CHAPTER 24

85 2 0
                                    

Grammatically errors ahead
----------------------------------------------------------

Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagiging teenager ko. Anong oras na ako natulog kagabi. Inumaga kaming magkatawagan ni Justin kahit magkatabi lang naman ang kwarto namin.

"Wow, fresh na fresh. San lakad mo?" Ngumuso ako para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko.

"Wala, dito lang."

Tumaas ang kilay ni Barbie.

"Tapos ganyan ayos mo?" Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Naka dress ako ngayon. Simple lang naman iyon. Inayos ko din ang buhok ko, nag lagay ako ng mga hairpins para magandang tingnan. Simple lang din naman ang make up ko.

"Bakit ka nakikialam?" Pag susungit ko sa kanya. Pinaningkitan nya ako.

"Nag papaganda ka kay Justin no?"

Pinamulahan ako ng mukha at agad na umiling.

"Hindi ah."

Nag iwas ako ng tingin sa kanya at tumikhim. Nabutan ko dito si Barbie sa kusina na kumakain. Mukhang late narin sya natulog kagabi.

"Kamusta na pala kayo ni Juno?"

Hindi nya ako sinagot at nag kibit balikat lang. Kumunot ang noo ko.

"Barbie, mag usap kayo. Pakinggan nyo ang paliwanag ng bawat isa."

Natatawa syang tumingin sakin.

"Wow, coming from you.."

Hindi ko sya sinagot at sinamaan lang sya ng tingin. Nang natapos kaming kumain ay dumeritso si Barbie sa farm. Hindi na ako sumama sa kanya, mainit kasi.

"Nay Ermi, nakita nyo po ba si Justin?"

"Nasa library ng lola mo, hija."

Ngumiti ako sa kanya at nag pasalamat. Shutdown ang phone ko kaya nasa kwarto ko lang. Umakyat ako at pumuntang library. Kumatok muna ako ng tatlong beses.

"Come in."

Dahan-dahan kong kong binuksan ang pinto at maingat na pumasok.

"La."

Bati ko kay lola nang pumasok ako. Nakita ko sa Justin na nasa couch habang si lola naman ay nasa harap nya. Lumapit ako sa kanilang dalawa at humalik sa pisnge ni lola.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Justin.

"Did you two talk already?"

Nagkatinginan kami ni Justin. Bahagyang tumulis ang nguso ko. Domoble ang tibok ng puso ko. Sobrang lambing ng paraan ng pagtingin nya sakin. Ako ang unang nag iwas ng tingin. Hindi ko kinakaya ang mga tingin nya...nakakapanghina.

"Opo, La."

Sagot ko. Huminga ng malalim si lola at tumango.

"I think this is the right time to formally apologize to you, apo for what Justin and I did. I sincerely apologize, apo."

Kumunot ang noo ko. Akala ko ba napag usapan na namin to? Isa pa, humingi nga sila ng tawad sa akin.

"And to you, Justin. I am sorry too. I am sorry for ruining your plan. Alam kong ayaw mong biglain ang apo ko, pero hindi na ako nakapag hintay. I'm sorry for ruining your plan, but I'm not sorry for showing up to my granddaughter." Mahinang natawa si lola, pati na din si Justin.

"Wala na po 'yon La. I understand you. Alam kong sabik din kayong makita si Lia."

"Thank you. Thank you for finding Jojo's family. Thank you for helping us."

Sound Break 2: Under His SpellWhere stories live. Discover now