Grammatically errors ahead
----------------------------------------------------------Kinaumagahan ay bumyahe agad ako pauwi ng La Union. Tama na siguro ang nakita ko. I'll try to move on. Aabalahin ko na lamang ang sarili sa mga bagay-bagay para kahit papano ay hindi ko sya maisip.
Pag uwi ko ay magdamag akong nag kulong sa kwarto ko. Tinanong ako ni lola pero ang sabi ko lang ay masama ang pakiramdam ko.. totoo naman, masakit ang puso ko, sobra.
Mabuti na lang ay naniwala si lola at hindi na ako kinulit. Nag papahatid na lang ako ng pagkain dito sa kwarto ko.
I open my phone and stalked Justin's account using my dummy account. Bahagya akong ngumuso nang makita kong may story syang picture kasama ang host at may link sa baba.
Thank you MusicMix for having me
Iyon ang nakalagay sa itaas ng picture nilang dalawa. I hesitantly click the link.
Sobrang gwapo ni Justin dito. Hindi na ako nag tataka kung bakit nag tilian ang mga tao sa set nang ipinakilala ng host si Justin.
The host asked him about Justin's award during the International Artists Awards Night. Parang Artist Gala Night dito sa Pilipinas, ang kaibahan lang ay puro international artists ang nandoon.
"So here's my last question. Eto, medyo personal 'to."
Sabi ng host habang nangingiti. Tumango naman si Justin habang nakangiti lang din.
"What's your status right now? Are single or In a relationship?"
Nakita ko na bahagyang nagulat si Justin, mukhang hindi din nya inaasahan ang tanong. Pero agad din naman syang nakabawi at ngumiti ng matamis sa camera.
"I'm in a relationship."
Nanlaki ang mata ng host. Sumilay din doon ang malawak na ngiti nya.
"Oh my Gosh! So guys, confirmed na, tinapos na ni Justin ang haka-haka!"
Sabay silang natawa ni Justin.
Nag pasalamat ang host pati na din si Justin. Nag promote din si Justin ng mga darating na projects ng Sound Break at solo projects nya.
Doon natapos ang interview.
Huminga ako ng malalim. Parang pinipiga ng husto ang puso ko. So totoo nga, sila na ni Wendy...
"Makakalimutan din kita, Justin. Mahirap pero kakayanin ko."
Kinabukasan ay anong oras na akong nagising. Hindi ko na tiningnan ang sarili ko sa salamin, nagugutom na ako. Kaunti lang kasi ang kinain ko kagabi.
"Oh, gising ka na pala hija. Nandyan ulit ang bisita ng lola mo. Sumabay ka nalang sa kanila kumain."
Kumunot ang noo ko. Nandito ulit si Ken?
"Salamat Nay Ermi."
Tamad akong nag lakad papuntang kusina. Humihikab pa ako. Inaantok pa kasi talaga ako. Pero anong oras na, kailangan kong bumangon.
Habang papasok sa kusina ay nag unat-unat ako habang humihikab. Pero agad din akong nabato sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang mga bisita ni lola.
Oo! Mga! Dalawa sila!
Agad kong isinara ang nakabuka kong bibig at bahagyang nag tago sa gilid ng pader. Inayos ko ko din ang magulo kong buhok. Kinusot ko din ang mga mata ko, baka may muta pa!
"Good morning apo. Come on, Join us."
Nakangiting bati sa akin ni lola. Ang dalawa nyang bisita ay nasa akin din ang atensyon. Ngumisi si Ken at binaling ang atensyon sa pagkain nya. Pero iyong kasama nya ay nasa akin parin ang tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/332388165-288-k958500.jpg)
YOU ARE READING
Sound Break 2: Under His Spell
FanfictionJustin Klein Dedios is an famous artist in the country-a member of a famous boy band. He is very passionate with his craft to the point, he overworked his self. Because of that, her manager decided to hire him a PA. Josephine Joliana Cruz is an orph...