Chapter 10

483 19 1
                                    

-Harriet' s POV-


-

Isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sakin pagkabukas na pagkabukas ko palang ng aking dalawang magagandang mga mata.

Teka, patay na ba ako? Ito na ba yung sinasabi nilang langit?

"Don't worry, you're not dead yet. And if ever mangyari man yun for sure hindi sa langit ang diretso mo, my dearest cousin"

Automatikong napa-ikot ang mata at masama ang tingin na bumaling ako sa may-ari ng boses na yun.

Prente itong naka- upo na parang prinsesa sa bakanteng kama malapit sa kinahihigaan ko.

"I could say the same thing to you." rebat ko dito habang nakataas ang isang kilay. "Sa sama ba naman ng ugali mo no ultimo si San Pedro magdadalawang isip na papasukin ka sa gate to heaven. Baka nakawin mo pa manok niya at ipangsabong"

"Wow! "She gasped dramatically. "That's below the belt, dude. How could you be so rude?!"

Hindi ko nalang siya pinansin at dahan-dahan naring umayos ng upo sa may higaan pero agad din akong natigilan at automatikong napahawak ang isang kamay sa may bandang ulo ng makaramdam ng pagkirot dito.

"Ahhh!" Syete, parang mabibiyak ata ang ulo ko sa sobrang sakit.

"What the heck! Ba't kasi bigla- bigla ka bumabangon dyan?" Dinig ko pang hanash ng isa bago ko naramdaman ang presensya niya na dahan dahang lumapit sa kinaroroonan ko.

"It is strictly advised by Nurse Mau to avoid forcing you to move abruptly because this is what will happen." pangaral nito bago ako inalalayang mahiga ulit sa kama.

Hindi nalang muna ako umimik at pinakiramdaman ang sarili. Medyo makirot parin kasi siya. Sa ngayon sinusubukan kong pakalmahin muna ito sa pamamagitan ng pagpikit ng dalawa kong mga mata.

"Nurse Mau provided a medicine prescription for you earlier. You need to take those later pag nakapag take kana ng dinner mo. Okay?" pahabol pa niyang bilin na sinagot ko lang ng isang malamyang ungol.

Ito rin ang nakakatuwa sa relationship namin nitong pinsan kong may tupak minsan. Yung ultimo halos araw araw kami kung magbardagulan pero kapag may isa naman samin ang na-aagrabyado o kung anu pa man, yung isa't isa parin yung nagiging kakampi at una naming tatakbuhan.

Kaya kahit may saltik to, di ko to pagpapalit sa iba bilang cousin ko. Choss, drama lang.

"Before anything else pala," huminto ito saglit tapos may narinig pa akong kaluskos hanggang sa maramdaman ko ang paglunod ng kama sa may bandang binti ko. "May top secret pala ako pero pinag-iisipan ko pa kung sasabihin ko sayo baka kasi matuluyan ka na matigok pag nalaman mo"

Sa mga sinabi niyang yun agad naman akong napamulat at mabilis na bumaling ng tingin sa direksiyon niya. Napa-aray pa ako ulit kasi nabigla na naman yung ulo ko pero pinagwalang bahala ko nalang at agad nangusisa sa isang to.

"What are you saying? Hoy, Celeste kung ano man yang alam mo just spit it out already bago pa ako maubosan na naman ng pacensya dito."

"Maka- Hoy naman 'to." Sita nito bago siya prenteng na-upo sa paanan ko. "Well, let me try to recall the previous event. As I remember it correctly, something happened kanina, but I'm not really sure if—ah!"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad na hinapit ito sa kanyang leeg. Pero dahil masyadong drama queen tong isang to eksenadorang hinawakan niya ang kamay ko at nagsimulang mag-pumiglas na para bang may ginagawa akong karumaldumal sa kanya.

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now