Chapter 8

404 16 6
                                    

-Harriet's POV-




-

I repeatedly convince myself to focus on the lesson and whatever it is that our professor has been discussing in front na sa totoo lang ay wala ako halos maintindihan. Yung utak ko kasi mukhang nasa kabilang dimension na naman at hindi pa nakakabalik.

I'm suddenly not in the mood today. Ewan ko ba. Basta pag gising ko kaninang umaga pakiramdam ko sarap manakal ng tao. Jowk.

Hindi naman tayo ganyan ka-violente. Dapat nilulugar parin yung init ng ulo.

Kaya naman ito ako ngayon nakapangalumbaba na naka-upo sa desk ko habang sinusubukang ituon ang buong atensyon sa harapan.

Yun nga lang hindi ganun kadali yun.

Nakangusong inilibot ko ang paningin sa loob ng classroom hanggang sa huminto ito sa taong naka-upo sa kabilang dulo malapit sa bintana.

Kahit nakaside view sobrang ganda parin talaga nito. Kaya naman di na nakapagtataka na andami kong karibal sa kanya.

Napabuntong hininga nalang ako.

Ang saklap ng buhay oh. Sekreto na ngang may crush sa dyosa mukhang bagsak pa sa percentage na magustuhan din nito. Saan ka pa dyan? Nung nagsaboy ang diyos ng ka-swertehan sa pag-ibig ang himbing siguro ng tulog ko.

"Don't be surprised; you know it's your fault that she's been ignoring you."

I rolled my eyes when I heard that familiar, annoying voice of my cousin, who is seated beside me.

Yung usual seat naman nito ay nasa unahan pero ewan ko ba bakit nandito na naman ito pumwesto sa tabi ko. Siguro may tupak na naman to.

"Shut up!" I mumbled weakly.

Nakakapagod din pala minsan yung makihalubilo sa mga may tupak na babae sa paligid mo. Kaya minsan hinahayaan ko nalang sayang sa energy.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito bago muling magsalita.

"Why can't you just swallow that pride of yours and then talk to her?"

"Pst! And you think I haven't done those, smarty pants? I already did, but ini-snob niya lang ako."

"Ouch, pity you. I think you really did something horrible para magalit siya ng ganyan. Am I right?"

"Horrible?" Hindi makapaniwalang anas ko.

Nauubusan ng pacensyang hinarap ko na ito. Hindi ko na din kasi nagugustuhan yung mga patuya niya eh. Sabi ko nga kanina wala talaga ako sa mood ngayon at pag ganitong wala ako sa mood mabilis din tumaas yung temper ko.

"Drop it off. Hindi na ako natutuwa."

"But couz, I'm just trying to help--"

"You are not helping!" Napataas ang boses na sabi ko dito. Pero agad ding natigilan ng mapansing naagaw ko na pala ang atensyon ng lahat sa loob ng room kasama na dun ang professor namin.

"Yes, Ms. Abbot? Is there anything you want to share in the class?"

Napabuntong hininga nalang ako at napapikit ng mata.

Kung minamalas ka nga naman oh.

"N-none, Maam" sabi ko dito habang bahagya pang nakayuko. Sinamaan ko pa ng tingin yung nakangisi kong bruhildang pinsan bago nagtaas ng tingin ulit sa gawi ng propesora. "Can I go to the rest room, please? Naiihi na po kasi ako"

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now