The azure sky was indeed beautiful, but not with the scorching heat it gave on earth. I lifted two of my hands over my brows to see the sun, the sun was mad and that's why the heat was rolling over across the plain. We're not expected this kind of climate, but it's perfect for our activity, however, getting bond with the fire from the sun was the last thing I ever wanted.
It was Friday and we had our outreach program. Okay lang kung cloudy at windy ang panahon pero hindi sa uri ng ganitong panahon na parang asido ang init ng araw, para kaming matutunaw.
Sumilong ako sa niyog na maliit palang ang bunga. Hindi gaanong mataas ang niyog kaya hindi rin delikado. Nasa barangay hall kami ng Tapan, pinapakain namin ang mga bata. This morning we started our program by having fun with the games, we had prepared games for them then we let them draw what they're visioning. And by lunchtime, finally I had time to rest. Dalawang section ng GA department ay pinagsama para sa isang outreach program, next week ABM naman.
Gamit ang sombrero ko ay pinaypay ko ito, kahit hangin ay pinagkait sa amin sa araw na'to. Gusto kong matapos na ang outreach program para makauwi na ako. May palaro pa kami sa mga bata at may gift giving pa. This outreach program was part of our project. This was graded, but we spent huge amount of money for this program. Huge for us who were came from public school. Kung yung mga nasa private school ay sisiw lang sa kanila itong amount ng pera na inipon namin para sa outreach program.
Tumabi si Pen sa akin, siniko niya para kausapin. "Ba't mo iniwan ang bata mo doon? Makita ka ni sir." bulong niya sakin.
"Eight years old na yung bata ko, kaya niya na ang sarili niya." sagot ko. Ang malas ko nga dahil ang likot ng bata na binabantayan ko. Each of us, students were required to take a kid, it's for their safety.
"Yung sa akin nga eh, parang kalabaw. Ang hirap paamuin. Buti yung sayo ang nakakaintindi ng kunti eh yung sakin mas malala pa sa bunso namin."
"Kaya nga, kaya mamaya na natin silang lapitan, mastress ka lang sa kanila." Kaya pasalamat ako na wala na akong kapatid, ako ang naging bunso dahil kapag may kapatid ako pagkasunod sakin, at lalaki pa. Baka palaging may gyera sa amin.
Pinaypay ko ulit ang sombrero sa akin para kahit papaano ay mahanginan ako dahil bihira ang hangin sa ganitong lugar. Puro bahay lang ang nandito, yung niyog na sinisilongan namin ay hindi lang naman ang nag-iisang puno na nakatayo, limang niyog ang nakatanim at may puno ng manga ang nakatanim sa tabi ng barangay hall. May tatlong tent na nirenta namin na nakatayo sa tabi ng barangay hall, mainit doon kaya hindi ako nagstay. Maalindanga ang init, ilang beses din akong uminom ng malamig na tubig para kahit papaano ay hindi masyadong matuyo sa araw.
Pagkatapos kumain ng mga bata ay pinagpahinga muna namin sila, hindi pa kami makakapagsimula ng bagong palaro dahil busog pa sila at masyadong mainit. Klarado ang pag-alon ng init mula sa semento. Nilinis muna namin ang mga nagkalat na mga basura mula sa tent bago din kami maghanda para sa susunod na activity.
Kumakain kami ng tanghalian namin nang tumabi sakin si Pen. "May kinuha akong isang supot ng lollipop mula sa bag ni Apple. Paghatian natin mamaya." bulong niya sakin.
"Magnanakaw ka talaga." bulong ko pabalik.
Nagtawanan kami. Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa toilet room ng barangay hall para makiihi. Mabuti nalang at hindi mapanghi ang toilet room di gaya ng washroom sa school namin na grabe ang amoy, parang pinaghalong dumi sa kanal at basurahan ang amoy. Pagkatapos kong umihi ay nagsuklay ako ng buhok, binasa ko rin ang mukha ko para mawala ang mantika at bumalik ako sa cubicle na ginamit ko para maglagay ng pulbos.
Hiding inside of the cubicle to retouch was my best skill, I needed to hide because my classmates were like ant hoarding around just to have some sweets delights. Yung pulbo ay parang pagkain yan, kapag makita ng matatakaw hindi ka titigalan hangga't lalagyan nalang ang matira sayo, kaya hindi rin ako kumakain sa classroom ng chichirya na malaki o biskwit kasi pagbukas mo palang may lalapit na sayo. Kung minsan ay nakakainis lang kasi, minsan walang pahingi diretso kuha nalang sa lalagyan.
BINABASA MO ANG
Since Then
Teen FictionDiary is where we set our feelings, where we situated our frustrations, happy moments, and all different emotions we feel. It also serves as our marker to be able to regain our memories from the past. A memories from the past that sometimes we shoul...