CHAPTER 13

70 4 2
                                    

Grammatically errors ahead
----------------------------------------------------------

Hiyang-hiya ako nang lumabas kami ng Art Gallery. Hindi ko naman alam na iba pala ang ibig sabihin nang sinabi nya! Kapag kinakausap nya ako ay hindi ako tumitingin sa kanya.

"Lia, come on. Look at me." Pangungulit nya sakin.

"Ayoko nga.."

Mahinang sabi ko, halos hindi ko na nga marinig ang sariling boses ko.

Nahihiya talaga ako! Parang gusto ko nalang maging hangin ngayon mismo. Hindi ko sya matingnan!

Napasinghap ako nang ipinulupot nya ang kanyang braso sa aking baywang at hinapit ako papalapit sa kanya. Mas nag wala ang puso ko nang halikan nya ang tenga ko at ipinatong ang baba nya sa aking balikat.

"I know you're shy. But let's just forget about it. Let's pretend that it didn't happened. Hmmm?"

Sabi nya at siniksik ang kanyang mukha sa leeg ko at inamoy iyon.

"E-Ewan ko s-sayo."

Sigurado akong kasing pula na ng kamatis ang mukha ko ngayon! Nauutal pa ako, parang tanga.

Hayss walang-wala na talaga ang angas ko men!

"Let's go. We haven't eaten yet."

Umayos sya nang tayo at marahan akong hinila. Ang isang braso nya ay naka pulupot pa din sa baywang ko.

"Saan tayo kakain?"

"Stell's restaurant."

Pag dating namin sa restaurant ay hinahap agad ng mga mata ko si Vera. Ang alam ko ay dito sya nag tatrabaho.

"Diba dito nag tatrabaho si Vera?" Tanong ko kay Justin.

"Yes."

Simpleng sagot nya habang hinihiwa ang karne sa pinggan nya. Ang akin naman ay hindi ko pa ginagalaw, abala pa ako sa paghahanap kay Vera.

"Bakit hindi ko sya makita dito? Baka nag resign na?"

Nag kibit balikat sya at kinuha ang pinggan ko at ipinalit ang kanya.

"I don't know. I'll ask Stell later if you want."

"Hindi na."

Ngumuso ako at tiningnan ang pinggan kong may karneng hiniwa na nya. Ang sweet naman ng boyfriend ko. Alam nyang maton ako kumilos at hindi sanay sa ganto pero hindi sya nag kulang na iparamdam sakin na prinsesa nya ako. Kapag kasama ko sya, ramdam na ramdam ko talaga na babae ako.

Malalim na ang gabi nang umuwi kami. Madami pa kaming pinuntahan. Nag aya akong umuwi na nang mag-hapon pero hindi sya pumayag. Talagang pinanindigan ang date namin. Ayon tuloy, ginabi kami.

"I already called Nikka, pumunta ka nalang para sa fitting."

Sabi ni ma'am Belle at inabot sa akin ang maliit na card.

Umagang-umaga ay narito na si ma'am Belle. May ibinigay lang syang folder kay Justin. Malapit na ang Artist Gala Night kaya pinag hahanda nya na ako. Mabuti nalang at tapos na ang play na Direktor si Justin, bawas trabaho din.

Tatlong araw na din ang nakalipas pagkatapos namin mag date, pero hanggang ngayon sariwang-sariwa pa din sa isip ko ang mga nangyari. Sobrang saya lang kasi..

Ang sarap pala talagang mag mahal at mahalin pabalik. At ang sarap mahalin ni Justin. Hindi lang kami pumunta sa magagarbo at sosyal na lugar, pumunta din kami sa mga lugar na gusto at nakasanayan ko. Alam kong hindi sya sanay sa ganoon pero wala akong narinig ni isang reklamo mula sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang sensiredad sa mga kilos at ipanapakita nya.

Sound Break 2: Under His SpellWhere stories live. Discover now