CHAPTER 3

72 3 0
                                    

Grammatically errors ahead

---------------------------------------------------------

Sinunod ko ang utos sakin ni boss Justin, umakyat din sya agad pagkatapos nun. Ang arte nya talaga. Hindi naman masyadong makalat, akala ko pa maman sobrang kalat nang kusina nya, hindi naman pala.

Pagkatapos kong mag linis ay umakyat ako sa kwarto ko, apat na kwarto lang ang pagitan nito kay Boss Justin. Sinabi sakin ni ma'am Belle na hanggang 2nd floor lang daw ako. Bawal akong umakyat sa 3rd floor, kahit daw kasi sya pinag babawalan ni boss Justin dun. Ayos lang naman sakin yun, bawas na din sa tatrabahuin yun.

Nang matapos akong mag ayos ng mga gamit ko sa kwarto ay agad akong humiga sa malambot na kama. Kapag naka ipon talaga ako ng malaki bibili ako ng bahay, tapos ganitong kama din ang bibilhin ko para kela Anton at Mark. Sigurado akong matutuwa ang dalawang yun.

"Ateee!"

Yun agad ang bungad ng dalawa kong kapatid. Tinawagan ko si Barbie at ipina-abot ko agad yung cellphone sa mga kapatid ko.

"Kamusta kayo dyan?"

"Ayos naman po, masarap pong mag luto si ate Barbie."

Masayang kwento ni Mark. Mahina akong tumango na para bang nakikita nila iyon.

"Mabuti naman. Wag kayong magpapasaway dyan kay ate Barbie nyo ah. Kapag nalaman ko talagang naging mga pasaway kayo, pepektusan ko kayong dalawa."

Banta ko sa kanilang dalawa. Laking pasalamat ko talaga kay Barbie at tinutulungan nya ako. Wala kasi akong pwedeng mapag iwanan sa mga kapatid ko.

Nang matapos ang tawag ay bumaba ako para mag luto ng kakainin ni boss Justin. Pritong isda at gulay ang niluto ko para masustansya.

Hindi nga halatang hindi malusog ang pangangatawan ni boss. Makinis ang mukha, maayos ang buhok, mabango at hindi naman nangingitim ang ilalim ng mata nya.

Kung ako siguro yun, mag mumukha na akong taong grasa.

Napa iling nalang ako nang mapagtanto kong, masyado ko na syang pinupuri.

Tiningnan ko ang orasan. Pasado ala-sais na. Ang bilin ni ma'am Belle sakin dapat bago mag ala-siete ay napakain ko na si boss Justin.

Umakyat ako sa second floor at kinatok sya sa kwarto nya.

"Boss, Justin! Kakain na po!"

Tawag ko sa kanya habang kumakatok.

Napa buga ako ng hininga nang wala akong narinig na tugon mula sa kanya.

Kanina pa ako kumakatok dito, wala ba syang planong pag buksan ako?

Tangina, gwapo nga bingi naman!

Pinihit ko ang door knob. Napa iling ako. Bukas naman pala.

Kumunot ang noo ko nang wala akong nakita kahit anino nya sa kwarto nya.

"Nasan na yun?"

Luminga-linga ako, pero hindi talaga sya mahanap ng mga mata ko.

Huminga ako ng malalim. Iginala ko ang mga mata ko sa buong kwarto nya.

Namamangha ako sa nakikita ko. Ang ganda kasi kwarto nya, sobrang linis at maaliwalas. May mga naka display na paintings sa dinding malapit sa kama nya.
Sino kaya ang nag puminta nyan?

Lumapit ako sa painting para mas makita ko ng maayos.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang kilalang pirma sa ibaba ng painting.

Sound Break 2: Under His SpellWhere stories live. Discover now