Chapter 18

46 1 0
                                    

December. It's the day before our Christmas party and it's Thursday. We didn't have regular classes because the school principal gave us the time to prepare our Christmas party so our teachers didn't come in our classroom to have lectures. May decorations na sa classroom kasi pagkatapos ng Halloween ay nagdecorate na kami. May mga stars na gawa sa construction paper sa itaas ng kisame at may paper chains din na nakakabit, hindi lang Christmas party ang icecelebrate namin kundi pyesta din.

"Ano bang binili mong regalo kay Pillar?" tanong ni Pen habang nakaupo kami sa armchairs namin. Malinis na ang buong classroom at nag-uusap nalang kami ng mga dadalhin namin bukas.

Sumandal ako sa upuan ko at pinagkrus ang aking braso. "Bumili ako ng panyo I mean yung bandana na maraming desinyo na uso ngayon na palaging ginagamit ng mga kala mo gangster nating mga schoolmates, yun isa lang at bumili ako ng iba't-ibang kulay na medyas para sa kanya at isang cologne yung hindi Johnson's."

"Yung sakin ay isang stuffed toy lang. Ang mahal nga nun kasi sobra three hundred pesos. Ang sabi nila ay hindi bababa sa two hundred, mga ulol talaga." sagot ni Pen.

"Yung sakin ay sobra two hundred ang nagastos ko dahil bumili pa ako ng gift wrapper. Mabuti nalang at may nakita akong maliit na kahon sa bahay at pinabalot ko kay Mama."

Hindi ako marunong magbalot ng kung ano kaya si Mama ang nagbalot nun. Mayroon na akong susuotin sa Christmas party. Red and green colors ang dapat susuotin namin dahil yun ang theme. May red skirt na may belt na tela na kulay itim ako na lagpas sa tuhod at red din na shirt. Yun ang bagong uso ngayon. At yung black boots na binigay ni tiya sakin ay masusuot ko narin. Problema ko nalang ay hairstyle ko.

Yung mga kaklase ko ay iba't-iba ang usapan. Yung iba ay pinag-uusapan ang Christmas party na gaganapin kinabukasan pero yung iba ay pinag-uusapan ang mga lalaki na taga-ibang school. Napaismid lang ako sa kanila saka kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko. May text message akong nareceive galing kay Saxon. Kaninang umaga lang yun. Binasa ko ulit ang text message niya.

Saxon:
Pumasok ka?

Hindi ko siya nareplyan kasi wala akong load at hindi rin malakas ang signal sa eskwelahan lalo na sa loob ng classroom kaya hindi ako nakapagreply sa kanya. May thirteen pesos ako para sa load ko pero mamaya pa ako magpapaload kung tapos na yung school hours.

Kinuha ko ang bag ko at linagay sa ibabaw ng armchair. "Pen matutulog lang muna ako. Wala naman tayong gagawin." sabi ko kay Pen.

Alas dos palang ng hapon at alas singko pa kami makakalabas ng school. Narinig ko si Mary Joy na kumakanta, isa siya sa kakanta para sa program bukas. Bago kami pumasok sa classroom para kumain at magpalaro ay may program sa quadrangle. As if naman lalabas ako para manuod. Hindi ako mahilig manuod ng program kasi nagsawa na ako. Mula seventh grade hanggang matapos ako sa junior high ay nagsawa din ako diyan.

Nang mag-alas kwatro ay gising na ako. Sa katunayaan ay isang oras akong nakatulog dahil ang ingay pero mabuti nalang at nakatulog pa ako dahil sa ingay ng mga kaklase namin ay paano ba makakatulog ng maayos. Gumawa kami ng malaking circle sa classroom. Ginilid ang mga armchairs para malaki ang space sa gitna. Sa gitna ay may linagay na lamesa. Dalawang mahabang lamesa para lagyan ng pagkain. Yung pledge namin ni Pen at may isa pa kaming pinasali sa para sa pledge ay si May-Joy.

Puto o rice cake ang pledge namin at ang gagawa ay ang Mama ni Pen since marunong gumawa ang Mama niya at may traditional oven sila sa bahay nila, hindi ko alam kung paano lutuin yun pero masarap gumawa ng puto ang Mama niya. Kaya yun ang napili naming pledge dahil hindi masyadong magastos. Yung binili lang namin ay white sugar, gatas, cheese, at yung ilang ingredients na hindi ko alam kung ano. It's a traditional puto and of course it's not going to be a rice cake without rice. Tig-isang kilo kaming tatlo pero hindi namin binili. Kanya-kanya dala lang ng bigas para makatipid kami.

Since Then Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon