13

31.8K 662 21
                                    









Unedited...






"It's blue denim skort," sabi ni Anika nang maipakita sa teammates ang bagong desinyo. "Tutal medyo uso naman siya today and as usual, matatakpan ulit ang malaking puson ng customer kasi may mga tao talaga na kapag mag-shorts, kahit na payat e medyo labas talaga ang malaking puson kaya meron siyang pantakip para magmukhang skirt."

"Kung sabagay maganda rin naman. Ang cute din tingnan," pagsang-ayon ni Kendra. "I like the design and the thought na nilagyan mo siya ng rivet decor sa lower part kaya nagmukhang expensive, very creative."

"Thank you," nakangiting pasalamat ni Anika. "We should always consider the abnormalities and insecurities ng clients natin. We can be sexy and daring but in a nice and appropriate dress."

"Uso na rin naman 'yan ngayon ang skort. Babagay sa skinny at sa chubby na mahilig pumorma," segunda ni Jason.

"Ang problema kailangan natin ng isang model."

"Hindi ba tayo pwedeng pumili ng tatlong model? Like small, medium and large na i-model?" tanong ni Anika.

"Masyado nang expensive."

"Why don't we choose only 3 models sa lahat ng product natin? Wag lang natin lagyan ng face nila para iisa ang bayad. Kapag mamili pa tayo ng ibang model, same lang naman na magbabayad tayo sa kanila. Magbigay tayo ng extra for them kasi marami ang i-model nila but at least hindi siya expensive kesa sa maraming model."

"Ikaw na lang kaya mag-model ng isa, gurl. Para you know, nakakatipid tayo," biro ni Kendra.

"Oo nga, ikaw na lang sa medium size," segunda ni Marilou.

"Maka-discount pa tayo sa 'yo," ani Elisa.

"Ayaw ko, nahihiya ako," tanggi ni Anika.

"Walang mukha, gurl," sabi ni Kendra. "Sige na. Sikat ka na kaya sa soc-med at kahit sa tiktok."

"Loko kayo. Bakit kasi ipinost iyon?" tanong ni Anika. Kahit na pigilan pa ni Chris, marami na ang naka-save niyon at nakapag-repost.

"Teka, kamusta pala ang paghiram mo ng pera?" pag-iiba ni Marilou. "Naka-loan ka ba?"

"Hindi ko pa alam. Wala pa akong three months kaya mukhang malabo," sagot ni Lily.

"Kausapin mo si Sir Ralf," suhestiyon ni Jen.

"Nasubukan ko na," sagot ni Lily.

"Bakit?" curious na tanong ni Anika. "Anong nangyari? Kailangan mo ba ng pera?"

"Ooperahan kasi si Papa sa Linggo kaya kailangan ko ng pera. May Philhealth at SSS naman kami pero kukulangin pa rin talaga. Mahigit kumulang kasi isang milyon ang babayaran kasi para sa recovery at rehab pa niya," sagot ni Lily.

"Pasensya na, kaunti lang ang maibigay namin," paumanhin ni Elisa na nagpahiram na rin ng 20k.

"Makakapahiram ako ng fifty thousand. Ilan pa ba ang kailangan mo?" sabi ni Anika na hindi naman pwedeng magbigay ng malaki dahil baka magtanong ang mga ito.

'Talaga? Salamat!" pasalamat ni Lily. "Two hundred fifty thousand pa lang ang pera ko. Ang sabi ni Sir Ralf kakausapin pa niya ang finance kung magkano ang babale ko pero sabi niya baka ang pinakamalaki ay nasa 100k todo na 'yun. Isasangla ko na lang ang bahay kung talagang walang-wala na," sagot ni Lily.

"Wag," agad na pagpigil ni Anika. "Try mong kausapin  si Sir Chris."

"N—Nahihiya ako. Kilala naman ninyo si Sir. Baka sa pinto pa lang ako pinalayas na niya ako," sagot ni Lily.

1. Sold to CEO (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon