Chapter 13

551 21 10
                                    

- Harriet's POV -



-

Naiinip na inikot ikot ko sa pagitan ng mga daliri ang hawak na susi ng sasakyan habang nakatayo ako dito at nakasandal sa ibabaw ng hood ng dala kong kotse.

Mga ilang minuto pa ba sila magtatagal dun sa loob nagugutom na ako. Reklamo ko sa utak ko.

Bali kung curious lang naman kayo kung ano ba yung pinuputok ng butsi ko, ito lang naman po yung buong istorya.

Sabado po ngayon. So dapat kasi weekends magpapahinga ako sa bahay diba kasi nga wala namang pasok. Pero nyemas naman at talagang ang bait ni tadhana at saktong tinamaan na naman ng tupak ang magaling kong pinsan at biglaang bumisita sa bahay para lang mag-ayang mag shopping sa labas.

Syempre dahil mabait ako, hindi ako pumayag sa gusto niya. Pero kagaya nga ng sinabi ko, napakabait talaga ni tadhana ngayon sakin, sakto rin kasing nag ring yung phone ko nung nasa kalagitnaan kami ng pagtatalo ng bruhilda kong pinsan. Nagawa ko pang makita yung caller id which is si Scarlet Mahal, my bebe loves, honey bunch, sugar pie pala, bago ito nahablot ni Celeste mula sa kamay ko. Huli na nung napagtanto ko na kinakausap niya na yung Mahal ko para yayain din itong sumama sa kanyang magshopping sa mall.

Hindi ko na nga halos naintindihan yung mga pinagsasabi nito kay Scarlet at hindi ko narin narinig kung anu ang sinabi nito para mapapayag ang dalaga dahil sa sobrang bilis ng pangyayari bago ko muling naramdaman yung cellphone ko sa palad ko.

Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya habang siya naman ay pangisi-ngisi lang na tinapik-tapik ang pisngi ko bago nito tinawag si Maggie na noon ay nasa taas para yayain din itong sumama sa pagshoshopping niya.

Sa mga oras na yun isa lang talaga ang tumatakbo sa isip ko.

Celeste, anak ka talaga ni S. Dem*nyita ka!

Paniguradong torture na naman ang aabotin ko nito sa loob ng ilang oras na makakasama ko silang tatlo.

Five hours later tila nagkatotoo nga yung mga senaryo na kinatatakutan kong mangyari kani-kanina lang.

Una, ginawa lang naman nila akong driver. Ang rason pa ng bruhilda kong pinsan eh sa ako lang daw ang may lisensya sa aming apat kaya natural lang na ako ang uupo sa harapan ng manibela.

Gusto ko pa sanang makipagtalo dito kaya lang naisip ko na useless lang din. Knowing how stubborn of a woman is Celeste, for sure ako lang din ang mapapagod sa bandang huli.

Pangalawa, ay yung sa mall kanina na ginawa nila akong taga bitbit ng mga pinamili nila.

Minsan hindi ko rin maintindihan bakit ang ibang mga babae pag nasa mall hindi talaga mawawala dyan yung sobrang daming shopping bag na dala paglabas ng bawat store. I mean, babae din naman ako pero never ko namang ginawa yang ganyan. Ano to? Trip trip lang ganon?

Pero ang pinakamalupit sa lahat.

Yung paghintayin nila ako dito sa labas ng bake shop ng sobrang tagal. Paalam nila may titignan lang daw saglit sa loob. Pero lampas isang oras na hindi parin sila lumalabas ng shop.

Saglit nga my ass.

Hinugot ko na yung phone sa bulsa ko at balak ko na sana silang tawagan ng matanaw ko silang tatlo mula sa pwesto ko na sabay sabay na naglalakad palabas ng shop.

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now