Chapter 33

41 1 0
                                    

Grunting, I moved to the other side to get away from the dinged noise made by my cellphone. I was still so sleepy and I wanted to sleep more but the sound was so irritating, it never understood that I needed more time to sleep.

Napagod ako sa eskwelahan dahil kahapon lang ay may presentation kami sa isang curriculum eh theater siya kaya naghanda talaga kami ng mga kaklase, anim na sections ang nagpresent at isa ang section namin doon dahil may pagkakapareha kami ng subject at iisa lang din ang teacher na may hawak at yun ay walang iba kundi si Mrs. Apilado. Kahit Sabado kahapon ay pinaperform kami para sa theater namin, hindi nalang Friday.

Tumunog na naman ang cellphone ko hudyat na dapat ko na yung kunin. I didn't set an alarm because there's no classes today, it's Sunday for human's sake.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakapakunot agad ang oily kong noo nang makitang may mensahe si Saxon. Binuksan ko yun at ganun nalang ang paglitaw ng tuwa at pagbura ng antok sakin nang batiin niya ako.

Saxon:
Happy birthday, dork.

Sayang at wala akong load dahil irereply ko siya. Binaba ko ang cellphone ko sa ibabaw ng unan katabi ng mukha ko. Nakangiti ako dahil naalala pala niya ang birthday ko. Ang sabi niya ay hindi daw yun makakalimutan dahil yun ang araw na namatay ang alaga niyang paru-paro. Gago talaga siya.

Napailing nalang ako at kinuha ulit ang cellphone saka tinignan kung anong oras na.

"Alas dose palang!" I exclaimed in surprise.

Kaya pala sobrang antok dahil ilang oras palang nang makatulog ako. Alas otso ako nakatulog at nagising ako ng alas dose dahil sa mensahe niya.

"Saxon." I uttered in disbelief.

Hindi ko ineexpect na mag-eeffort siya ng ganun. Ewan ko ba kung hinintay niya pa talaga na mag-alas dose para batiin ako o nagising siya bago mag-alas at naghintay na batiin ako.

Ilang minuto lang ay bumalik ulit ako sa pagtulog.

Nagising ako ng alas singko. Agad akong bumangon dahil masakit na ang likod ko sa kakahiga.

"Happy birthday, anak." bati ni Mama.

"Happy birthday." Narinig ko rin na bati ni Papa habang nagkakape.

Napangiti lang ako sa kanila. Paglabas ko para mag-igib ay binati ako ni tiya at lola. Okay naman ang birthday ko dahil binati ako ng pamilya ko at ng kaibigan ko. Si Pen lang ay hindi niya ako binati dahil hindi niya alam na birthday ko. May mensahe din si ate Clara sakin, binati niya ako. Gusto ngang magpadala ng pera para sakin pero sinabi ko na huwag na.

Sapat na sakin ang batiin ako. May kunting handaan naman kami na pagsasalohan dahil agad na bumili si Mama kahapon para hindi na kami mamili pa. Alas syete ng umaga ay sumama ako kay tiya Cicel para magsimba. Nagtirik ako ng kandila at nagdasal. Mabilis lang din ang misa sa kapilya at nakauwi din kami ni tiya.

"Anong oras ka magluluto ng spaghetti 'ma?" tanong ko kay Mama nang hugasan ko ang bigas para makapag-agahan kami.

Hindi kami nakapag-agahan ng kanin dahil tinapay ang kinain namin. Isang takal lamang ng bigas ang lulutuin pampawala lang ng gutom. Hindi ako kontento sa tinapay, gusto ko ay may bigas din.

"Mamayang alas tres na yan para diretso hapunan."

Napatango ako at hinayaan ko siya nang matapos ako sa ginagawa. Umakyat muna ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko. Bumaba din ako pagkatapos.

"Ma magpapaload lang muna ako." Paalam ko, hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil lumabas agad ako.

Pagbaba ko ng burol papunta sana sa may tindahan ay napatigil ako nang makita ko si Saxon na hawak ang cellphone niya. Mukhang may tinetext siya habang nakasakay sa bisekleta, yung isang paa niya ay nakatukod sa lupa habang ang isa ay nasa ibabaw ng pampaandar sa tabi ng gulong.

Since Then Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon