CHAPTER 11

93 3 1
                                    

Grammatically errors ahead
----------------------------------------------------------

Ilang beses akong napa kurap. Tila hindi naintindihan ng utak ko ang tanong nya sakin.

Hindi ito ang inaasahan kong magiging reaksyon nya. O baka naman nag papanggap lang sya?

Humakbang sya papalapit sakin. Ang kamay nya ay pinag krus nya sa dibdib nya.

"I didn't know that you like me. I didn't even expect that you'll like me." Namamangha nyang sabi.

"S-Sinungaling! Alam mo na gusto kita!" Tumaas ang kilay nya. Lutang akong tumawa.

"Syempre alam mo na g-gusto kita kasi...kasi ginayuma mo ako!"

Pag aakusa ko kanya. Dahilan para kumunot ang noo nya.

"I don't know what you're saying, Lia." Tanggi nya at marahang umiling.

"Umamin ka na lang kasi.."

Natawa sya sa narinig.
Anong nakakatawa? Seryoso ako dito! Walang nakakatawa sa sitwasyon ko at hindi ako natutuwa sa sitwasyon ko!

"Naniniwala ka sa gayuma?"

Mariin ko syang tiningnan. Dati hindi, pero nang dahil sa nakita ko, pwes, OO!

Umayos sya ng tayo at huminga ng malalim. Napa lunok ako nang makitang seryoso na ang mukha nya..na para bang bawal akong makipag biruan ngayon sa kanya, kasi kung hindi ay baka ipatapon nya ako sa ilog, anumang oras.

Unti-unti syang humakbang dahilan para mapa atras ako.

"I don't believe in spell."

Napa singhap ako nang naramdaman ko ang malamig na matigas na bagay sa likod ko.

"I did not cast a spell on you..a love spell to be exact."

Mariin akong napa sandal sa pader nang ikinulong nya ako gamit ang magkabilang kamay nyang namamahinga sa magkabilang gilid ng ulo ko.

"And what made you think that I cast a spell on you?"

Bahagya akong napadaus-dos nang inilapit nya sa akin ang mukha nya... nag alalalang baka dumampi ang mikha nya sakin. Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha nya.

Bahaya akong napanguso. Gusto nya ba talagang malaman kung bakit ko sinabing ginayuma nya ako? Halata naman kasi na may ginagawa syang kung anong ritwal dito sa kwarto nya. Ganitong-ganito ang nakita namin ni Barbie sa TV!

"E-Eh kasi nakita na n-naka upo at pinapalibutan ng kandila. Ganun ang n-nakita ko sa TV."

Nuutal kong paliwanag sa kanya.

"I'm meditating, Lia. Those candles are scented candles. It helps me to be more relaxed."

Umawang ang labi.

Meditate?

Kung ganun..hindi nya ako ginayuma? Nagustuhan ko sya hindi dahil sa gayuma?

Nag iwas ako ng tingin at tumikhim. Pakiramdam ko ay nag init ang buong mukha ko. Parang gusto ko nalang na kainin ako ng lupa ngayon na mismo.

Lumayo sya sakin at naka de quatro'ng umupo sa kama nya.

"You barg in my room in the middle of the night just to accuse me. Really, Lia?"

Bakas sa boses nya ang pagka dismaya. Napa yuko ako at nilaro ang mga daliri ko. Ayokong mag angat ng tingin sa kanya. Hindi ko sya kayang harapin pagkatapos kong umamin ng hindi sinasadya, at ang pag bintangan sya sa hindi naman nya ginawa.

Sound Break 2: Under His SpellWhere stories live. Discover now