababang order ay nasa 10k. Bawal pa makapasok ang VIP card.

"Masarap ang pagkain," puri ni Anika.

"Mabuti naman at nagustuhan mo," sabi ni Chris na nakahinga na nang maluwag. Isa sa mga dahilan kung bakit mahal ito ay secured ang safety at privacy nila dahil sarado ang bawat silid kaya malaya sila kung ano ang gagawin nila sa loob. May bell lang na pindutin kapag may kailangan pa sila at saka naman papasok ang waiter at waitress. Tikom din ang bibig ng mga ito kung sino ang customer dahil oras na may lumabas na balita, automatic na matatanggal sila sa trabaho. Ito rin ang madalas na binibisita ng high profile na tao.

"Oo naman. Ang sarap nitong beef nila, sobrang lambot," sabi ni Anika na maraming nakain. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang sasabihin ni Chris, tutal sanay naman sila sa isa't isa.

1. Sold to CEO (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon