CHAPTER 9

70 4 0
                                    

Grammatically errors ahead

---------------------------------------------------------
23 Years Ago

"Marita, pakikuha ako ng bag ko sa kwarto. Papalitan ko itong bag ko, mukhang hindi bagay sa suot ko."

"May date kayo ni sir, ma'am?"

Umabot hangang tenga ang ngiti nang kausap ni Marita, ang kanyang amo.

"Oo. Anniversary namin ngayon."

"Sunog! May sunog!"

Naalarma si Marita sa narinig. Tinaga ng kaba ang dibdib nya. Nakita nya ang mga taong natataranta, takot at nag kukumahog na iligtas ang buhay nila.

"Diyos ko po!"

"Marita tara na!" Agad na iwinaksi ni Marita ang kamay nya na hawak ng amo nya.

"Pero ma'am, yung mga gamit nyo po."

"Hayaan mo na. Mabilis na kumakalat ang sunog! Tara na Marita!"

Hindi na sya nag matigas at dali-daling lumabas kasama ang amo nya. At hindi nga ito nag kamali, malaki nga sunog. Lahat nang tao ay nag mamadaling iligtas ang buhay nila, ang iba ay nag iiyakan sa takot. Dahil sa daming ng tao ay hindi na mahagilap ng mata nya ang amo nya.

Hindi maiwasang matakot ni Marita para sa sarili nya. Halos lahat ng tao ay nag tatakbuhan at nag uunahan para iligtas ang sarili nila.

Napahinto si Marita sa pag takbo nang makita nya ang isang batang lalaki na umiiyak sa harap ng isang bahay na nasusunog.

"Diyos ko! Tara na bata, delikado dito."

"M-Mama..Mama ko..Papa!"

Nataranta sya nang umiyak ito at itinuro ang bahay.

"N-Nandyan ang mga magulang mo?" Nag aalala nyang tanong. Ilang beses itong tumango.

"S-Sige.. tutulungan ko ang mga magulang mo."

Agad syang tumakbo patungo sa nasusunog na bahay. Hirap pa syang lumasok dahil sa lakas ng apoy at usok.

"Tulong! Miss, tulong!"

Agad na hinanap ni Marita ang boses nang babaeng tumawag sa kanya.

"Diyos ko po!" Napatakip si Marita sa kanyang bibig dahil sa nakita.

Parehong duguan ang isang lalaki at babae. Ang lalaki ay wala nang malay na naka dagan sa babae..prinotektahan ang mag ina. Habang ang babae naman ay duguan na umiiyak..pati ang isang sanggol.

Sound Break 2: Under His SpellWhere stories live. Discover now