Chapter 11

449 17 4
                                    

-Harriet's POV-



-

Nakatayo sa labas at halos puno na ng kagat ng lamok sa iba't ibang parte ng katawan. Ganyan halos ang sitwasyon ko ngayon habang nag-hihintay dito sa may parking lot ng campus.

Kung tama yung calculation ko mga lampas dalawang oras na akong nakatayo at naghihintay dito.

Napasimangot ako. Balak niya ba talagang pahirapan ako?

Halos dalawang araw na naman kaming hindi nagkikibuan ng Mahal kong yun. After nung nangyari dun sa clinic naging parang hangin na naman ako sa kanya nung mga sumunod na araw. Hindi ko ba alam pakiramdam ko pag nagkikita kami lagi nalang akong may kasalanan na nagagawa. Ang ending ako na naman itong manunuyo.

Wala pa ngang kami pero dinaig ko na itong may jowa. Jowang toyoin nga lang. hihi.

Kaya naman nung naka-tyempo ako kaninang lunch break ay mabilis ko itong nilapitan. Nagulat pa ito nung makita akong biglang naupo sa harapan niya. Kasama niya noon ang ibang mga kaibigan niya na halos ganun din ang expression ng mga mukha dahil sa ginawa ko pero inignore ko nalang. Mas importante yung agenda ko kaysa yung pansinin ang iisipin nila.

"Sabay tayo mamaya pag-uwi" nakangiting bungad ko dito. Nagsalubong naman bigla ang mga kilay nito pero hindi ko na hinayaan na maka-angal pa siya dahil mabilis akong nagsalita ulit.

"Sabi mo oo ha? Okay sige, madali lang naman akong kausap." mas lumapad naman ang ngiti ko ng makita ang halos hindi na naman maipintang mukha nito.

"I'll wait for you in the parking lot. Gotta go. See you later, mahal!" Agad na akong tumayo saka kumaripas ng takbo palabas ng cafeteria. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya o ni tignan ang reaksiyon ng mukha niya dahil sa sobrang kahihiyan.

Minsan din talaga nawawala yung filter sa bibig ko lalo na kung may dyosang kaharap.

End of flashback.

So yun po ang actual na nangyari kanina at dahilan kung bakit ako nakatayo ngayon dito mag-isa sa parking lot ng halos dalawang oras.

Grabeng pinetensya naman 'to mahal. Layo pa ng mahal na araw ah.

Bigla naman akong nabuhayan ng matanaw ang dyosa na naglalakad na papuntang exit. Pero agad ding napasimangot ulit ng mapansing hindi ito nag-iisa.

Bakit kasama na naman niya ang butiki na yun?

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now