Chapter 5

563 18 0
                                    

- Harriet' s POV -





-

"Bakit ba lagi nalang sakit ang nagiging ending pag nagmamahal tayo? Diba dapat yung unang emosyon na maramdaman natin ay masaya? Pero bakit lagi kabaliktaran ang nangyayari? Bakit imbes na maging masaya tayo, lungkot lagi ang namamayani?" Malungkot na turan ko habang yakap-yakap ang malambot na unan at hindi inaalis ang pagkakatutok sa nakabukas na tv sa harapan.

"Tsk, eh bakit sobrang OA mo na naman dyan ate?"

Automatikong napairap agad ang mga mata ko nang bumasag sa katahimikan ang nakakairitang boses ng mahal kong kapatid.

Kita ng nag-eemote yung tao eh.

Magkasulubong ang kilay at nakanguso ang labi na bumaling ako sa kanya ng tingin.

"Bakit ang killjoy mo?" sabi ko dito saka dahan- dahang pinadaos-dos ang katawan sa malambot na sofa.

Tinapunan lang naman ako nito ng seryosong tingin, "Ang OA mo kasi, porket di ka lang pinansin ng isang araw ng crush mo nagkakaganyan kana!"

Mabilis akong napalingon sa kanya, sa sobrang bilis nun buti hindi nabali leeg ko. "Hoy! Imbento ka ah!"

"Hindi ako nag- iimbento, denial ka lang talaga." deadpan niyang sagot habang sumusubo ulit ng popcorn.

Nakanguso na akong nakatingin dito. Pahamak kasi yung bruhilda kong pinsan na yun. Kundi ba naman pinagkalat sa pamilya ko yung pagkaka-crush ko sa anak ni Tita Dorothy eh hindi sana ako mai-stress sa pangungulit nitong nakababata kong kapatid. Ultimo nga si mama ay binibiro narin ako lalo na pag minsang dumadaan si Scarlet dito sa bahay.

Elementary days palang kasi very open na naman ako sa pamilya ko ng totoo kong sexuality. Napaka-swerte ko nga kasi wala akong ibang narinig na pagtutol mula kay mama. Napaka-supportive ni Mama. Ang sabi pa nga niya wala naman kaso kung ano ang sexualidad ko basta hindi ko lang pababayaan ang pag-aaral ko.

Ganon din naman si Maggie. Sa katunayan, siya pa nga madalas ang mag match make sakin sa mga kakilala niya sa school na sa tingin niya ay babagay sakin at pasok sa mga standard ko as my girlfriend. Tapos sumapaw pa si Celeste na madalas taga-sulsol sa kapatid ko. Kung sino sino rin ang pinapakilala nito sa kapatid ko para ireto naman nito sakin.

Kumbaga naging mag-partner in crime na silang dalawa para lang istorbohin ang nananahimik kong love life.

Minsan ako nalang din ang napapagod sa kanila. Kasi naman alam ko ng mga panahong yun na wala pa talaga sa plano ko ang makipag relasyon. Kaya halos lahat ng nililink nila sakin hindi nagwowork out.

Not until Scarlet walks into the picture.

Sa lahat ng babaeng nakilala ko sa kanya lang talaga ako sobrang tinamaan.

Ewan ko ba. Basta nung nakita ko siya nung araw na yun sa airport, pakiramdam ko may kung anung umusbong sa loob ko.

Ang lakas kasi ng appeal nito kahit sobrang simple niya lang manamit, lagi siyang nagi-stand out sa lahat.

At nung nangyaring nalaman ni Celeste ang pagkakacrush ko sa dalaga hindi na siya nagdalawang isip na ireport ito sa pamilya ko.

Kaya naman ang ending hindi na naging tahimik ang buhay ko kahit nandito ako sa bahay.

Kasalanan talaga ni Celeste to eh. Balang araw makakaganti din ako sa bruhilda kong pinsan na yun makikita niya.

"Hindi ako denial ah" bulong ko.

"Oo, hindi ka denial ate kasi isa kang malaking torpe!"

"Hoy! Bunga-nga mo naman." Nanlalaki ang matang reklamo ko sa magaling kong kapatid. Kahit talaga kailan wala ding filter ang bunganga nito.

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now