After we came from Buenavista park we went to the Allo river a few kilometers away from their farm. Pinababad namin ang aming mga paa sa tubig. Pagkatapos ng pagpalipad namin sa saranggola ay napagod kami kaya pumunta kami sa ilog at nagbabad ng paa namin. With the sounds of smooth flow of the water together with the gentle wave of the wind, it's relaxing and I didn't want to go home.
"Nan tignan mo, may maliit na isda na lumapit sa paa ko." Tinuro ni Saxon sakin ang maliit na isda na nasa pangalawang daliri ng kanyang paa.
I frowned looking at the tiny fish I couldn't even identify what its name. Hindi ako nagseselos sa isda. "Lapitan ka kasi kahit maligno ay lalapitan ka."
"Wala akong magagawa, I have a pretty face after all." he said without regretting what he said. So confident.
Sinipat ko ng tingin ang isda. Humahalik na siya sa daliri ng paa ni Saxon. Nainis ako kaya winisik ko ang tubig para lumayo siya. I smiled in victory. Saxon frowned then he looked at me with his scrunched face. "Lumayo tuloy, tinatanggal yun ang dumi sa daliri ng paa ko kaya yun lumapit. Ang lupit mo talaga." Naiiling niyang sabi at pinaglaruan nalang ang tubig.
Hindi malalim ang tubig. Hanggang sa Achilles tendon lang at klaro ang tubig na parang kristal. Yung malamig na tubig ay masarap sa pakiramdam kaya mabuti nalang at dito kami huminto pagkatapos ng pagbibisekleta namin ng matagal. Ang init kasi ng panahon kaya deserve namin pareho ng ganitong pahinga.
"May pasok na naman sa susunod na araw. Hindi ko gustong pumasok." Una kong sambit.
"Bakit ayaw mong pumasok? Sa loob ka lang ng bahay niyo ganun?"
"Kung pwede lang. Kung trabaho ba naman ang kain-tulog phase ay mayaman na ako. Pero papaluin ako ni Mama kung sa bahay lang ako." Naiinis kong sabi.
Siniko ako ni Saxon habang malapad siyang nakangisi sakin. "Pumasok ka sa lunes para may matutunan ka."
"Na ano? Kalokohan? Five years na ako sa highschool at nakakasawa na ang pagmumukha nila. Tapos next year twelfth grade na ako. Parehong mukha parin ang makikita ko." Nayayamot kong sabi. Hindi sa ayokong may matututunan sa school, ang kaso lang ay nakakatamad na talaga.
Napatingin ako sa kanya.
"Buti ka pa, graduating student ka na. Ano sa pakiramdam na gagraduate ka na ng highschool? Masaya ka ba?"
"Syempre. But like I said, I'm staying in Casagrande University. Hindi na ako lalayo."
Right. My whole expectation was he'd go somewhere far from Casagrande but I was wrong. Natuwa ako dahil hindi niya iiwan ang Casagrande. Pero napangiwi ako. "Mabuti ka pa, ako—isang taon pa bago makaalis sa school namin."
"Hindi yun problema. Mabilis lang yan. Malay mo paggising mo bukas graduation day na."
Pareho kaming natawa sa sinabi. Mabilis nga lang ang panahon pero malay ko kung hindi magbago ang isip ni Papa na pumunta kami sa ibang lugar, gagraduate ako sa CNHS at sa Casagrande din ako mag-aaral ng college pero, pero, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil mga magulang ko parin ang susundin ko.
Inabutan kami ni Saxon hanggang alas singko ng hapon. Binigay niya sakin ang knapsack kahit ayaw kong tanggapin dahil may snacks pang natira pero mapilit siya kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at hinayaan ko nalang siya. Hinatid ako ni Saxon pero hindi na siya lumapit sa daan papunta sa burol kasi pinilit ko siya na huwag ng sumunod.
Pag-uwi ko ay nasa likod ng bahay si Mama at kausap si tiyang. Tahimik akong pumasok dala yung knapsack ni Saxon. Ayokong makita ni Mama na may bag akong ganun kasi magtataka siya at marami ang kanyang tanong na parang imbestigador. Pumunta lang ako sa kusina at tahimik na naghapunan pagkatapos ay pumunta ako sa sala namin at nanunuod ng TV.
BINABASA MO ANG
Since Then
Teen FictionDiary is where we set our feelings, where we situated our frustrations, happy moments, and all different emotions we feel. It also serves as our marker to be able to regain our memories from the past. A memories from the past that sometimes we shoul...