Chapter 18

491 24 19
                                    

- Harriet's POV -



-

Kinabukasan maaga akong pumasok sa school dahil may pa- meeting yung Music Department. Nagpaalala si Sam na mandated umattend ang mga newbie dahil about sa upcoming graduation ball yung mangyayaring meeting. Para atleast aware daw kaming mga bago sa mga kaganapan. Baka daw kasi bigla nalang mag-assign ng magpeperform para sa mismong event at mapasali kami. Usually kasi ganun daw ang pinapagawa sa mga newbie na kagaya ko. Parang naging tradition na nila na kapag may bago isasalang agad sa mga event.

Naisip ko ang malas ko naman kapag nagkataon. Mapipilitan pa akong magperform sa harapan ng maraming audience. Naiisip ko palang na mangyayari yun nangangatog na tuhod ko.

Nag-inform nalang din ako agad kay Mahal na hindi ko na muna siya masasabay ngayong morning dahil sobrang aga pa nang alis ko sa bahay.

Akala ko nga as usual eh i-isnabin niya na naman yung messages ko pero swerte parin pala ako ng araw na yun kasi kahit papano naka-receive parin ako ng reply kahit tipid lang na 'K' mula sa kanya.

Pagkarating ko sa school dumaan lang ako saglit sa locker ko para ilagay muna yung dala kong tupperware na may laman na baked cookies. Kaninang umaga kasi bago ako umalis ng bahay sakto at naabotan kong nagbebake ng cookies si mama at pinabaonan niya ko. Ang sabi niya pa share ko nalang daw sa mga kaibigan ko para matikman naman nila.

Pero ang hindi alam ni Mama isang tao lang ang makikinabang ng binake niyang cookies hihi. Sino pa ba? Edi ang pinakamamahal kong dyosa.

Tumagal ng halos dalawang oras yung meeting buti at wala kaming pasok ng first period ng araw na yun dahil may biglaang emergency daw si Prof. Alvarez. Hindi ko rin alam kung anong klaseng emergency yun basta ang sabi ng iba kong mga classmates nagmamadali daw umalis si Maam kanina pagkatapos niyang makapag-inform sa buong klase namin na hindi siya makakapag-lecture ngayon. Nagbigay lang ng activities si Maam na ipapasa tomorrow tapos umalis na din daw ito agad.

Speaking of Maam Alvarez kapag nakikita ko siya parang nagfla-flashback sa utak ko yung mga nakita namin nung isang araw. Hanggang ngayon hindi parin din talaga malinaw kung ano ba ang totoong relasyon niya kay Olivia. Hindi ko na rin binalak na alamin pa dahil ayoko na ring makialam. Buhay naman nila yan at saka nasa tamang edad narin si Maam at Olivia, siguro naman hindi sila gagawa ng isang bagay na pareho nilang ikakapahamak sa bandang huli.

Ewan ko lang talaga kay Celeste. Halatang hindi pa rin nakakamove on ang pinsan ko na yun. Parang masyado niya ding dinibdib yung mga nakita namin. Siguro ganun talaga kapag bestfriend mo at sobrang close ka dun sa tao. Nakaka-disappoint naman din talaga kapag pinagtataguan ka ng sekreto ng taong akala mo kilala mo na talaga.

Kaya hindi ko rin masisi si Celeste sa naging reaksiyon niya.

Ipinilig ko nalang ang sariling ulo upang iwaksi na ang mga nasa isip. Kailangan kong mag-focus ngayon sa goal. Goal, ibig sabihin ay ang mahal kong dyosa.

Kaya heto ako ngayon at gugugulin ang oras sa panlalandi. Hindi joke lang haha. Nakatayo ako ngayon sa labas ng room ni Mahal habang hinihintay ko siyang lumabas. Balak ko kasi ibigay na sa kanya agad yung cookies habang wala pang mga asungot na nakapaligid sa tabi-tabi.

Mga ilang minuto pa siguro ang hinintay ko bago ko siya nakitang naglalakad na palabas ng room. Napangiti pa ako ng malapad ng saktong magtaas ito ng ulo at magtama ang mga tingin naming dalawa.

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now