Chapter 7

424 17 3
                                    

-Harriet' s POV-




-

Kinaumagahan, naalimpungatan na lamang ako ng biglang bumulabog sa nahihimbing kong pagtulog ang napakalakas na ingay ng doorbell namin.

Sino ba kasi nag- imbento ng doorbell? Hindi na nga ako nag- seset ng alarm kasi naaalibadbaran lang ako sa ingay nito tapos malalaman ko papalit lang din naman pala sa pambubulabog itong doorbell namin.

Nagtalukbong ng kumot at nagbaling na ako kung saan- saang pwesto sa kama ko pero hindi parin ako nakakabalik sa pag tulog. P*st*ng niy*w* kung sino man tong kay aga aga nambubulabog na ng ibang bahay.

Malaman- laman ko lang na yung bruhilda kong pinsan 'to, lagot talaga siya sakin. Baka makalimutan kong magkadugo pala kaming dalawa, makikita niya.

Walang kabuhay-buhay na napilitan na akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama at mabibigat ang hakbang na tinungo ang pintuan.

Sakto kasi may maagang lakad si mama kaya wala siya ngayon tapos yung magaling kong kapatid hindi ko naman maaasahan yun pagdating sa mga ganitong bagay. Tulog mantika kasi ang isang yun.

"Hello-- "

Bago pa man niya matapos ang sasabihin mabilis ko nang isinara ulit ang pinto. Nanlalaki ang mata at namumula pa yung buong pisngi ko. Nyemas, bakit naman wala manlang warning yung pagdalaw niya? Nakasuot lang ako ng manipis na sando at boxer short at wala pang suklay-suklay ang buhok habang nakatayo sa harapan niya. Nakakahiya siyete.

Halos magkadapa-dapa ko nang tinakbo ang pintuan papasok ulit ng kwarto ko para makapagbihis at makapagsuklay manlang.

Hindi rin nagtagal ay nagawa ko na lahat ng dapat gawin at nakapag- ayos. Nagsuot lang ako ng presentableng damit at nagsuklay ng buhok. Nang masiguradong mukha na akong tao ay dali dali din akong lumabas ng kwarto at agad tinungo ang pinto.

Abot tenga ang ngiti sa mukha na humarap ulit ako sa kanya. Ang awkward kainis.

"H-hi, Scarlet" bati ko.

Tumingin lang siya sa akin na para akong ewan habang magkasalubong ang kilay. Sa expression nang mukha niya ngayon alam kong hindi nito nagustuhan ang weird na ikinilos ko kanina. Knowing Scarlet kasi masyado siyang makilatis na parang imbestigador na hindi titigil hanggat hindi nakakakuha ng matinong sagot.

Kaya bago paman niya ako paulanan ng mga tanong agad ko na itong hinawakan sa braso, magrereklamo pa sana ito pero hinila ko na siya papasok sa loob sabay sara ng pinto.

"Harriet--"

"Nag breakfast ka na ba?" putol ko sa sasabihin niya habang pilit paring pinapanatili yung ngiti sa mukha ko.

Tumingin lang ito sakin at hindi sumagot. Hindi ko nalang siya pinansin at duru-diretso nang naglakad sa may kusina.

"May natira pang pagkain dito kagabi initin ko nalang saglit" sabi ko habang isa-isang kinukuha sa loob nang ref ang mga natirang pagkain kagabi at inilapag ito sa kitchen counter.

Nakita ko naman ang isa na dahan dahang umupo sa mataas na stool sa kabila paharap sa pwesto ko.

"Where's Maggie?" Tanong niya habang inililibot ang paningin sa paligid.

"Tulog pa. Alam mo naman yun tulog mantika" tapos napatawa pa ako ng bahagya.

Yung kapatid kong yun kasi akala mo kung sinong strikto dito sa bahay eh lagi namang late magising sa umaga. Kung wala lang kami ni Mama na taga gising sa kanya nunka makakapasok ng sakto sa oras yun sa school.

Tatango tango lang naman si Scarlet bago itinuon ang atensyon sa cellphone niya.

Hindi ko na naman ito narinig pang magsalita ulit kaya nagpaka busy na lang ako sa ginagawa at sinimulan nang initin yung mga pagkain at ng makapag almusal na kami.

Mga ilang minuto rin ang itinagal bago ako natapos at isa isa naring inilapag ang nainit ng pagkain sa ibabaw ng mesa.

"Let's eat?" Aya ko dito at ipinag sandok na ito ng fried rice at ulam. Nang masiguradong okay na siya, nagsandok na rin ako sa sariling plato bago nag simulang kumain.

Mga ilang minuto rin kaming binalot ng katahimikan bago muling nagsalita itong isa.

"By the way," umpisa niya dahilan para mag angat ako ng tingin sa gawi niya. "Before I forget, the reason I'm here is because I wanted to invite you sana."

"Invite? Saan?"

"Nicho's going to hold a party later, and he's inviting me to come."

Napataas naman ang kilay ko sa narinig.

"Nicho? You mean Nicholas Alford?" Yung butiking todo pacute at ali-aligid sayoGusto ko sana idag-dag yun pero ayoko mabirahan na naman ng pamatay niyang tingin kaya itinikom ko nalang ang sariling bibig.

So close na talaga sila kasi first name basis na yung tawagan nila samantalang ako minsan na ngalang matawag sa pangalan madalas pa full name kasama yung apelyido. huhu, saklap.

"Yeah, siya nga. I think everyone's going to be there. But..." napahinto ito saglit at muling tumingin sakin.

Napalunok at napakurap naman ako ng mata dahil sa biglaang kaba. Sobrang intense kasi ng mga titig nito ngayon. Chill lang mahal, may tinatamaan na namang bakla dito oh.

"Wala naman akong masyadomg close dun. So, I'm inviting you to come with me later."

Napangiwi ako ng mapagtanto ang nais niyang mangyari. So iinvite niya lang ako hindi dahil gusto niya akong makasama kundi dahil wala lang siyang masyadong close dun? So parang sa madaling sabi, I'm just an option ganun? Ouch, triple kill. Namatay ata ng isang minuto yung puso ko.

"So?" Nakataas kilay na sabi nito habang hinihintay ang magiging sagot ko.

Tsk. Crush nga kita pero it doesn't mean na susunod na ako dahil nakiusap ka. Knowing na party naman yun ng karibal ko. At saka anung gagawin ko dun? Pakikipag plastikan has never crossed my vocabulary, mahal. Kaya naman ang final decision ay hindi ako pupunta. Sorry bebe loves.

"May gagawin pa kasi ako later. So baka hindi ako makasama. Uh, sama mo nalang si Celeste, yung magaling kong cousin, medyo close na naman kayo nun diba? Go yun lagi basta party ang usapan." Pangungumbinsi ko tapos sinabayan ko pa ng medyo awkward na tawa yung pagsisinungaling ko. Galing mo talaga pagdating sa mga palusot, Harriet.

Pero napahinto din ako agad sa pagtawa ng mapansin ang kasalukuyang expression sa mukha ng dyosang kaharap ko.

She was glaring at me at halos mahiya na yung distansya sa pagitan ng mga kilay nito dahil sa sobrang pagdidikit nito.

Napalunok ako ng wala sa oras.

Mukhang may nagalit ata akong pusa.

"Uh, pero...titignan ko baka mailusot---"

"No, it's okay!" She cut me off as she abruptly stood from her chair. Nakangangang napatingala naman ako dito. Mukhang galit nga ata talaga siya.

"I think I'll be fine parin naman kahit ako lang ang pumunta mag-isa. So, no worries. And my apologies for disturbing your morning. Thanks for the meal, by the way. I gotta go." hindi na ako hinintay pa nito, mabilis na itong tumalikod at naglakad paalis.

Natampal ko nalang ang sariling noo at bagsak ang balikat na napasandal sa kinauupuan.

Great! Ngayon proproblemahin ko pa pano manuyo ng galit na pusa.

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now