Chapter 22

422 24 1
                                    

Harriet's POV -

-

"Rie! Here's your drink," Kenzie said as she lent me the drink.

"Thanks, Kenz," I replied gratefully as I silently sat at the edge of the rooftop while Kenzie leans on the railings beside me.

"Wait! Why are you here on the rooftop, nga pala? Wala ka bang balak maghanap ng grad ball date mo? Almost two weeks nalang oh before yung graduation ball."

I heaved a deep sigh.

"Actually, I'm not that interested," I replied nonchalantly.

Totoo naman kasi. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganyang klaseng event. Ang balak ko nga hindi na ako aattend. Ma-iistress lang ako kakahanap ng susuotin at magiging date ko para sa event na yan. Buti pa manood nalang ng movies sa netflix, hindi kana napagod nakapagrelax ka pa.

At isa pa may iniiwasan nga kasi ako makasalamuha dun.

"Anu?!" Ang oa naman ng reaction ng isang to. Kailangan talaga sumigaw friend?

Humarap ito sakin at hinawakan pa ako sa magkabilang braso.

"Rie, naririnig mo ba sinasabi mo? Isang beses lang to mangyayari sa buong buhay mo. Kaya pano mo nasasabing you're not interested?! Hindi mo ba alam ang pinapalampas mo? At isa pa, chance mo narin to para mabingwit yung taong gusto mong maging date! Hindi mo ba naisip yun?"

Bahagya kong itinulak palayo ang kamay nitong nakapatong sa balikat ko kaya napabitaw siya agad. Wala na itong nagawa at tahimik nalang na muling bumalik sa kanina niyang pwesto pero yung naniningkit niya namang mga mata ay nakatingin pa rin ng diresto sa akin.

Napabuga nalang ako ng malalim na hininga bago saglit na tumungga sa hawak kong can ng soft drinks.

"Stop being so dramatic, Kenz. It's not that serious. Ikakamatay ko ba kung hindi ako aattend sa graduation ball? Hindi naman diba?"

"I get your point, dude, but how about Scarlet? Inalam mo lang ba kung meron na siyang date?"

Napakislot ang isang kilay ko sa sinabi nito."Bakit mo naman sa akin tinatanong yan?"

"Obviously, kasi pinopormahan mo lang naman yung tao." Sabi nito na nagpairap sakin.

"Hindi ko siya pinopormahan no."

"Ay oo nga pala kasi secret lang yung feelings mo para sa dyosa." At nang-asar na nga po siya.

"Mackenzie, dude, gusto kong unawain mo na kahit may gusto ako dun sa dyosa na yun hindi ako gagawa nang isang bagay na alam kong makakasira lang sa pagkakaibigan namin. Sa ngayon kuntento na ako kung anong meron kaming dalawa."

Tumango-tango lang ito at saglit na natahimik.

Habang hinihintay ko siyang magsalita ulit hindi ko maiwasang hindi balikan ang mga nangyari noong isang araw.

Hindi ko alam kung bakit sobrang naapektuhan ako nang mga sinabi ng Lloyd na yun. Kahit pa alam ko na nang-aasar lang siya hindi ko parin mapigilan ang sariling hindi masaktan.

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now