Chapter 12

357 17 0
                                    

-Harriet's POV-


-

"Laki ng ngiti natin ngayon ah"

Sita sakin ni Kenzie ng magkasalubong kami sa entrance ng umagang yun. Tinaas baba ko lang ang mga kilay ko tapos naunang maglakad sa kanya papasok.

"Yung totoo anung meron?"

Mas lalo lang lumapad ang ngiti ko ng maalala ang mga nangyari kagabi.

Shuta, kinikilig na naman ang bakla dito.

"Hoy Harriet! Okay ka pa ba? Baka naengkanto ka na dyan ha." tinitigan ko lang siya pero hindi na ako nagsalita. Ayokong masira ang araw ko ngayon kung papatulan ko pa ang pang-aasar niya kaya naman as much as possible I'll make sure to counter all the bad omen that will come my way today. Kasama na don ang pang-aasar ng mga 'to sakin.

"Kwento ko nalang sayo sa susunod. Mauna na ako. See you later." Paalam ko dito, tinapik ko pa ang magkabilang pisngi nito bago nagmamadaling umalis.

Ang totoo may bagong agenda na naman akong gagawin ngayon kaya medyo maaga akong pumasok.

Balak ko sanang puntahan ang magandang dyosa sa dance studio dito sa loob ng campus. Noong pumunta kasi ako sa bahay nila kanina para sana sunduin siya at maisabay pagpasok si Tita Dorothy lang ang naabutan ko dun. Ang sabi ni Tita maaga daw umalis ng bahay si Scarlet kasi dadaan daw muna ito ng dance studio para makapag practice ng routine.

Wala naman akong masyadong alam sa mga sayaw sayaw na yan kaya tumango nalang ako kay tita saka nagpaalam na para umalis.

Masyadong tahimik sa hallway nung naglalakad ako. Siguro kasi masyadong maaga pa at kalimitan kasi ang start ng klase dito is 8 am naman kaya kokonti palang ang nandito. Yung iba naman possible nasa cafeteria pa para makapag take ng breakfast nila.

Ilang sandali lang ay narating ko narin ang dance studio.

Kumakabog kabog pa yung puso ko habang nakatayo ako dun sa labas.

Nagalit kaya siya sakin dahil dun sa ginawa ko kagabi? Baka naman pag nakita niya ako ngayon dito tuluyan na niya talaga akong ipasalvage. Hay naku Lord wag naman. Kahit papano mahal ko pa naman yung buhay ko kahit pa sabihin mahal ko rin yung babaeng nasa loob nitong studio.

Bahala na nga.

Halos pigil ang hininga kong pinihit ang door knob at saka dahan dahang binuksan ito.

Hindi ko siya agad napansin nung una kong inilibot ang paningin pero nung tuluyan ko nang nabuksan ng maluwag ang pinto ay doon ko na nakita ang babaeng dyosa.

Nakatayo itong nakaharap sa malaking salamin. She's wearing a grey crop top and red slim-fit pants with her hair styled in a bun. Nakapikit ang mata nito pero grabe yung aura niya ngayon.

Napaka-seductive at captivating.

And then the music started playing, and her body began to move. She fell in step, letting the rhythm control her movements. Her emerald eyes glistened, and a smile spread across her beautiful face.

Hindi ko alam pero may kakaibang pakiramdam ulit na bigla nalang umusbong sa loob ko.

Sobrang ganda niya habang sumasayaw.

Makikita mo talaga sa mga mata niya na passion niya talaga ang pagsasayaw. Gusto niya ang ginagawa niya ngayon.

Napakapulido ng mga movements niya, all the way from her slender fingertips to her arms and toes.

She looks like a professional dancer in how she perfectly executes the whole routine.

Hindi ko na nga namamalayang napapangiti na din pala ako.

Nakakaproud ka mahal. Habang tumatagal mas lalo lang nadadagdagan yung mga rason para mahulog ako sa'yo. May bagay ka pa bang hindi kayang gawin?

Tuluyan nang natapos yung music at muli'y nakatayo na siya sa harapan ng salamin habang habol ang kanyang hininga.

Ewan ko kung may gumawa na ba nito sa kanya but I think she deserves a round of applause for that spectacular performance.

Kaya naman wala nang pagdadalawang isip na pumalakpak na ako para maagaw ang atensyon niya.

Hindi ko inaasahan na magugulat pala siya sa ginawa ko at hindi sinasadyang napatalon sa kinatatayuan. Huli na nung napagtanto ko at mabilis na siyang nakalingon sa direksyon ko.

"Abbott?! What are you doing here?" salubong na naman ang mga kilay na tanong nito.

"Harriepie." pagtatama ko.

"What?"

"Wala sabi ko ang ganda mo saka ang ganda din nung sayaw mo."

"Nakita mo?" Bahagyang nagbago ang expression ng mukha nito at mas nangibabaw ang curiosity sa mga tingin niya. Tumango naman ako.

"Oo, bitin nga eh. May mas mahaba pa ba dun?"

She just scoffs at me and then rolls her eyes. Oh kita mo'to siya na nga pinuri siya pa nag-sungit. Hay naku mahal, araw-araw nalang ba ako manunuyo?

"Wala!" deadpan na sagot nito.

Bahagya akong naglakad at lumapit dito habang suksok sa magkabilaang bulsa ng pants ang mga kamay. "Sayang, willing pa naman ako magbayad para sa isang VIP show."

Ngumisi pa ako dito ng muli siyang tumingin sakin. Seryoso na naman ang mukha nito. Hanep, bilis ng mood swing.

"What do you think I am? A prostitute?"

Hindi ko naman inexpect yung sinabi niya kaya naeeskandalong napatitig ako sa kanya pabalik. "Hala! Pano naman napunta sa ganyan ang usapan?"

"Well, prostitute lang naman ang nagpapabayad ng VIP show. If you know what I mean." Taas kilay na sagot nito.

"Mahal, grabe ka sakin. Hindi naman ako ganyang klaseng tao ah!"

Grabe naman itong si mahal. Bakla lang po ako pero malaki pa naman ang dignidad ko sa sarili.

She just shrugged her shoulders and then swiveled on her heels to walk across the room towards the corner, kung saan nakalagay ang bag niya at iba pang gamit.

Isa-isa na nitong pinasok sa loob ng bag ang mga gamit niya bago isinukbit sa balikat. Humarap na itong muli sa gawi ko at saka nagsimulang maglakad.

Akala ko ay lalampasan lang ako nito pero laking gulat ko ng bigla itong huminto sa harapan ko.

Nagkatitigan pa kaming dalawa hanggang sa mapansin kong unti- unti nitong inaangat ang kanang kamay. Bahagya ko pang naiurong ang ulo ko at napapikit ng dumantay sa pisngi ko ang malambot at mainit nitong kamay.

Shuta ang lakas at bilis na naman ng tibok ng puso ko. Mamamatay na ata ako nito dahil sa atake sa puso.

"I'm just kidding. Thanks for the compliment, by the way." sabi nito sa malamyos na namang boses. Tinapik din nito ng bahagya ang pisngi ko at ginawaran ako ng napakagandang ngiti bago ako tuluyang lampasan at lumabas na ng silid.

Takte! Pakipulot nalang po ng kalat sa sahig may nagkakalat na naman atang mga bakla dito.

Shatap konsensya!

Hindi ko na napigilan ang paglabas ng kilig sa buong katawan ko at tuluyan ng napasayaw na parang ewan sa sobrang tuwa.

Pakiramdam ko sa oras na yun daig ko pa ang nanalo sa lotto.

Kung hindi man kami ang tinadhana ng dyosang yun, pwes ipipilit po natin. Desisyon tayo eh.

Matapos niya akong pakiligin, there's no way pakakawalan ko pa siya akala niya ha.

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now