Chapter 25

51 2 0
                                    

Hanggang sa pagpasok ko sa loob ng bahay namin ay para akong nasanibanan ng kakaibing espirito. Nasa hapagkainan kami at kita ko yung repleksyon ko sa baso na ginamit ko ang mukha ko. Halata yung liwanag sa mukha ko, sobra akong nasiyahan sa nalaman na walang girlfriend si Saxon.

Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan namin ay naglinis agad ako ng katawan saka nagbihis at nagsipilyo. Diretso ako sa kwarto ko at kinuha ang notebook ko para isulat sa diary ang nalaman ko.

Hello Diary,

Ito na naman ako, nagsusulat sayo para malaman mo yung nalaman ko. Guess what? Walang girlfriend si Saxon!

Nakahinga din ako ng malalim nang malaman ko na wala siyang girlfriend. Hindi naman sa nagsasamantala ako sa pagiging single ng status niya. Ayoko lang kasi na may magselos na babae sakin dahil kay Saxon. Ayoko pa naman ng attention kaya umiiwas ako diyan.

Sa ngayon ay gusto ko lang muna na maging magkaibigan kami ni Saxon kasi hindi pa ako handa na ibigay ang puso ko sa iba. Bago ako magmahal, pipiliin ko muna ang sarili ko kasi paano ako magmamahal ng iba kung hindi ko naman inaalagaan ang sarili ko? Kung anong mayroon kami ni Saxon sa ngayon ay yun lang muna.

Nan

Sinara ko ang notebook at tinago ang ballpen. Yung diary ko na sinulat ay hindi siya mahaba kagaya ng iba. But the important here was that I wrote an update. Ang saya lang kapag may sinusulat akong update sa diary ko. Mas masaya kaysa sa isang application na tinatawag na Facebook. I tried to make one but ended up not using it anymore.

Oo nga at magandang aliwan pero nakakaadik siya. Time consuming ang app na yun, isa pa'y gumagamit lang ako nun kapag may internet connection ako. It meant, I had to go to the computer shop to log in.

Mabuti nalang at may diary akong pinag-uukulan ng pansin dahil mahalaga sakin ang isulat ang mga nangyari sa buhay ko para kapag tumanda ako ay may babasahin ang mga apo ko. I was that so sentimental and I wanted to bring back memories again by my own handwritten on my diary.

I smiled to myself and just sleep the rest of my thoughts.

Maaga palang ay nag-igib agad ako ng tubig, naligo, at naglaba ng damit pagkatapos ay nanatili lamang sa loob ng kwarto ko at hindi muna lumabas hanggang hindi nakakatapos sa projects ko. Ginunting ko ang prinint ni Saxon, marami yun kaya yung kamay ko ay parang namanhid at parang tusok-tusok akong naramdaman sa kakagunting.

Being a student meant sacrificing too, I needed to do some sacrifices for what's best for me.

Nakatapos ako pagkatapos ng tanghalian. Hindi ko talaga tinigilan ang paggawa ng projects ko hanggang matapos kasi mahirap kung tamaan na ako ng katamaran, hindi ko na yun magagawa pa.

I received a message from Pen. She asked me if I was already done with our projects.

Pen:
Tapos ka na ba sa projects natin?

Nan:
Oo tapos na. Lahat tinapos ko para gala nalang ako bukas.

Pen:
Buti ka pa may natapos. Ako isa palang. Galing palang ako sa pagpaprint kanina sa computer shop.

Nan:
Ilan ang nagastos mo sa pagprint?

Pen:
Fifty-five. Tapos bumili pa ako ng bond papers at construction papers bali one hundred-forty pesos ang gastos ko.

Since Then Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon