Chapter 01

176 4 0
                                    

Naiinis ako kay Sophia dahil masyadong mapapel sa classroom namin, ako na hindi palasalita ay tanging matalim na tingin lang ang ginawa ko habang naglalagay ng floor wax sa sahig, kinuskos ko yung tela na may floor wax sa sahig na may panggigil at iniimagine na si Sophia ang nginungudnguran ng floor wax.

Hindi ako takot magsalita ng katotohanan pero nasa tamang pag-iisip pa ako kaya nanatiling tikom ang aking bibig para walang gulo.

Tinapos ko yung pagfo-floor wax para bukas ay mailampaso nalang yung sahig gamit ang bunot. Nasa may sampu kaming nagfo-floor wax tapos yung Sophia ay walang ibang ginawa kundi ang magbitbit lang ng walis-tambo para kunwari naglilinis siya. Ganun kasi ang rule ng mga papansin.

Naghugas muna ako ng kamay sa may CR ng mga babae dito sa senior high department. Bibig ko lang ang ginamit ko sa paghinga, grabe ang baho, may tubig naman pero hindi marunong magbuhos yung mga tao.

Paglabas ko ay nakasalubong ko si Pen— yung friend ko. Marami akong friend sa school pero minsan lang kami nagkakaanyayahan sa labas dahil na rin sa katamaran saka wala kaming pera. I really wished to graduate and go to college then graduate again para makapagtrabaho at magkapera para may pang-gala ako.

"Uuwi ka na Nan? Sabay na tayo sa labas."

"Sige." Naghintay ako sa labas ng CR dahil hindi ko talaga kaya yung baho at gusto ko ring huminga gamit ang ilong ko.

Paglabas ni Pen ay lumayo ako sa may CR dahil hindi ko talaga kaya ang amoy. Grabe hindi manlang nililinisan. Yung student supreme government ang dapat na maglinis nun dahil yun ang isa sa mga layunin nila. Hindi naman kami nasa private school para magbayad ng maglilinis.

Dito sa Casagrande National High School ay walang mayaman na nag-aaral, kapag may mayaman naman na mag-aaral ay anak ng teacher dito sa school namin pero hindi naman mayaman ang mga teachers dito, yung mga mayayaman ay yung mga anak ng businessmen dito sa Casagrande. Gaya nalang ng mga Azzaro, Esteves, Garde, Vocchio, Falcori at marami pang iba.

Ang daming mga ranchero dito sa Casagrande, yung iba ay taga El Paso pero may ari-arian din dito sa Casagrande.

"Oh ang lalim na naman ng iniisip mo, stress ka ba? Yan kasi puro ka basa ng ebook kaya ka nagkakaganyan." Tinapik ako ni Pen ang kamay ko, may kasama pa pala ako, akala ko nag-iisa lang ako.

Hilaw akong ngumiti sa kanya. "Hindi ah. Pagod lang ako, mabuti nalang at Friday bukas at may program. Gusto kong matulog sa classroom."

"Oo nga no, boring naman ang program saka ano bang dadalhin mo bukas? May parade daw tapos kailangan daw magdala ng prutas o gulay."

Closing program nga pala ng nutrition month bukas at wala pa akong dadalhin, nagkamot ako sa aking buhok. Nubayan.

"Manok nalang ang dadalhin ko, pagkain din naman yun."

Tumawa ng malakas si Pen. "Buhay ba or luto na?"

"Syempre yung luto na para ilalagay ko lang sa bag, 'lam mo naman yung mga classmate natin, hindi mahilig humingi." Nangingiwi kong sagot.

"Ay oo lalo na yung bida-bida sa classroom natin."

Napailing ako sa sinabi ni Pen. Kaya Pen ang tawag ko sa kanya dahil ang luma ng pangalan niya, Peñaflora  Doritos ang buo niyang pangalan. Ako naman ay Nan, shy ang right pronunciation niya, nickname ko lang sa school pero sa bahay namin ay ang bantot ng pangalan ko pero pasalamat ako dahil Nan din ang tawag nila, si mama lang ang tumatawag ng pangalan ko ng buo kapag galit.

Bumalik kami sa room at nandun na si ma'am, yung adviser namin. Inispeksyon muna niya yung classroom namin. Lumabas na ako baka mag-isip na naman ng kung anong ipapagawa namin, yung ibang teacher saka na sila mag-iisip ng bagong gawain na tapos na kaming maglinis. Hindi talaga kami pinapagpahinga.

Since Then Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon