Hello everyone (whoever reading this haha). I decided to continue this story starting today, in celebration of Justin's solo debut. I actually waited for like 6 days before publishing this (coz nasa draft lang sya). I hope mag enjoy kayo. It took me months before I finally continued writing this.
Anyways thank you for your patience <33
Grammatically errors ahead
----------------------------------------------------------Bahagyang naka nguso ang mga labi ko. Nag pipigil na lumitaw ang ngiti mula doon.
Si boss Justin kasi eh..
Ah mali.. Justin lang pala!
Malandi akong napahagikhik habang mahinang pinapalo ang bag na nasa kandungan ko.
"Are you okay, Lia?"
Biglang natigil ang imahinasyon sa utak ko. Tumikhim ako nang naramdaman kong nag init ang magkabila kong pisnge.
"A-Ayos lang boss."
Umayos ako ng upo. Nasa loob kami ng sasakyan nya papuntang trabaho.
"Lia, I told you not to call me 'boss' when it's not working hours, especially kung tayong dalawa lang naman ang magkasama."
Reklamo nya. Humaba ang nguso ko, pinipigilang mapangiti sa narinig ko.
Dalawang araw na ang lumipas pagkatapos nang nangyari noong gabi'ng iyon.
Hanggang ngayon kinikilig pa din ako kapag naaalala ko 'yon.
Tanggal angas pero kung si boss Justin lang din naman ang dahilan, ay naku! Hinding-hindi ako mag rereklamo!
Hindi ko na napigilang ngumiti nang pinag siklop nya ang kamay naming dalawa.
Noong gabi'ng iyon din ay naging kami. Sinagot ko sya agad, baka kasi mag bago ang isip nya. Aayaw pa ba ako eh si Justin Klein Dedios na ang nanligaw sakin?!
Pag dating namin sa building nila ay agad kong inasikaso ang nga gamit nya. Nag presinta pa syang tumulong at sya na daw mag dadala ng mga mabibigat na mga gamit pero hindi ako pumayag.
Bukod na trabaho ko iyon ay ayaw ko di'ng makahalata ang mga katrabaho at mga kaibigan nya.
Pribado ang relasyon namin at ako ang nag desisyon no'n. Hindi sya pumayag nung una pero kalaunan ay napapayag ko din sya.
Sikat ang boyfriend ko..gwapo at mayaman. Ano na lang ang iispin ng mga tao kapag nalaman nilang ako ang girlfriend nya? Isang tomboy..hindi maganda at isang hamak na PA lang.
Kung dati wala akong pakialam sa sasabihin ng iba..pero ngayon iba na..
Hindi naman ako nag aalala sa kung ano ang sasabihin nila tungkol sakin. Nag aalala ako sa kung ano ang masasabi nila kay Justin.
Tinitingala sya ng marami at hinahangaan ng marami. Ayokong ako ang maging dahilan para masira ang pangala'ng pinag hirapan nya.
"Blooming ka lately, Jojo."
Hindi ko nilingon si Stell at patuloy lang na kumain ng fishball na binili ko kanina sa labas.
"Pansin ko di'ng nagiging pala-ayos ka na. May pinopormahan ka no?"
"Tumahimik ka nga, baka may makarinig sayo." Suway ko sa kanya.
Ang daldal talaga ng isang 'to. Lahat ata ng napapansin nya sa paligid pupunahin nya. Madaldal din naman ako pero hindi kasing daldal nya.
Ibang level ang kadaldalan ni Stell, at walang papantay at makakatalo sa kanya pag dating doon.
"So may pinopormahan ka nga?" Pang uusisa nya habang may ngisi sa labi.
![](https://img.wattpad.com/cover/332388165-288-k958500.jpg)
YOU ARE READING
Sound Break 2: Under His Spell
FanfictionJustin Klein Dedios is an famous artist in the country-a member of a famous boy band. He is very passionate with his craft to the point, he overworked his self. Because of that, her manager decided to hire him a PA. Josephine Joliana Cruz is an orph...