Chapter 22

50 1 0
                                    

Dahan-dahan kong sinarado ang bintana sa kwarto ko nang hindi ko na makita si Saxon. Hindi ko pinatay ang ilaw sa kwarto ko kung kaya't lumabas ako. Binuksan ko ang ilaw sa sala. Yung sa harap ng bahay namin ay may nakabukas na ilaw kasi ayaw ni Mama na madilim ang bahay namin lalo na't natutulog kami kasi delikado at para makaiwas sa mga nanloloob.

I unlocked the door. I gently opened the door. The door made a creak sound, I bit my lower lip and glanced at my parents' room. When I knew that there's no a curious noise from their room, I hurriedly but slowing my steps out of our house. Hinanap ko ang regalo na sinabi ni Saxon sakin. Agad kong nakita ang pulang paper bag. Agad kong kinuha yun at dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay.

I locked the door and turned the light off in the living room and quickly ran up into the my room. Pagsara ko sa kwarto ko ay narealize ko na hindi pala ako nananaginip. Totoong tumawag si Saxon at pumunta siya ng bahay namin. Umupo ako sa sahig sa paanan ng higaan ko at kinuha ko ang kahon na nasa loob ng paper bag. It's shiny metallic red wrapped box. Ang galing niyang magbalot ng regalo samantalang ako ay hindi ko alam kung paano magbalot ng libro ko.

Hindi ko binuksan agad ang regalo na bigay ni Saxon para sakin. Bubuksan ko yun agad kapag dumating na yung araw ng pasko. Tinago ko lamang yun sa ilalim ng kama ko para hindi makita ni Mama at hindi pakialaman.

Bumalik ako sa pagtulog. Hindi ko inisip na magbibigay pa siya sakin ng regalo. Para sakin ay sapat na yung kabutihan niya. Hindi ako ambisyosa, hindi ako demanding na tao, ang gusto ko lang ay may totoong kaibigan. Yung palaging nandyan para sayo, damayan ka sa lahat ng paghihirap ko dahil kailangan ko ang ganung kalinga.

Mariin akong nakatingin sa labas. Nakatambay ako sa gilid ng bintana at ang layo ng tingin ko. Hindi ako makalabas dahil sa lagay ng panahon. Umulan kaya hindi ako makalabas para magbisekleta. Kaming dalawa lang ni Mama sa bahay. Apat na araw na simula nang umalis si Saxon papuntang America. Sa araw ng pasko ay maulan. Kagagaling ko palang sa paglaba ng damit ko. Kahit maulan ay naglaba parin ako para hindi ako maraming malabhan sa mga susunod na araw. Hindi na ako naghintay pa ng sikat ng araw baka kasi ilang araw pa bago sumikat edi matatambakan ako ng gawain.

Bumuntong-hininga ako at isinandal ang mukha ko sa bintana habang nakatingin parin sa mga patak ng ulan na nahulog mula sa bubong. Hindi pa kumalam ang tiyan ko dahil busog ako. Bumuntong-hininga ulit ako at sinarado ko ang bintana pero nasa gitna lang ang pagkarasado ko dahil para hindi dumilim sa kwarto ko. Inislide lang ang bintana ng bahay namin. Wala kaming pera para pambili ng salamin na bintana kaya wala akong dapat ipagreklamo sa ganitong uri ng bahay namin, pero kahit mahirap lang kami ay buo kaming mag-anak. Yun lang ang mahalaga.

Bumaba muna ako para sana manuod ng TV pero wala pala talagang kuryente. Pasko pero walang kuryente at yun ang nakakainis sa lahat dahil ang boring kapag walang pinapanood. Umupo lang ako sa terrace namin at tumingin sa patak ng ulan na parang matandang babae na tumatambay sa labas.

Lumipas ang ulan pagkatapos ng dalawang oras na pag-ulan ng malakas. Lumabas si Mama sa loob ng bahay at umupo din siya sa isang banko na nasa kabilang terrace namin. May hawak siyang tambo na iwinawalis sa loob ng bahay at tumingin sa kawalan.

Alam ko na maraming problema sina Mama dahil sa pag-aaral namin ng kapatid ko. Hindi maraming ihinanda namin sa pasko at ganun din siguro sa New Year Eve dahil wala silang pera. Yung sweldo ni Papa ay ipapadala yun sa susunod na taon para sa allowance ni ate sa pag-aaral niya.

Hindi ako pwedeng huminto sa pag-aaral dahil mahuhuli ako sa mga kabatch ko. Ayokong mahanap ng trabaho para tumulong sa parents ko. Gusto kong mag-aral at diretsong makapagtapos.

Nang hapon ay tinulungan ko si Mama na maglinis sa loob ng bahay namin. May spaghetti pa kaming natira sa lamesa pero wala na akong gana na kumain. Si Papa ay kagagaling lang sa mga kasama niya sa construction, nakainom si Papa kaya umakyat din siya sa kwarto nila ni Mama para matulog. At nang matapos ako sa pagtulog kay Mama ay nagpaalam ako sa kanya na aalis.

Since Then Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon