Chapter 15

362 19 0
                                    

- Harriet's POV -



-

"Where is she?"

"Well, good evening to you too, napakabait kong pinsan. Masyadong maaga pa ang pambubulabog mo. Wala ka bang sariling bahay?" Biro ko pa dito nung bumungad agad sakin pagkabukas ko ng pinto ang nakasimangot niyang mukha.

"I'm not in the mood to deal with your antics, Harriet. I asked you a question. Could you just please answer it nalang?"

Napahalukipkip ako at bahagyang pinaningkitan siya ng mata. "Bakit ang taray mo? Ano nga ulit yung tanong mo?"

As expected inirapan muna ako nito bago sagutin yung tanong ko.

"Magtataray ako because nakakainis ka kausap. Tignan mo yan paulit-ulit ka pa ng tanong. "

"Wow, sorry madam ah, eh kasalanan ko ba hindi ko narinig nung una?"

Napapikit na ito at halatang sinusubukan lang pakalmahin ang sarili. "Harriet, just one more time pagpinaulit mo pa to sakin I swear."

Tinaas ko nalang ang dalawang kamay ko nang tinapunan na ako nito ng nagbabantang tingin. "I said, Where the heck is she?" Aniya sa mataray na boses.

Umarko yung kilay ko na animo naguguluhan. "Sinong she ba kasi tinutukoy mo?"

May pa-mind games pang nalalaman ang isang 'to hindi nalang ako direstsuhin.

Ang ayos-ayos ng upo ko sa sofa kanina habang nanonood ng paborito kong movies tapos bubulabogin lang niya ako. Ano naman kaya problema nito?

Napasuklay ito sa sariling buhok. Halatang stress na rin siya sa pakikipag-usap sa clueless na kagaya ko. "That annoying little pest. Your one and only best friend! Where is she?!"

"Kenzie? Bakit mo naman hinahanap ang best friend ko?" Sumandal na ako sa door frame habang nakaharang parin sa dadaanan niya.

"None of your business. Just tell me, where the heck is she? "

She glared at me, but I didn't falter as I stared back at her.

"Well, now it's my business dahil nambubulabog ka dito sa harapan ng bahay namin."

Nakipagsukatan pa ako ng tingin sa kanya hanggang sa tuluyan na siguro siyang naubusan ng pacensya dahil bigla nalang niya akong itinulak mula sa kinatatayuan ko. Na out of balance pa ako dahil hindi ko expected na gagawin niya yun buti nalang at nakakapit ako agad sa may pintuan bago ako tuluyang matumba.

Kinuha namang pagkakataon ni Celeste yun para tuluyang makapasok sa loob ng bahay.

"Castillo! I know you were here. Just get the fuck out of your hiding place!"

"Celeste, pwede ba kumalma ka. Ano ba kasi nangyari at bigla-bigla ka sumusugod sa bahay ng may bahay?"

Napahinto at napaatras ako bigla sa takot ng mabilis itong lumingon upang muli akong samaan ng tingin. Mukhang wala ata talaga siya sa mood ngayon. Nag-aapoy na sa galit yung mga mata niya.

Ano na naman kaya nangyari sa dalawang 'to?

"CASTILLO!"

"Rie, sino ba yung baliw na kanina pa sigaw ng sigaw dyan?"

Hindi ko alam pero ako nalang ang napalunok sa kaba ng lumabas mula sa kusina si Kenzie. May hawak pa itong dalawang baso sa dalawang kamay na may lamang juice.

Dapat pala inunahan ko na siyang warningan kanina palang. Nawala sa isip ko dahil sa kaka-entertain ko dito sa bruhilda kong pinsan.

Nakita ko pa ang magkakasunod na paglunok na ginawa din ni Kenzie nung mapagtanto niya kung sino ang nakatayo ngayon sa living room kasama ko.

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now