Chapter 29

275 14 0
                                    

- Harriet' s POV -

-

It's already been a week since that incident at Lolo Dmitri's birthday celebration happened. I am not still completely moving from it, but sinusubukan ko pa rin iwaksi sa isipan ko yun at magpatuloy sa buhay ko.

Seeing that woman face again after all the things that happened in the past was too much for me. Siguro kung mahina lang akong tao baka tuluyan na akong nasiraan ng bait dahil sa sobrang daming emosyon na napuno sa loob ko pagkatapos ng gabing yun.

Iniisip ko nalang yung mga taong mahalaga sa akin. Sila yung nagsilbing lakas ko para muling makabangon.

My mom, si Maggie, Celeste, Kenzie, and, of course, my Mahal.

Scarlet.

Naalala ko pa na siya talaga ang una kong tinawagan nung nakauwi kami galing Bulacan. Hindi ko alam pero nung narinig ko ulit yung malambing at napakaganda niyang boses muling nabuhayan yung kalooban ko.

Namiss ko siya ng sobra.

At kahit sa simpleng pag-uusap lang na yun sa phone naibsan kahit papano lahat ng mga negative feelings na nararamdaman ko.

Sobrang lakas talaga ng epekto ni Mahal sa akin. Kaya nga sobrang lakas din ng confidence ko na sabihin na, she is really the one. Itong babae na'to na talaga ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko.

Yeah, it may sound cliche pero kapag tinamaan ka na talaga ng pana ni kupido mahirap na makaiwas.

"I'm telling you all something is going on between those two!" Basag ng pamilyar na boses ni Celeste sa pag-iisip ko.

Nakaupo ito sa kaharap na upuan at bahagya pang nakabusangot ang mukha nito.

Kasalukuyang nasa isang cafe shop kami. Kasama ko siya, si Kenzie, and, of course, my Mahal, Scarlet. Buti nga at napilit ko itong si Mahal na sumama sa amin, despite her busy schedule. Nasabi niya kasi sa akin kanina na may practice siya with the cheer squad and an impromptu meeting with the members of one of the organizations na sinalihan niya.
 
Naisip ko ganun ba ako kalakas sa kanya para i-set aside niya pansamantala yung mga gagawin niya para lang mapagbigyan yung alok ko?
 
Sa isiping yun, hindi na naman magkandamayaw yung mga paro-paro sa loob ng tyan ko. Gagi kinikilig na naman ako. Malala na 'to.

Anyways, nandito kami sa labas ngayon dahil wala kaming pasok ng afternoon. Biglang nagpatawag kasi ng meeting ang Head nang school at lahat ng members ng faculty included. Not sure kung para saan yung meeting na yun, pero halatang pabor naman sa mga estudyante dahil makakapag-gala sila ng mas maaga. Kagaya namin ngayon.

Nakaorder na kami lahat-lahat itong si Celeste naman ay hindi parin matapos-tapos sa mga speculations niya.

Simula nong nasa loob palang kami ng campus hanggang nakarating kami dito sa cafe hindi niya na binitawan yung topic about sa best friend niyang si Olivia at kay Maam Alvarez.

Hanggang ngayon ay hindi parin talaga ito kumbinsido na walang namamagitan sa dalawang yun. Kahit pa nakapag-usap na naman daw sila ni Olivia nung nakaraan at sinabi na nito na wala silang relasyon ni Maam, hindi parin mapanatag yung utak nitong pinsan ko.

"Hangga't wala kang maipakitang proof mananatiling speculations lang ang lahat." Komento ni Mackenzie sabay subo ng inorder niyang chocolate cake.

Lumingon naman dito si Celeste at mataray pang tinitigan ang best friend ko.

"What if I already have it? Are you still going to doubt me?"

Tumingin na rin si Kenzie sa kanya at bahagya pang itinaas ang dalawang balikat. "All I'm saying is, masyadong mabigat na accusation kasi yang binibitawan mo."

Napaismid at napairap nalang si Celeste habang nakasimangot itong humalukipkip ulit pabalik sa kinauupuan niya.

Bumaling ng tingin si Kenzie sa gawi namin na para bang nanghihingi ito ng tulong na amuin ang nakasimangot ko nang pinsan.

Minsan nakakapagod din talaga makipagtalo sa isang stubborn na tao. Kaya naiitindihan ko rin kahit papano si Kenzie.

I cleared my throat as I was about to butt into their conversation, but before I could even do that, I felt a hand gently pulling on the hem of my shirt.

Magkahalong gulat at pagtataka akong napalingon sa katabi.

Nakatingin na din pala sa akin ang dyosa. Nakataas pa ng bahagya ang dulo ng labi nito na para siyang nakangiti, though I'm not really sure because of her neutral facial expression. Hindi ko rin makuha yung mga tingin nito na parang may ipinapahiwatig ng mga oras na yun dahil masyado akong nadidistract ng napakagandang mga mata nito.

Bago pa man ako makapagtanong mabilis nitong inalis ang tingin sa akin at ibinaling ito sa taong nakaupo sa harapan namin.

"Ce." Tawag nito. Nagtaas naman agad ng tingin ang pinsan ko dahil sa pagtawag na yun.

Ngumiti pa saglit si Mahal bago ito dumiretso ng upo.
 
"Do you really want to know the real score between Olivia and Maam Alvarez?"
 
Lahat kami ay halos puro-pareho ng naging unang reaksiyon sa mga narinig na sinabi ni Mahal. Gulat, pagtataka, and pagkalito. What is Mahal trying to do?
 
"Mahal—"
 
"I can help you with that. We can make a plan to corner Olivia and simply interrogate her about Maam Alvarez."
 
"Ma-mahal, te—" Hindi ko na natapos ang plano ko sanang pag-awat dito ng bigla nalang nitong itakip sa bibig ko ang isa niyang kamay.
 
"What can you say, Ce? Sounds like a nice plan, right?"
 
I don't really like where this conversation is going right now. Just what the heck is Mahal trying to accomplish here? Imbes na pigilan ay fine-feed niya pa yung mga speculations ni Celeste.
 
I was staring at Celeste, silently begging her not to say yes. Kenzie was also helplessly listening on the side. When both stubborn women join forces, you really can win against them, right?
 
Oo, mahal ko itong babaeng nasa tabi ko ngayon, pero hindi ko makuhang pumabor sa plano nila. I don't think makakabuti yung gagawin nila, if ever. Kasi kahit totoo man o hindi na may sikretong relasyon si Olivia at Maam Alvarez dapat labas na kami dun. If ever meron man talaga, panigurado may mabigat na rason kung bakit nila piniling isikreto yun.

"Yeah, sounds like a nice plan" Tumatango-tango at may tipid na ngiti pa sa labi na sang-ayon ni Celeste.

Napabuga nalang ako ng malalim na hininga ng dahan-dahang tanggalin na ni Mahal ang nakatakip na kamay nito sa bibig ko.

Nagkatinginan pa kami ni Kenzie at alam kong sa mga oras na yun halos pareho lang din kami ng iniisip.

You really can't win against two stubborn women. That's a well-known truth!

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now