Chapter 20

58 2 0
                                    

Pagkatapos ng program ay nagsipasok ang mga estudyante na nanuod ng program. Pumasok din ang class adviser namin at may dala siyang pledge niya. It's ten boxes of pizza. Nagdasal muna kami nang nasa loob na lahat at nagsimula ng kumain. Pumila kami sa pagkuha ng pagkain. Yung mga classroom officers ang naglagay ng pagkain sa paper plate namin.

Si Mr. Pie ay may nirentang karaoke at talagang dumoble ang ingay sa classroom namin. Hindi lang kami ang may karaoke kundi ang iba ding grade level. Yung mayroon lang ay yung mga may class advisers na pinapaburan ang mga estudyante niya.

Dahan-dahan akong bumalik sa armchair ko. "Pen ako nalang ang magbabantay sa pagkain natin, ikaw nalang ang kumuha ng utensils." sabi ko.

"Oh sige. Pakitignan ha." sabi niya.

"Oo."

Iniwan niya muna ang pagkain niya sa armchair niya at bumalik sa gitna para kumuha ng tigdalawang kutsara at tinidor na plastic para saming dalawa. Pagbalik niya ay nagsimula na kaming kumain.

Lumapit si Jessa kay Pen nang maglabas si Pen nang lunch box at kumuha ng kanin. "Pen pahingi ako ng kanin."

Lumapit din si Shella kay Pen. "Pen ako din."

At sumigaw si James, yung higanteng bakla. "Oy sinong may kanin!" he announced.

I rolled my eyes and shook my head while laughing inside. Hindi nalang nagpledge ng kanin para may kanin. Ang daming naghahanap. Ako, hindi na ako nagdala ng kanin kasi alam ko na hindi ako makakakain nun kaya hindi na ako nagdala. Sayang lang at naisip ko na baka walang may humingi.

"Anong ginagawa mo?" Natatawang tanong ni Pen sakin, huminto siya sa pagkain dahil natawa sa ginawa.

"Shh huwag kang maingay. Magdadala ako sa bahay. I don't forget the bacon kasi kaya ito ang bacon ko, spaghetti bacon." sagot ko na ikinatawa ng malakas ni Pen.

Agad kong pinasok sa loob ng lunch box ang spaghetti at ang kutsenta. Kutsenta ay yung malagkit na kakainin na may keso sa ibabaw o yung kinudkod na niyog, pati yung isang slice ng banana cake, isang slice ng sponge cake at isang piraso ng fried chicken. Yung natira ay yung hotdog na nasa stick na may marshmallow, ewan ko kung bakit may ganito kaming pambatang pledge, tapos yung fruit salad ay kinain ko rin baka kasi mapanis.

"Sumakit ang tiyan ko sa kakatawa, Nan." Naiiling na tawang sagot ni Pen.

Napatawa ako. Hindi na masakit ang ulo ko dahil nakakain na ako. Ang sabi ni Mr. Pie ay pwede pa daw kumuha ng pagkain kaya ako ang pangalawang tao na agad tumayo papunta sa lamesa. Sumunod ang mga lalaki. Kumuha ako ng spaghetti at yung iba pa na pinasok ko sa lunch box ko. Mabuti nalang at hindi cellophane ang dala ko kundi ay ako ang makakarami. Irereklamo pa ako niyan.

Pagbalik ko sa pwesto namin sa tabi ni Pen ay siya din ang tumayo para sulitin yung mga pagkain na minsan lang namin nakakakain.

"Oy Pen ikuha mo ako ng fried chicken." Agad kong sabi sa gitna ng ingay ng karaoke. Muntik ko ng makalimutan ang fried chicken.

Nang matapos kaming lahat kumain ay relax lang muna. Yung iba ay nagsimulang magkantahan. Napapataas ang kilay ko at napapailing sa mga sentunado kong kaklase na sumubok kumanta at hindi nagpatalo ang mga pabida sa classroom. Sumandal lang ako sa silya ko at nakatingin lang sa kanila. Pero agad akong napatingin sa bag ko. I contemplated whether to text Saxon or not.

But I chose the second option. I remained calm and I didn't let him enter in my brain.

Pagkatapos naming magrelax ay nagsimulang magpalaro ang mga officers, may price, twenty pesos para sa winner. Mga limang laro muna bago nagsimula ang exchanging gifts. Binigay ko yung regalo ko kay Pillar at nakatanggap ako ng regalo mula kay Katrina dahil siya pala ang nakabunot ng name ko. Sinilip ko kung anong regalo ko at nakita kong t-shirt na pale pink at may print na watermelon sa gitna at may sulat na cute sa likod. Yun lang ang laman.

Since Then Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon